CHAPTER 48

24 2 0
                                    

PALIPAT-LIPAT ang tingin ni Ren sa nilalaro sa PSP niya at sa pinto ng kanilang bahay. Sinundo na kanina ng kanyang ina si Rel sa eskwelahan. Hinihintay niya nalang ang pagdating ng mga ito. Interesado na kasi siyang malaman ang nangyaring pagsasama nina Sofia at ng kambal niya.

Nang marinig niya ang pagbukas ng gate, agad siyang tumayo sa kinauupoang sofa at binuksan ang kanilang pinto. Nakangiting bumaba mula sa kotse ang kanyang kapatid at mahinang tumakbo papunta sa kanya.

“Ren! Ang bait nga talaga ni Sofia!” masiglang wika nito pagsalubong niya. Kinuha niya ang dalang backpack nito at inilagay sa center table sa sala nila.

“Sabi ko sa’yo, eh,” ngiti niya pabalik dito na minsan lang niya napapakita. Pagkatapos ay marahan niya itong hinila paupo sa sofa katabi niya.

“Noong inaya niya akong maglaro ng patentero ay hindi ako pumayag. Alam mo ang ginawa niya? Hindi niya ako pinilit. Hindi rin siya nagtanong kung bakit. Tumabi lang siya sa kinauupoan ko at sinamahan akong tumingin sa ibang classmates natin na naglalaro. Tapos nagkwento siya ng kung anu-ano at napapatawa naman ako dahil ang cute niya.”

“T-Talaga?” Masaya siya sa nalaman. Pero may kunting inggit siyang naramdaman.

“Oo! Ito pa, hinanap niya sa akin ang PSP mo. Kinabahan talaga ako nang magtanong siya kung bakit hindi ako naglalaro. Sinabi ko nalang sa kanya na naiwan ko dito sa bahay.”

“Okay lang ‘yon. Hindi niya naman siguro mapapansin na magkaiba pala tayo.”

“Rel, magbihis ka na,” biglang utos ng kapapasok na Mama nila. “Ren, samahan mo kapatid mo. Magluluto na ako ng hapunan natin. Huwag na kayong magpatawag, okay?”

“Opo, ‘Ma,” sagot nila at agad ng tumalima. Kinuha ulit ni Ren ang backpack na inilapag at sabay na silang pumunta sa kwarto nila.

“Sayang lang dahil isang araw sa isang linggo lang kami magkikita. Kung pwede lang sana kahit dalawang beses,” malungkot nitong sambit.

Napalingon siya sa kanyang kambal. May kunting pag-aatubili siyang naramdaman. Pero mas nanaig ang konsensya niya bilang kapatid.

“Gusto mo ba? Tutulongan kitang magpaliwanag kay Mama,” sabi ni Ren dito.

“H-Huwag na. Baka may mangyari pa sa akin. Ayokong mag-alala si Mama,” sinserong ngumiti pa ito na mas lalong ikinalambot ng puso niya.

LUMIPAS ang dalawa at kalahating-taon. Mas lumalim pa ang pagkakaibigan ni Sofia at sa paniniwala niyang iisang lalaki na sina Ren at Rel. Tulad ng pangako ng kambal sa kanilang ina, naging maingat sila kaya wala silang naging problema. Mahal na mahal nila ang Mama Cristina nila sapagkat hindi birong buhayin ng mag-isa ang dalawang anak na may malalang sakit pa ang isa. Hawak pa nito ang naiwang negosyo ng kanilang ama sa syudad na mahirap pamahalaan dahil nasa malayo sila. Pagmamahal at respeto sa ina ang rason kung bakit natanggap ng dalawang bata, sa kabila ng kanilang murang edad, ang sitwasyon nila.

Nagsimula namang lumalabas ang mga sintomas ng sakit ni Rel. Ngunit hindi iyon handlang sa kapatid niya na maging masaya. Lage nitong bukang-bibig si Sofia, na isa sa naging dahilan para maipagpatuloy nito ang pagiging positibo sa buhay. Inilihim naman ni Ren ang kanyang tunay na nararamdaman sa kaibigang babae. Ayaw niyang salungatin ang kapatid. Mahal niya ito at kaya niyang magsakripisyo para dito.

“Alam mo, may kakaiba talaga sa’yo, eh,” sambit ni Sofia habang nakaupo sila ni Ren sa bermuda grass na nasa lilim ng puno. Kasalukuyan silang kumakain ng tanghalian nang bigla nalang itong napatigil sa pagkain pagkatapos tinitigan ng mabuti ang kaharap.

“A-Anong pinagsasabi mo diyan?” iwas niya ng tingin sabay inom ng tubig mula sa baon niyang tumbler.

“Napapansin ko lang. Kadalasan ang engot mo. Lage kang seryoso at laro ng laro sa iba’t ibang PSP mo. At minsan naman… nakangiti ka buong maghapon! Mukha ka ngang sinapian, eh,” napaisip na daldal nito.

“B-Bakit? Bawal na ba ako maging masaya?”

“Hindi. Gusto ko ngang nakikita kang nakangiti, eh. Lalo na kapag kasama mo ako. Teyka lang. Mas tamang sabihin na gusto kong nakangiti ka dahil sa akin,” hagikhik nito.

Hindi napigilan ni Ren ang mapangiti dahil sa sinabi nito. Ayaw niya mang mag-assume pero sumasagi talaga sa isip niya na baka may gusto ng higit pa sa pagkakaibigan si Sofia sa kanya. Ah, mali. Sa kanila pala.

“Ganyan! ‘Yang ngiti na ‘yan! Mas lalo kang guma-gwapo,” tudyo nito sabay sundot-sundot sa tiyan niya.

Biglang nag-init ang mukha niya na paniguradong namula na. Napahalakhak naman si Sofia sa tuwa.

“P-Pero… sa dalawa, sinong mas gusto mo?” biglang tanong niya na nagpatigil kay Sofia.

“Ha? Anong ibig mong sabihin?”

“Mas gusto mo ba ang kadalasan na ako o ang minsan na ako?”

“Hmn…” Napaisip si Sofia. Lihim na napapigil-hininga naman si Ren sa paghihintay ng sagot nito. Napahigpit rin ang paghawak niya sa lagayan ng tubig.

“Mas gusto ko…”

“A-Ano na?” atat niyang tanong.

“Mas gusto ko ang dalawa! Wala akong mapili na isa, eh. Gusto kasi kita maging sino ka man,” she giggles as she immediately stand-up. Leaving him frozen in awe.

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon