"NANDITO na pala tayo. Smile, Sofia. Mukha kang natatae."
"Utotan kita diyan, eh!" Sabay silang napatawa at nginitian ang isa't isa habang nagpa-park ng sasakyan si James.
Maganda ang restaurant na pinuntahan nila. Marami rin ang customers. Siguradong masasarap nga ang pagkain dito.
Nakapili sila ng upoan malapit sa glass wall kung saan nakikita ang ilaw ng mga gusali sa baba. Nasa mataas na bahagi ng syudad naka-locate ang restaurant. Aside sa catchy na pagkain, maganda din ang view sa labas. Kaya marami pa ring dumadating na bagong customers kahit occupied na lahat ng mesa.
"Dagdagan mo pa! Ito naman oh, nahiya pa. I've seen how you eat many times, Sofia," natatawang wika nito habang nilalagyan ng isa pang putahe ang plato niya. Actually, dalawang plato na ang dala niya dahil lahat yata ng nakahain ay kumuha siya.
"Ang dami na nito! Baka 'di ko na maubos."
"Pustahan pa tayo," nakatawang sambit nito habang pabalik na sila sa kanilang lamesa.
"Kung wala lang akong dala, hahampasin talaga kita."
"Ng pagmamahal mo? Pwedeng-pwede."
"Corny."
Umalingawngaw ang malakas nitong tawa. Napatingin tuloy ang ibang kumakain sa kanila kaya hinampas na niya talaga ito nang nakaupo na sila. Ngumisi lang ito at kinindatan siya.
He never fails to make her smile. But her smile fades realizing that. Nasasaktan siya sa katotohanang nasasaktan niya rin ito. Why didn't she tell him that she loves someone else for him to totally stop courting her? Kasi natatakot siya. Na pati ito ay mawala sa kanya. Dahil kung may susunod siyang mamahalin kapag wala na silang pag-asa ni Ren, si James na iyon. Gustohin niya mang tumigil na ito sa kasusuyo sa kanya, ayaw niya namang humiwalay na ito at kailanman ay hindi na magpapakita. Parang dinudurog ang puso niya sa kaisipang iyon.
He is the best best friend for her. She just realized her selfishness all this time by keeping him by her side.
"You really look bothered today. May problema ka ba sa negosyo? Bigla nalang kasing nawawala 'yang ngiti mo."
"Wala naman. May naiisip lang bigla," she smiled at him to show that she's alright. But the concern in his eyes is still vivid.
"You can count on me, Sofia. Whatever you need, I will give it to you," hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. She might feel awkward and uncomfortable everytime he hold her hand, she still manage to smile at him. His efforts are exceptional and she doesn't deserve it.
"I have a debt. Pautang ng pambayad."
"Seriously?! That's a lame joke, Sofia!"
Namula ito sa katatawa. Kaya sinuboan niya ito bigla ng pagkain at muntik pa itong mabilaukan. Si Sofia naman ang napatawa nang matalim siya nitong tiningnan. Wala naman itong epekto sa kanya dahil napakaamo ng mukha ni James.
"Ikaw ang pagbabayarin ko kapag 'di mo 'to kakainin," banta nito na akmang isusubo ang lettuce na may lamang karne.
"Ako pa ang tinakot mo," irap niya sa kaharap.
"Kainin mo nalang kasi."
"Ang laki kaya ng pagkagawa mo! Gusto mo lang rin yatang mabulonan ako, eh."
"Minsan lang kita nasusuboan kaya pagbigyan mo na ako."
"Itong lalaking 'to, pakonsensya talaga." Ngumanga nalang si Sofia at natatawang pinagkasya ni James ang pagkain sa bibig niya. Nagmukha tuloy itong bola at nahihirapan na siya nguyain ito. Panay ang tawa nito habang kinukuhanan siya ng litrato. Natatawang tiningnan niya ito ng matalim tulad ng ginawa nito kanina.
"Elton!"
Muntik ng mapalunok si Sofia ng marinig ang pagtawag ni James sa pangalan ni Ren. She froze when she felt a presence beside her.
"Kadarating mo lang? Come and join us," paanyaya ng kaharap sa lalaking nakatayo sa gilid ni Sofia. Hindi siya lumingon o mas tamang sabihin na hindi siya makagalaw habang puno pa rin ang bibig. Unti-unti niyang niyuko ang mukha upang maitago ito ngunit biglang tumawa si James.
"Don't be shy, Sofia. Show yourself to us," mahinang tawa nito habang inaabot ang mukha niya. She almost curse at James. Nag-iinit ang mukha niya sa hiya. Bakit sa pagkakataong ito pa sila magkikita ulit ni Ren?
"Come on! Cute ka naman, eh."
He suddenly lifted her face at nagtama ang mga mata nila ni Ren. He is looking at her with poker face. Tumawa naman ulit si James ng makita ang mukha niya. Pumikit nalang siya at mabilis na kinain ang pagkain sa loob ng kanyang bibig. Nais na niyang lamunin nalang ng lupa dahil sa kahihiyan.
"Hindi na ako magtatagal, James. May kasama ako. Just enjoy your dinner."
Kung gaano ito kabilis na dumating, ganoon din kabilis itong nawala. Tinapik lang nito sa balikat si James at agad ng umalis. Hindi na rin siya nito tiningnan pa. And it hurts her. Para lang siyang hangin sa paningin nito. Sinundan niya ito ng tingin at nakita niya itong umupo sa isang mesa na may babae.
His girlfriend?
"Okay ka na?" tanong ni James na nagpalingon sa kanya dito. Inirapan niya ang kasama at tumawa lang ito.
"Sa susunod, hindi na ako sasama sayo," seryosong saad niya.
"Huwag ka ng mainis. Mas gumaganda ka sa paningin ko."
Muntik na siyang masamid habang umiinom ng tubig nang marinig niya ito. Tumawa ulit ito kaya napatawa nalang rin siya.
"Restroom lang ako saglit," paalam ni James sabay tayo.
"Okay."
Hinaplos muna nito ang buhok niya bago umalis. Napasunod ang tingin niya sa pag-alis nito. Kaya saktong-sakto na napadako ang tingin niya sa kinaroroonan nila Ren. Hindi niya inaasahan na magkakasalubong ang kanilang tingin. Nakatingin ito sa kanya. Dahil inakala niya na baka nalikmata lang siya, inilihis niya ang tingin sa ibang direksyon. Pagkatapos ng ilang sandali ay dumako ulit ang tingin niya dito. At nakita niyang nakatingin pa rin ito sa kanya. He looks not happy though. Nakatiim-bagang ito at nakakapaso ang tingin. Ngunit nagawa niya pa ring salubongin ang tingin nito. Pero noong pabalik na si James, siya na ang unang nagbaba ng tingin.
"Let's try their desserts."
"Sige," ayon ni Sofia.
Sinulyapan niya muli ang kinaruruonan ni Ren, nagbabakasakaling nakatingin pa rin ito sa kanya. Ngunit nakita niyang paalis na ito habang hawak sa likod ang kasama nitong babae.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...