CHAPTER 25

33 2 1
                                    

ARAW ng Sabado, nasa bahay sila ni Jenny. Tulad ng mensaheng natanggap ni Sofia, may utang siyang kwento sa dalawa niyang kaibigan. Ngayon ay nasa sala silang tatlo. Nakaupo siya sa sofa, katapat ang mga babaeng parang asong ulol na naglalaway na makasagap ng balita. She have a choice to keep her relationship status in private. But her friends are not just nobody. They were like sisters to her. Ngunit sa sitwasyon niya ngayon...

"Can I ask you a favor?" Sofia slowly plead to her friends.

"I don't want to hear it," mabilis na iling ni Jenny.

"Go, shoot! What is it? Bilisan mo para makapagkwento ka na pagkatapos," sagot naman ni Gwen.

"Our relationship... Can I keep it? It's awkward telling every details to you," nakayukong sabi niya. Hindi niya kayang salubongin ang tingin nila. Siguro ay nasanay na siyang ilihim sa mga kaibigan niya ang tungkol kay Ren kaya medyo ilang siya na sabihin sa mga ito ang progress ng lovelife niya.

"I knew it./Oh my! May nangyari na sa inyo?" magkasabay na sagot ni Jenny at Gwen.

Napasinghap si Sofia pagkatapos marinig ang tanong ng huli. Kahit kailan, kakaiba talaga mag-isip ang kaibigan niyang ito. Tiningnan niya ito ng masama pero ngumisi lang ang kikay na kaibigan niya.

"Ano ka ba, Gwen?! Ang advanced mong mag-isip. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng privacy. Alam kong baguhan ako sa larangang pinapasok ko ngayon. Maraming bagay ang hindi ko pa alam. Pero... gusto ko lang sulitin ang pagkakataong binigay sa akin. Fifteen years ang panahong ginugol ko sa paghihintay. Kaya ngayon ay gusto kong sundin ang nais kong gawin..."

"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin, Sofia. We're not dwelling this part of your life just because gusto lang naming panghimasukan ang buhay mo. We want to know the flow of your situation dahil natatakot kaming mapahamak ka na naman. We can't help you if something wrong will happen dahil wala kaming kaalam-alam sa saloobin mo. Mas maiging magkwento ka para alam namin kung ano ang tamang solusyon kapag nagkaproblema ulit kayo. Like what Gwen and I did, we shared our story. Because we're friends. Sino pa bang magdadamayan, tayo lang rin 'diba?"

"Jenny's right, Sof. Hindi mo naman kailangang sabihin ang every detail ng encounter niyo ni Elton, loka ka. You can just summarize it. We only want you to share your thoughts, your feelings." Marahang hinawakan ni Gwen ang kanang kamay niya at pinagsiklop sa dalawang palad nito. "We're just here to listen. We might give our opinions but in the end, the final decision will all be yours. It's your life. Susuportahan ka lang namin. That's why we want to know your situation so that we can understand you. And if there is something we can help for your happiness, we are always willing to give a hand."

Napangiti siya dahil sa sinabi ng mga kaibigan niya. She is not a very good person. That's why she can't stop questioning what did she do to deserved and be blessed to have these two people. Sang-ayon siya sa mga sinabi ng mga ito. Mas mabuting alam ng mga taong pinagkakatiwalaan mo at taong mahalaga sa'yo ang mga problema mo para may mahingan ka ng payo kung tama o mali ba ang desisyong gagawin mo.

Still, God is good. And everything happened for a reason. Magulo man ang mga nangyari dahil sa ginawang paglilihim niya, naging maganda rin naman ang resulta sa huli. Nagkakamabutihan na sila ngayon ni Ren. At mas pinahahalagahan na rin nila ang bawat araw na magkasama sila.

"Wala kayong dapat ipag-alala. Okay na kami ni Ren. Sa ngayon, nililigawan niya pa ako tulad ng ipinangako niya. Binigyan ko lang siya ng pagkakataong makabawi sa akin," she sincerely smiled.

"I salute you. You both know how much you love him. Pero nakaya mo pa ring mag-set ng boundary at tikisin siya. And a point for him because he respected your decision and he accepted his fault," naiiyak na sabi naman ni Gwen na napahigpit ang hawak sa kamay niya.

"You did the right choice, Sofia. Indeed, you may love each other. But fifteen years is too long. Dapat niyo ulit kilalanin ang isa't isa," baling ni Jenny sa kanya at tinitigan siya ng mabuti. "Don't take this relationship just because of the promise you made, Sofia. You should have a deep reason why you took it seriously. You must have a reasonable feeling not just a memory."

"Tama si Jenny. Why do you love him, by the way? You were too young back then. How come nakaabot ka ng ganito katagal sa paghihintay sa kanya? You have a choice to forget that promise. Paano nalang kung hindi na talaga kayo magkikita ni Elton? What if may mahal na pala siyang iba? You had no assurance, you know."

"I-I thought of those questions. Of course, it scared me. But I trusted him. And I... I don't have a specific reason why I love him. Knowing he's Ren Elton Mendez is enough."

Natahimik ang mga kaibigan niya at mataman siyang tinitigan. Marahil ay marami pang katanungan ang bumabagabag sa mga isip ng mga ito. Pero kung siya ang tatanungin, kontento na siya kung ano ang meron sa kanila ni Ren ngayon. She don't want to overthink anymore. Nag-explain na rin naman si Ren sa naging mali niya. And he's also single. Sadyang, napaglaruan lang sila ng tadhana. Maybe... it happened to test how strong their bond is. Luckily, they were able to overcome it.

"Fine. Basta kapag sinaktan ka naman ng Elton na 'yan, sabihin mo agad sa amin para maresbakan natin agad," Jenny rolled her eyes while she leaned her back to the couch. Nagkatinginan sina Sofia at Gwen at sabay na napangiti.

"K.O na? This is the first time you mentioned Elton's name," nakangising tudyo ni Gwen sa kaibigan nila.

"Come on! I just don't know how to call him. But it seems Sofia is the only one calling her Ren so I'll call him by his second name," pagtataray nito. Napatawa naman ng tuloyan ang dalawa.

Napakislot si Sofia ng mag-vibrate ang cellphone niya. Pagtingin niya ay may pinadalang mensahe si Ren. Agad niya iyong binuksan at binasa. Tinago niya ang nababadyang ngiti sa labi niya at hinarap ang mga kaibigan niya.

"He's outside."

"Si Elton?" mabilis na tanong ni Gwen.

"Yes. Remember, he's courting me now. He will... EVERYDAY," Sofia jokingly bragged.

"So romantic~/Tsk. Pakitang-gilas," magkasabay na reaksyon na naman ng dalawa.

"Hindi ko na siya papasukin dito. You can keep your interrogative questions and save it for the meal he promised to both of you."

"Yeah, sure!" excited na sagot ni Gwen.

"Of course. We will have a good meal then," Jenny said sarcastically.

"Enjoy your date!/Take care," sabay na naman na paalala ni Gwen at Jenny.

"I will," ngiti niya. "Mauna na ako. We'll talk again soon."

Masayang nagbeso muna siya sa dalawang kaibigan niya pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng bahay ng kaibigan. Ayaw niyang paghintayin si Ren. Pero mas makakatuhanang sabihin na excited siyang makasama na naman ito.

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon