PAGKARATING nila sa kanilang tinutuloyan ay nagpahinga lang sila sandali at agad nang inimpake ang mga gamit nila. May anumalyang nangyari sa kompanya ni Ren at kailangan ang presensya nito as soon as possible. Bukas ng madaling araw ang na-book nilang flight pabalik sa Pilipinas.
"My love, I'm so sorry again," hinging paumanhin ni Ren kay Sofia. Kasalukuyang magkayakap silang nakahiga na sa kama. "I wanna choose you than my company, but you surely know that this is for our future too."
"Of course, I do. 'Di ba sinabi ko na that I understand? Don't make it a big deal," she smiled.
"It's a big deal! Once in a lifetime lang ang honeymoon, so it should be perfect and memorable. Pero hindi man lang natin natapos ayon sa napag-usapan natin," he apologetically said while caressing her face.
"Who told you na once in a lifetime lang ang honeymoon? For your information, dear husband... everyday can be our honeymoon," mapang-akit na hinaplos niya ang braso nito. Naramdaman niyang napaigtad ito sa bigla.
"Sneaky... hindi mo ako madadaan sa ganyan," natatawang piningot nito ang pisngi niya. "I am sincerely sorry here."
Natawa si Sofia. She found him cute and adorable. But aside from that, his sincerity touches her heart. Kaya humigpit ang yakap niya dito at sinubsob pa niya ang mukha niya sa may dibdib nito. Breathing his natural and masculine scent is her new addiction now.
"I admit, it's kind of disappointing. Wrong timing kasi, eh. But I'll honestly tell you this... It's alright. Isang araw lang naman ang hindi natuloy. Iisipin ko nalang na it doesn't matter, makakasama na naman kita araw-araw. And again, pwede naman tayong mag-honeymoon ulit. How about every anniversary natin?"
"Hmn... Oo nga 'no? It's a good idea. But my love," itinaas nito ang mukha niya para magkatitigan sila. "I think mas gusto ko iyong... everyday can be our honeymoon." His gaze was sharp and hypnotizing.
"Che!" namumulang hinampas niya ang dibdib nito. He chuckled in response and suddenly gave her a peck in her lips.
"Ikaw ang nauna. Ginaya ko lang ang pang-aakit mo. So don't give me this reaction or else... hindi na naman tayo makakapagpahinga ngayong gabi," he whispered in her ears. Mabilis namang nagsitayuan ang balahibo sa batok ni Sofia.
"What a naughty husband," she cringed.
"What a lovely wife," he answered and kissed her forehead. "Shall we sleep? Bago pa magbago ang isip ko?"
"Tsk. Tiis ka muna. Maaga pa tayong gigising bukas."
"Yeah, yeah. Babawi nalang ako," he hugged her tightly. Matamis na ngumiti si Sofia at agad ipinikit ang kanyang mga mata.
"I love you," she mumbled.
"I love you more," he responded before they doze off to sleep.
...
WALA ang kanilang Mama Cristina pagkarating ng dalawa sa bahay nina Ren, na magiging bahay na rin ni Sofia simula ngayon. Ang sabi ng asawa niya, may bahay daw itong pinagawa para sa kanila. Ngunit hindi pa daw tapos kaya sa ngayon, makikitira muna sila sa bahay ng kanyang manugang.
"Anong sabi ni Mama?" tanong ni Sofia kay Ren pagkatapos nitong patayin ang tawag mula sa ina nito.
"She's out of the country kasama si Mama Salie. They left yesterday morning."
"Really? That's good to hear. Mabuti't nagkasundo ang dalawang 'yon na magbakasyon."
"Yeah. But the bad news is, wala kang makakasama dito. Sumama ka nalang kaya sa kompanya?"
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...