NASA ISANG resort si Sofia para sa photoshoot at endorsement ng mga bagong damit nila nang makita niya si Ren na may kasamang mga Chinese. Marahil ay mga client o 'di kaya ay investors nito. Hindi naman siya lumapit agad at hinintay na matapos ang pag-uusap ng mga ito. Ayaw niya itong maistorbo. Specially when they're talking about business.
Sinaktan man siya ng binata at tinuring na parang hangin lang ay hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob dito. She understands him. Maybe, there is a reason why he forgot her. Ang kailangan niya lang gawin ay kaibiganin ulit ito, tulad noong bata pa sila. Pagkatapos ay ipapaalala niya dito kung sino siya sa buhay nito. Naniwala siyang may pag-asa pa sila dahil sa titig nitong noong huling pagkikita nila. Kahit naiirita ito sa kanya, he seems like starting to be curious about her.
"Ren!" Ngumiti siya dito na para bang walang nangyari sa pagitan nila. Halata naman sa expression ng binata ang pagkadigusto ng makita siya.
"Sinundan mo ba ako dito?"
"Ha? No, I didn't. May photoshoot kami ditoー"
"Don't give me that damn excuse, Ms. Reiss! You can always manipulate the situation just to tamper your real plan. I really don't understand you!"
Lumakas ang boses nito na nagpalingon sa mga tao sa gawi nila. Nahihiyang napayuko siya at napahawak sa kanyang kwentas. They are catching other people's attention and she really really don't want it to happen. Mukhang mali yata ang desisyon niyang lapitan ito. Sana pala ay nakontento nalang siyang tingnan ito sa malayo.
"Listen to me, Ren. I'm not here to cause trouble. I just want-"
"Whatever reason why you're doing this, isa lang masasabi ko. I'm not interested!" He looks so mad. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ito sa kanya. Pagkatapos siyang e-reject nito ay hindi naman siya sumubok pang lapitan ulit ang lalaki. Wala na siyang ginawang hakbang para mapansin siya nito.
"Wala naman akong ginagawang mali sa'yo. Why are you so mad?" Sinubokan niya itong sagutin sa malumanay na paraan.
"Just seeing you pisses me off! Can you just stop showing yourself to me?!"
Halata naman sa mukha nito kahit hindi pa sabihin ng lalaki. Ang sakit pala kapag mahal na mahal mo ang taong ayaw sayo. Para bang may isang-libong punyal ang tumarak sa dibdib niya. Hindi pa pala tapos ang gabi-gabi niyang pag-iyak dahil sa pag-reject nito sa kanya. Ang nakakatawa ay hindi niya magawang magalit dito dahil mali naman talaga ang approach niya. Ang nakakadismaya lang ay ang pagtrato nito sa kanya. Sobra na. Hindi man lang siya nito sinubukang pakinggan at intindihin.
Napatingin siya sa paligid at napagtantong nasa kanila na ang atensyon ng mga tao. Mas lalo pa siyang kinabahan nang makita ang ibang staffs niya na palapit na sa kanila. "I think you misunderstood me, Ren." Seryoso niya itong tinitigan pero wala itong epekto sa kaharap. "But you can't just dictate me to leave you alone. Marami pa akong gustong sabihin sayo. Kakausapin ulit kita-"
"Wala ka na ba talagang hiya sa katawan?! Get hold of yourself!"
Huminga siya ng malalim at sinubukang hawakan ang kamay nito. "Please, Ren, try to understand-" na agad namang tinabig ng lalaki.
"Don't you ever bother me again! You're such a disgrace!"
"Hey, Ren, huwag ka namang-"
"Please, get lost! I will never ever like someone like you."
What he said broke her heart into pieces. Masyadong mabilis at hindi niya napaghandaan. Because of it, the tiny hope in his heart totally vanished.
PAGKATAPOS siyang sigawan ni Ren kanina ay mabilis siyang tumakbo palayo. Narinig niya pa ang sinabi ng mga tao sa paligid at kung ano-anong pangalan ang tinawag sa kanya. Nagpunta siya sa isang bar na kailanman ay hindi niya pa napasok at uminom ng alak. Gusto niyang mawala ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Give me the hardest drink you have," sabi niya sa bartender pagkarating niya palang.
"Do you have a companion, Ma'am?"
"No," pagod niyang sagot.
"Ma'am, baka di niyo po kayanin-"
"Just give that damn drink! Ano ba?!" Napapitlag ang lalaki at agad kumilos. Nilagay nito sa harap niya ang basong may lamang alak na agad rin niyang kinuha at tinungga. Napapikit siya pait at anghang ng lasa.
"Isa pa!"
Nagdadalawang-isip pa ang lalaki pero matalim niya itong tiningnan kaya sumunod nalang ito. Nakalimang baso pa lang siya pero ramdam na niya ang pag-ikot ng paligid. Tumayo siya ngunit agad ring napaupo pabalik. Nagsimula na namang nagpatakan ang luha niya.
"Ma'am, may tumatawag po sa phone niyo."
Napahagulhol siya ng iyak ng makita ang pangalan ni James. Lage nalang. Lage nalang ang binata ang sumasalo sa kanya kapag nagkakaproblema siya. Sinagot niya ang tawag at pilit pinipigilan ang paghikbi.
"H-Hello?"
"Sofia, nasaan ka? Biglang ka daw umalis sabi ng mga staffs mo," nag-aalalang sabi nito sa kabilang linya.
"Pauwi na ako. H-Huwag kang mag-alala," nakatawang sagot niya sabay agos ng luha sa kanyang mga mata.
"Hey, are you okay?"
"Yes! Of course! I'm very okay! Hahaha!"
"W-Wait. Are you drunk?"
"Hahaha! No. Hik! I'm very fine. Hik!"
"Where are you? Don't drive, okay? I'll fetch you!"
"Don't, please. I can manage," sabi niya sabay tapos ng tawag. "Sa'yo na 'to." Nagulat ang bartender ng ibigay niya dito ang cellphone niya. "Kunin mo!" sigaw niya kaya tinanggap nalang nito.
Naglagay naman siya ng pera sa counter at agad tumayo. Pasuray-suray siyang naglakad at tinatabig ang mga kamay na humahawak sa kanya. Nakarating naman siya sa kanyang kotse ngunit ramdam niya ang pagbigat ng kanyang ulo.
"I just followed my heart. Bakit ito ang nangyari sa akin? Mali bang naghintay ako at umasa sa taong hindi naman pala ako tinandaan?" Puno ng katanongan ang kanyang isip. Gusto niya ng sagot. Ngunit wala siyang maapuhap at humagulhol nalang.
Kasabay ng kanyang hikbi ay pinaandar niya ang sasakyan. Kaya niya pang mag-drive, pero hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman. Sa bawat pagsikip ng kanyang dibdib ay katumbas ng higpit ng hawak niya sa manubela at lakas ng tapak niya sa accelerator. Magkahalong galit at awa ang naramdaman niya sa sarili. She's not blaming him, she's blaming herself. Dahil nagpadala siya sa bugso ng damdamin. Sana ay nagpakilala siya kay Ren sa maayos na paraan.
"Tumupad lang naman ako sa pangako namin. Bakit ito ang sinukli niya?! Bakit niya ako kinalimutan?! Bakit?! Ito na ba ang sinasabi ng mga kaibigan ko na karma kay James? Dahil puro trabaho at lalaking iyon lang ang laging nasa utak ko kahit kasama ko siya?! Kunin niyo nalang ako, please! Hindi ko kaya ang sakit na 'to."
Dahil nadala na siya sa emosyong nararamdaman ay hindi na niya naisip ang mangyayari sa kanyang ina at kaibigan kung sakaling mawala siya. Mas lalaong tumibay ang kagustohan niyang mawala para mawala na rin ang sakit na nararamdaman. Kaya niyang iwan ang lahat para lang kay Ren. Ito ang naging resulta dahil pinapairal niya ang pagsunod ng kanyang damdamin at pagbaliwala sa babala ng isip.
Ayon nga sa kasabihan, be careful of what you've wished for. Dahil hindi namalayan ni Sofia ang pag-stop ng signal light kaya nabangga siya ng paparating na sasakyan. Malungkot siyang ngumiti sa nalalapit niyang katapusan. Pero bago pa man siya nawalan ng malay ay iisang pangalan pa rin ang nabanggit niya.
"Ren."
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...