CHAPTER 51

29 2 0
                                    

NAPAGDESISYONAN ng kanyang Mama na sa States magka-college si Ren. Pumayag naman siya lalo na't wala na si Rel. Nabasa niya kasi sa diary nito na gusto nitong magtagumpay siya sa pag-aaral, pumalit sa pamamahala ng kanilang kompanya para makapagpahinga at makapagbakasyon na ang kanilang ina. Ngunit may isang bagay na labis na pinag-aalala ni Ren...

"Ma, mahahanap ko pa kaya si Sofia?" tanong niya dito. Nasa himpapawid na sila sakay ng eroplano.

"'Di ba nangako ka sa kanya na liligawan at papakasalan mo siya?" nakangiting tanong nito pabalik at marahan namang tumango si Ren.

Tinupad niya ang habilin ng namayapa niyang kapatid, na maging totoo sa sarili. Kaya sinabi niya lahat ng saloobin niya sa kanyang ina pagkatapos ng libing ng kambal niya. Dahil hindi naman nagtago ng sekreto ang kanilang magulang sa kanila, hindi na nagdalawang-isip pa si Ren na umamin. And knowing his mother, she will surely understands him. Thankfully, hindi nga siya nagkamali.

"Huwag kang mag-alala... Siguradong hihintayin ka niya," tapik nito sa balikat niya. "Trust your brother's instinct."

"Pero... paano kapag huli na ang lahat pagbalik ko ng Pilipinas?"

"Hindi mangyayari 'yon kung maniniwala ka sa kapangyarihan ng ating Panginoon. At kung kayo talaga ang para sa isa't isa, magkikita kayong muli ano man ang mangyari. Huwag mo lang kalimutan na humingi ng gabay sa Kanya," turo nito sa itaas. "Ang nais ko munang gawin mo ngayon ay ang unahin ang sarili mo. Dapat maging karapat-dapat at responsableng lalaki ka para sa kanya. Kailangan mo lang hintayin ang tamang panahon na nakalaan para sa inyo ni Sofia."

...

Mabilis na lumipas ang anim na taon. Excited na umuwi si Ren sa Pilipinas. Hindi nawala sa dibdib niya ang agam-agam habang lumalabas sa arrival area ng airport. Inilikot niya ang kanyang tingin hanggang sa nakita niya ang hinahanap na babaeng naghihintay sa kanya.

"Ren!" sigaw nito sabay salubong sa kanya. "I'm so glad you're safe. I missed you so much!" mahigpit na yakap nito.

"I missed you too, 'Ma!"

Paroon at parito lang ang kanyang ina. Hindi ito tumira sa ibang bansa kasama niya dahil nandito sa Pilipinas ang negosyo nila. Binibisita lang siya nito sa States kapag may importanteng okasyon. Lage naman silang nagvi-video call para magkumustahan.

"Halika na sa kotse," aya nito.

"Wala ka pa rin bang driver?" kunot-noo niyang maktol.

"I told you I can manage myself, Son."

"Ikaw talaga, 'Ma," akbay niya dito. "Fine! Do as you please. But from now on, ngayong kaya ko na, ako na ang bahala sa kompanya natin. So, treat yourself at magrelax ka na."

"Sure. Wala naman akong planong magpakipot," she giggles. Napatawa rin si Ren at mabilis na hinalikan sa ulo ang kanyang ina.

NAPAHINGANG-MALALIM si Ren habang nakatingin sa mga painting at drawing ng kakambal niya na nakasabit sa bawat sulok ng kwartong kinaruruonan niya. Mas malaki na ang bahay nila ngayon kumpara sa tinirhan nila noong buhay pa ang kapatid niya. Noon ay pinili niyang sa iisang kwarto lang sila ni Rel, para madali niya itong nalalapitan kapag inaataki ito ng sakit nito. Isang palapag lang rin ang bahay nila noon para mabilis nila itong madala sa hospital kapag kinakailangan. Pero ngayon ay dalawang palapag na ang bahay nila. May guest room sa ibaba at tatlong master's bedroom sa itaas. Para sa kanyang ina, kay Ren, at para sa mga naiwang mga gamit ni Rel.

"Ngayong nakabalik ka na, gusto mo na bang simulan ulit ang paghahanap kay Sofia?" biglang tanong ng Mama niya mula sa kanyang likuran. Agad niya itong nilingon. Hindi niya alam na sinundan pala siya nito. Akala niya ay nasa kusina ito at pinaghahanda siya ng makakain.

Napaisip si Ren tungkol sa tanong ng kanyang ina. Hindi niya alam kung tama ba ang isasagot niya.

"Ang totoo‥ ay hindi ko alam, 'Ma. Nasa isip at puso ko pa rin siya hanggang ngayon pero... natatakot akong harapin siya."

"Ano ang ibig mong sabihin, Anak?"

"P-Paano kapag may boyfriend na pala siya o a-asawa? Paano kung nakalimutan niya na ako? Na wala na pala akong halaga sa kanya. Ilang taon na ba ang lumipas?"

"Hindi mo malalaman ang sagot sa mga tanong mo kung hindi mo siya makikita ulit," buntong-hininga nito.

"H-Hindi na muna sa ngayon, 'Ma. Hindi pa ako handa. Kung kagustohan ng tadhana, magkikita kami ulit."

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon