"SA WAKAS ay nakapagsolo na rin tayo," pagod na saad ni Ren habang nakapikit at nakasandal sa balikat ni Sofia. Nakabihis na sila ng casual na damit at kasalukuyang lulan sila ng kotse patungo sa airport. Diretso na sila sa kanilang honeymoon.
"Bakit nga pala sa Korea mo napiling mag-honeymoon?" tanong niya.
"Gusto kong maglagay ng couple lock sa N Seoul Tower," inaantok na sagot nito. Pagod na pagod ang loko. Napadami daw kasi ang inom nito kagabi dahil sa kaba. Mabuti nalang at nakabangon ito sa tamang oras kahit may hangover. Bigla naman daw na nawala ang sakit ng ulo nito ng makarating ito sa simbahan at hinintay ang pagdating niya.
"Iyon ang rason mo? Para kang teenager," natatawang sabi ni Sofia. Pero deep inside ay kinikilig siya. Gusto niya ring maranasan ang sinabi nito. Nabasa kaya ni Ren ang diary niya?
"Kung may iba pang lugar na may parehong konsepto, puntahan din natin. Gusto ko lang masiguro na hindi na tayo magkakahiwalay pa." Inayos ni Ren ang pagkakahilig sa balikat ni Sofia at hinawakan ng mahigpit ang isang kamay niya.
"Baliw 'to. Kakakasal lang natin, iyan na ang iniisip mo."
"I'm sorry. I just don't want to lose you again. It's your fault why I'm feeling this way."
"And why? Ano namang ginawa ko?"
"You exist. Nakilala kita. Kaya kasalanan mo kung bakit mahal na mahal kita simula noon hanggang ngayon, Sofia."
Natameme si Sofia. Wala siyang maisagot. Nanatili siyang tahimik habang pinapakinggan ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Hanggang sa naramdaman niya ang pagbigat ng ulo ni Ren. Nakatulog ng tuloyan ang asawa niya.
Asawa. Nakakapanibago pero ang sarap pakinggan. Parang panaginip ang lahat ng ito at ayaw niya ng magising pa. Dream come true na ito. At walang makakapantay ngayon sa sayang nararamdaman niya habang hawak sa kamay ng lalaking kanyang minamahal.
Ginising niya si Ren pagkarating nila sa airport. Pikit mata itong bumangon at hinalikan siya sa labi bago bumaba ng sasakyan. Napangiti ulit si Sofia dahil sa biglaang ginawa nito. Dala nito ang mga bagahe nila habang siya ang may hawak sa kanilang passport at ID. Gabi na nang nakarating sila sa Seoul, South Korea at nag-check in sa malapit na hotel. Bukas na sila pupunta sa N Seoul Tower at sa ibang tourist spot within Seoul. Sa Jeju Island sila magtatagal ng isang linggo at six o'clock in the evening ang flight nila papunta doon.
"Matutulog muna ako sandali, mauna ka ng mag-shower." Pagod na inihiga ni Sofia ang katawan sa kama. Ang bigat na ng talukap ng mga mata niya, pati na rin ng kanyang katawan. Parang hindi niya na kayang gumalaw dahil sa pagod.
Ang inaasahan niyang pagsang-ayon mula kay Ren ay napalitan ng paglubog ng kamang hinihigaan niya at ang pagdantay ng braso sa may beywang niya. Biglang napamulat si Sofia at nilingon ang tumabing asawa. Nakapikit ito at mukhang pagod na pagod rin.
"Let's sleep together," sambit nito sabay hila ng katawan niya palapit dito. Inihiga nito ang ulo niya sa may braso at isa ay nakayakap sa kanya. "And let's take a bath together later," bulong nito sa may tenga niya. Tumindig ang mga balahibo ni Sofia sa may batok. At parang tangang ngumisi siya at tumango. Hanggang sa napapikit siya at tuloyang inanod ng antok.
NAALIMPUNGATAN si Sofia ng maramdaman niyang may mainit na bagay na sumasalakay sa labi at katawan niya. Agad ring nag-init ang pakiramdam niya ng maintindihan niya ang nangyayari. Ren is kissing her passionately in the lips while caressing her body. She's still wearing her clothes pero ramdam na ramdam niya ang init mula sa katawan ng asawa niya.
"Ren…"
"Sofia…"
"S-Shower muna tayo," paungol na sabi niya.
"'Wag na. M-Mamaya nalang," hinihingal na sagot naman ni Ren habang patuloy sa paghalik sa kanyang leeg at paghimas sa kanyang kaliwang dibdib. Ang init ng hininga, labi at mga kamay nito. Para bang nag-aapoy silang dalawa.
"B-Bring me to the bathroomー nowー Ah!" Napasinghap si Sofia ng maramdaman niya ang mainit na bibig ni Ren sa may dibdib niya. May suot pa siyang damit at bra pero ramdam na ramdam niya ang mahinang pagkagat nito.
"Damn it, Sofia."
Mabilis na bumangon si Ren at pang-bridal style na pinasan siya patungong shower room. Paglapag sa kanya ay kaagad siyang sinunggaban ulit nito ng halik sa mga labi kasabay ang pagbuhos ng malamig na tubig. Ngunit hindi na nila kailangan pa ng heater dahil sa nag-aalab na init ng katawan nila. They take off their clothes, clean their bodies faster, then returned back to their bed and continued making love.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...