CHAPTER 44

23 2 0
                                    

HINDI MAPIGILAN ni Sofia ang mapanganga dahil sa pagkamangha nang makarating sila sa Jeju island. Sa Pilipinas lang siya nakapamasyal kasama ang mga kaibigan niya. Kapag usapang ibang bansa, umaatras na kasi siya. Hindi niya kayang iwan ang negosyo niya noon. Bakit nga ba? Edi dahil kay Ren. Gusto niyang may maipagmalaki dito. Gusto niyang ipakita na responsible at dependable siyang babae.

Ayon sa na-research nila sa internet, ang Jeju Island ay tinaguriang “Honeymoon Island”. Because the different places in Jeju are packed with romantic atmosphere. Excited na excited pa rin si Sofia kahit alam niyang hindi siya makakapagpahinga sa gabi. Nawawala rin naman ang pagod niya kinaumagahan. Siguro ay dahil kasama niya si Ren at todo asikaso ito sa kanya.

"Sa resort na muna tayo mamasyal ngayon para hindi tayo mapagod ng husto. Dahil bukas ng umaga, aakyat tayo sa Mount Halla," saad ni Ren habang naghahanda ng meryenda nila. Agad namang umayon si Sofia na nag-aayos ng mga gamit nilang mag-asawa. "Pwede ring dumito na muna tayo sa kwarto at matulog. Marami pa naman tayong oras sa susunod na araw para makapamasyal sa buong resort. It's better for us to take a rest first," dagdag pa nito.

"Sigurado ka bang makakapagpahinga tayo kapag hindi tayo lumabas sa kwartong 'to?" pairap na tanong niya.

He chuckled and slyly smiled at her. Nanlaki ang mga mata ni Sofia at tinapon kay Ren ang hawak niyang bote ng lotion. Buti nalang at nakailag ang magaling niyang asawa.

Mount Halla is the highest mountain in South Korea. Kaya pagod na pagod si Sofia nang makarating sila sa tuktok. Kung hindi nga siya hinihila ni Ren o 'di kaya'y tinutulak sa likod kanina, ewan niya lang kung nakaya niya bang makaakyat. Pero kahit na nakakapagod, sulit na sulit naman ang view na natatanaw nila ngayon. Lots of mist covers the top of the mountain and it gives the impression of romantic pleasure. Nagkatinginan sila ni Ren at nagkangitian. Pagkatapos ay hinila siya nito at hinalikan sa labi.

"Pambawi sa pagpipigil ko kahapon. Naka-absent pa ako ng isang gabi."

"Hinaan mo nga 'yang boses mo," namumulang kinurot niya ito sa tagiliran sabay lingon sa mga kasama nilang umakyat.

"As if they understand, puro naman sila mga foreigners. Maiintindihan nila kung sasabihin kong I wanna have seー"

Mabilis na tinakpan ni Sofia ang bibig ni Ren. Pero mahinang kinagat nito ang kamay niya sabay tawa. Nag-iinit ang mukhang pinalo-palo niya ito sa braso.

"Bumabastos na lalo 'yang mga lumalabas sa bibig mo, ah."

"Nasa honeymoon stage, eh."

Napairap nalang si Sofia at tinalikuran ito. Tumatawang hinabol naman siya ni Ren at hinawakan sa kamay. Hinalikan din nito ang ulo niya. Pagkatapos ay itinuon na nila ang atensyon sa magandang tanawin.

SA JUNGMUN BEACH nagpalipas ng ika-apat na araw sila Sofia. The beach is not too crowded, so it is very suitable for a place to relax with Ren. One attraction of the beach is the sand's color assortment of red, white and black. Magkahawak ang mga kamay nila habang naglalakad sa dalampasigan. Naka-yellow summer dress si Sofia habang naka-white unbottoned polo at blue summer short naman si Ren.

"Isara mo nga 'yang damit mo," asik ni Sofia nang mapansin niyang napapatingin sa katawan ng asawa niya ang nakakasalubong na mga babaeng turista.

"Why? I love to feel the fresh air," nagugulohang tanong ni Ren. Nasa kanya lang kasi ito nakapokus kaya hindi nito napansin na nakaka-attract na ito ng atensyon ng iba.

"I wanted to feel the air too. Can I take off this dress? It is much fresher wearing two-piece."

"No way!" mabilis nitong iling.

"Then?"

"Fine. Isasara na. You can unbotton it again laterー tonight," he smirked.

"Tsk," irap niya pero napangisi rin naman.

Sa ikalimang araw, pumunta sila sa lugar na mga adult lang ang nakakapasokー sa Secret Theme Park. May garden art ito ng mga erotic sex scene. It also has human statue of lovers, bear lovers and more. May isang pader rin na may display na painting parody ng ‘Last Supper’ ni Leonardo DaVinci. Hindi tuloy alam ni Sofia at Ren kung tama bang tatawa sila o hihingi ng kapatawaran.

"Enjoy na enjoy ka, ah," tudyo ni Sofia kay Ren na kanina pa pangiti-ngiti. Pauwi na sila sa tinutuloyang resort ng makita niya ang seryosong mukha nito na bigla nalang ngumingiti. Marahil ay may lumilikot na kababalaghan sa isipan nito.

"Syempre! Kasama kita, eh," pataas-baba pa ang kilay na sagot nito.

"Really? Hindi yata ako ang nasa isip mo ngayon."

"Of course, not! Ikaw ang nasa isipan ko. I'm hundred percent telling the truth," nakangising saad nito at inilapit ang mukha sa kanya. "I was thinking, what if we do those scenes?"

"W-What?!"

"Just kidding. I'll just follow my own way," he chuckled.

Naningkit ang mata niya nang maintindihan niya ang ibig sabihin ni Ren. Dahil sa hiya ay hinila niya ang tenga nito pero tumawa lang ang loko.

"We're going home tomorrow. Sorry that we're two days ahead with what we've planned."

"I understand. Work is important."

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon