CHAPTER 14

23 2 0
                                    

NAPAISIP si Sofia sa sinabi ni Gwen. Tama nga ito. Actually, may plano naman siyang kausapin si Ren pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa siya handa. Pero alam niyang darating rin ang tamang panahon na dapat ay magkalinawagan sila. Ayaw niya lang magmadali sa pagdi-desisyon, baka mali na naman ang maging hakbang niya at mauwi na naman sa luha.

"Anong pinakain sa'yo ng lalaking 'yon at nasa panig ka na niya? As far as I can remember, halos lumabas na ang ugat mo sa leeg sa lakad ng sigaw mo sa kanya."

Naalala niya ang tinutukoy ni Jenny. Gusto niyang matawa pero nasa seryosong usapan nga pala sila. Oo, tumatawa pa rin siya. Isa sa natutunan niya ay hindi dapat buong puso ang ibigay mo sa lalaking mahal mo. Dapat ay may nakalaan pa ring bahagi para sa pamilya at kaibigan, lalong lalo na sa Diyos. Dahil kung wala, kasabay ng pag-ikot niya sa mundo mo, makakaya niya rin itong paguhuin ng walang matitira sayo. Tulad ng nangyari sa kanya.

"I already know his side and it made me understand him."

"Really? So, siya nga ang Ren na kababata ni Sofia?" Jenny curiously asked. Parang nanglaki naman ang tenga ko sa narinig. Gusto ko ding malaman ang sagot sa tanong iyon na bumabagabag rin sa akin.

"Hmn... It's for me to know and for you to think of it over and over again. You need to discover it for yourself, Sofia," baling sa akin ni Gwen.

"Ah basta! Kahit ano pa 'yang paliwanag niya, dapat pa rin siyang magsisi sa mga ginawa niya kay Sofia. Kung pwede nga lang maghintay din siya ng labin-limang taon tulad ng ginawa ng kaibigan natin."

"Dalawang pahina na ng kalendaryo ang edad ni Sofia 'non, loka ka."

Napaismid lang si Jenny at umupo sa gilid ng kamang hinihigaan niya. "Fine. Let's just stop arguing. In the end, it's still Sofia's decision that will prevail."

"Exactly."

She's out of words. Dahil sa mga narinig niya mula sa mga kaibigan, mas nagugulohan tuloy siya. She don't know what to do anymore. Papatawarin niya na ba si Ren at ipagpapatuloy ang naudlot nilang pangako? Gusto nga ba nitong ipagpatuloy? Siya nga ba talaga si Ren? Or she will let herself free from the past that hurts her at piliin ang bagong pag-ibig na inaalay ni James? Pero sumuko na ito, pipilitin niya ba? May pag-asa pa kaya sila?

Napailing si Sofia sabay buntong-hininga. Susundin niya ba ang dinidikta ng isip niya? O mananaig na naman ang sigaw ng kanyang puso?

"I think, I need to clarify some things from James first. Let's also see kung gaano katatag ang kagustohan ni Ren na makabawi sa akin at hanggang kailan ko siya kayang tiisin"

"Good point. I'll agree to that," Gwen said.

"Me too," ayon naman ni Jenny.

"Speaking of tiisin may bigla akong naalala," makahulogang sabi ni Gwen sabay tingin kay Sofia.

"Ano naman 'yon?" kinakabahang tanong niya. Kapag ganitong klasing tingin ang binibigay ni Gwen, may namumuong hindi maganda sa isip nito.

"Paano ka natutong mang-seduce ng lalaki ha? My gosh, hindi ko akalaing may tinatago ka palang kalintaan, Sofia!" panunudyo ng kaibigan sa kanya.

Nanlaki naman ang mata ni Sofia at napabuka ang ibibig para magpaliwanag sana. Ngunit walang salitang lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa kanila.

"I slightly admired Elton for not taking advantage to you, huh," dagdag naman ni Jenny na nang-aasar din ang ngiti.

"It was- That's- I don't know! Stop teasing me girls!" nahihiyang itinakip niya ang hawak na unan sa mukha.

"Anong sekreto pa kaya ang hindi natin alam? Hmn..." Gwen continued.

"How about in bed? Ohh~ Nag-practice kaya siya? I didn't know you are this mischievous, Sofia," harot na naman ni Jenny.

"Shut up, girls! You're embarrassing me!" tili ni Sofia na ikinatawa ng dalawang kaibigan niya.

Knock! Knock! Knock!

"Is everything okay?" sigaw ng isang lalaki sa labas ng kwarto na kinaruruonan nila.

"Gosh, I almost forgot! Nasa labas pa pala si Elton."

"Suits him," Jenny smirked.

"Tss. You're such an evil stepsister!" reklamo ni Gwen sabay irap sa isa niyang kaibigan nga nakangisi pa rin.

"Oh, he is not Cinderella."

"Blah, blah! You just said you admired him a while ago."

"Just slightly."

"Still. I know you're starting to like him, Jenny."

"Never, Gwen!"

"Whatever! Got to bond with my bet." Nagflip-hair pa si Gwen bago tuloyang lumabas para kausapin si Ren. Kahit ayaw niya mang aminin, parang nasisiyahan siya sa ideyang nagustohan ng isang kaibigan niya si Ren.

"Err. You're smiling like an idiot, Sofia. Behave yourself."

"I'm behaving, Jenny."

"And you're not denying that you idiotically smiled?" napasinghap pang tanong nito sa kanya kaya pabirong inirapan niya ito.

"Ang harsh mo naman," natatawang saway niya dito.

"But you look like you're not affected with my harsh words."

"Ang cute niyo lang kasing magbangayan ni Gwen kaya natatawa pa rin ako."

"Psh. Don't you ever fool me, Sofia. I still like James for you despite of knowing the reason behind your smile."

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon