CHAPTER 23

50 3 0
                                    

NAIILANG na inilihis ni Sofia ang tingin sa dalawang kaibigan na parehong nakatitig sa kanya. Ang pinagkaiba lang ng mga ito ay nakangiti ng bongang-boga sa Gwen habang nakataas naman ang kilay ni Jenny. Wala pa mang sinasabi ang mga ito ay alam na niya ang dahilan ng magkaibang reaksyon nila.

"I-It's a long story again. S-Sorry 'di ko na naman naipaalam sa inyo," nagi-guilty na hinarap niya ang dalawa.

"I am very very disappointed," naniningkit ang matang sabi ni Jenny.

"No! You're doing great!" nakangising sabat naman ni Gwen.

"Ang bilis mong bumigay, Sofia! You should have punished him more. He don't deserve to be forgiven easily!"

"What's the use of making it hard? Eh, papatawarin niya rin naman si Elton sa huli."

"Tsk. Hindi dapat pinagbibigyan agad ang mga lalaki. In that case, they will think of you as an easy woman na madali nilang mapapaikot sa mga kamay nila."

"Hey! Ang bitter mo! To think na may asawa ka na pero nagpapaka-ampalaya ka pa rin diyan!" Gwen hissed.

"Asawang hindi naman nagpapaalam kung saang lupalop siya nagpunta," nakaismid na mahinang sabi nito.

"Lumabas rin ang totoo! Kung may tampuhan kayo ng asawa mo, huwag mong idamay ang buhay pag-ibig ng kaibigan natin. Alam mo namang matagal na 'tong tigang-"

"Anong tigang pinagsasabi mo diyan, Gwen?!" namumulang sita niya sa kaibigan na ikinatawa ng dalawa. Pinagtulongan pa siya ng mga loka-lokang kaibigan niya.

"I mean, maraming taon na ang nasayang sa pagitan ni Sofia at Elton. Hindi naman masamang daanin nalang nila sa mabilisang paraan-"

"Gwen! Bakit ba ang dumi-dumi ng mga naiisip mo?!" pigil niya ulit dito.

"Hoy! Walang halong karumihan ang mga sinasabi ko. Ikaw yata ang may tumatakbong karumihan diyan sa isip mo!" tudyo naman nito sa kanya.

"Bahala na nga kayo, may trabaho pa akong dapat gawin," iwas niya sa mga ito. Nag-aayos siya ng mga dokumento nang biglang dumating ang dalawa sa botique niya. Naantala tuloy ang trabahong dapat niyang matapos ngayon.

"Trabaho daw oh. Don't give us that excuse, Sofia. Alam naming hindi na iyan ang priority mo. Kung sinasabi mo sa amin 'yan noon, maniniwala pa kami. Pero ngayon, hinding-hindi na!" irap ni Jenny sa kanya. Ang sungit talaga ng babaeng ito.

"Well, may narinig lang kaming usap-usapan na may papuntang lalaki dito ngayon para ayain na naman ang isang babae diyan ng date kahit kalalabas lang naman nila kahapon," parinig ni Gwen sa kanya.

"Oo nga. Akala natin may malupitang pakipot pa ang mangyayari. Pero nagkamali pala tayo. Talagang dinadaan na nila sa mabilisang paraan. Hays, mukhang mauunahan na akong magkaanak nito," dagdag naman ni Jenny na ikinalaki ng mata niya.

"Tumigil na nga kayo sa mga nakakakilabot na pinagsasabi niyo! We're taking this relationship slow, okay?"

"Ow, may relationship na."

"At mas gusto nila ng slow."

"Argh! Ewan ko sa inyo! Bahala na kayo diyan." Padabog na kinuha niyang ang isang paper bag at mabilis na pumasok sa banyo na nasa loob ng opisina niya. Nag-iinit ang mukha niya dahil sa magkahalong hiya at inis sa dalawang mapanudyong kaibigan. Narinig niya pa ang paghalakhak ng mga ito bago niya naisara ang pinto.

"OMG! Pinaghandaan nga niya!" bulalas ni Gwen nang makita siyang iba na ang suot na damit pagkalabas niya ng banyo. Inirapan niya lang ang mga kaibigan niya at hindi ipinahalata na nahihiya siya. Siguradong walang katapusang tukso na naman ang matatanggap niya sa dalawang ito.

"Suko na ako sa'yo, Sofia. Abot hanggang kabilang dimensyon na nga ang tama mo kay Elton," napapailing na sabi naman ni Jenny.

"Ang OA niyo. Don't tell me hindi niyo naranasan 'to? 'Wag niyo akong lokohin 'no."

"Never ever!" sabay sagot ng dalawa.

"Heh! Tell it to the marines! Nakakabahala na talaga 'yang sabwatan niyong dalawa."

"Hindi nga! I am always at my best outfit, bakit kailangan ko pang magpalit-palit ng damit?" taas-noong depensa ni Gwen.

"I am also confident with what I wear. Kahit sako pa 'yan, kaya kong daanin sa charisma ko," Jenny bragged without hesitation.

Hindi maipinta ang reaksyon ni Sofia dahil sa mga narinig na sagot mula sa kanyang mga kaibigan. Wala na din siyang maapuhap na salitang ipanlaban kaya napabuntong-hininga nalang siya. Suko na siya sa dedikasyon ng dalawa.

"Ma'am?" Sabay silang napalingon nang may kumatok sa pinto ng opisina niya. "Nasa labas na po si Mr. Mendez. Doon ka nalang daw po niya hihintayin," sabi ni Ann na ipinasok lang ang ulo at agad na ring umalis pagkatapos magsalita.

Sabay na tumingin sa kanya ang dalawang babaeng kasama na nang-aasar na nginisihan siya. Hindi naman siya mapakali dahil parang mga surveillance camera ang mga tingin ng mga ito na naghihintay na malaman kung ano ang mga gagawin niyang hakbang.

"Papasukin mo dito, we'll interrogate him," pataas-baba ang kilay na sabi ni Jenny.

"No. It's much better kung ihatid natin siya sa labas like a strict parents-in-law," excited na pigil ni Gwen na sinang-ayonan naman agad ng isa.

Sofia rolled her eyes after hearing her friend's requests. Anong kalokohan na naman kaya ang naiisip nila? Kung pwede lang sanang itali ang mga ito para makatakas siya. Mapa-James o Ren, hindi pa rin pala siya makakawala sa mga bruhang 'to.

"Sofia," tipid na bati sa kanya ni Ren sabay tingin sa kanyang likod kung saan nakasunod ang dalawang 'strict parents' kuno niya.

"Hi, Elton!" magiliw na bati ni Gwen. Sino pa ba ang agad kumampi sa binata? Hindi talaga maaasahan ng babaeng ito. Giniba na nito ang sariling plano.

"Gwen," nakangiting balik-bati ni Ren. "Good afternoon, Jenny," baling nito sa isang babae na tila kinakarer ang pagiging 'strict father-in-law' dahil wala itong kahit anong emosyon sa mukha at tinangoan lang ang binata.

Nasa labas silang apat nakatayo, sa may bandang gilid ng pintuan. Napansin niya ang mga taong dadaan lang sana pero biglang pumapasok sa botique para makita sila ng malipatan. Lalo na ang mga babaeng naiiwan ang tingin sa lalaking kasama nila.

"I would like to treat you a meal next time," sabi ni Ren pagkatapos ibinaling ng tingin kay Jenny, "Just tell me when you're free."

"Ehhh gusto ko ang idea 'yan! I'll update you as soon as possible," excited na sagot ni Gwen sabay palo sa braso ng katabi. Kurot sa tagiliran naman ang ibinalik ni Jenny dito. Natatawang nakatingin lang naman si Sofia sa asaran ng dalawa. Hindi na siya nakisabay dahil lihim na nakapokus ang atensyon niya sa katabing lalaki.

"Mauna na kami," paalam ni Ren sa dalawa. Nakangising nag-thumbs up naman si Gwen habang tango pa rin ang sagot ni Jenny.

"Tayo na," baling ng binata sa kanya at agad naman siyang sumunod. Hindi na siya tumingin pa sa mga kaibigan dahil alam niyang manunudyo lang ang mga ito. Pero hindi pa nga sila nakakalayo ni Ren ay nag-vibrate na ang hawak niyang phone at nakita niyang may pinadalang mensahe si Jenny.

Sabado. Lunch tayo sa bahay ko. Marami ka pang dapat e-kwento, Sofia.

"Ang kukulit ng mga kaibigan mo," biglang sabi ni Ren. Napatingin agad siya dito. Thankfully, wala naman siyang nakitang pagkayamot sa mukha ng lalaki.

"Oo nga eh. Pasensya ka na sa mga 'yon," paumanhin niya.

"No worries. Makukuha ko rin ang loob nila," positibong sagot nito. "Gagawin ko 'yon para sa'yo. Alam kong special silang tao sa buhay mo."

Biglang bumagal ang lakad ni Sofia. Hindi niya mahabol ang pagbilis ng tibok ng puso niya pagkatapos marinig ang sinabi ng binata. Nakakabingi rin ang lakas ng kabog nito. Tila kumikislap naman ang mga mata ni Ren nang ngumiti ito sa kanya sabay pakita sa pantay at puti nitong mga ngipin. Nakakahumaling ang kagwapohan ng lalaking kasama niya ngayon. Pwede bang itago niya nalang ito para hindi makita ng iba?

"Okay ka lang?" natatawang tanong nito. Marahil ay napansin nito ang pagkamangha niya dito.

"I-I'm fine," nahihiyang sagot niya.
May ligaw-ligaw pa siyang nalalaman eh sobrang halata naman kung gaano siya kabaliw sa binata.

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon