NABIGLA si Ren ng tumama ang kamao ni James sa kanyang mukha. Natumba pa siya sa sahig dahil hindi niya ini-expect na gagawin iyon ng kasosyo kaya nawalan siya ng balanse. Wala naman siyang naaalalang may nagawa siyang mali sa binata kaya hindi niya maintindihan ang inaakto nito. Kung tungkol naman sa negosyo, successful naman lahat ng projects nila kaya wala din siyang maapuhap na rason ng pagsuntok nito sa kanya. Tumambad sa paningin niya ang galit nitong expression nang tingnan niya ito.
Napasinghap naman ang empleyado niya sa hindi inaasahang aksyon ng pinapasok nitong lalaki. "T-Tatawag po ako ng security," natatarantang sabi nito sa kabila ng pagkagulat.
"Don't. Just give us privacy," ayon niya sa babae na agad naman nitong sinunod.
Tumayo siya at hinarap ang lalaki. Isa lang ang naiisip niyang maaaring dahilan upang gawin iyon ng kasosyo sa kanya. Si Sofia.
"What was that for?" mahinahong tanong niya dito.
"For hurting Sofia," mabagsik na sagot nito.
"Alam mo na pala ang pinaggagawa ng girlfriend mo. Pero bakit ako pa ang masama dito?"
"Bullshit! Pinaghintay mo siya ng labin-limang taon tapos 'yon lang ang isusukli mo sa kanya?! Gago ka!"
Nagkasalubong ang kilay niya ng marinig ang sinabi nito. Pinaghintay niya ito ng labin-limang taon? Anong ibig niyang sabihin?
"Kung kakalimutan mo lang naman pala siya, sana ay hindi ka nalang nagbitiw ng pangako noon! Pinanindigan niya 'yon! Umasa siyang tutuparin mo ang pangako niyo! Hinintay ka niya sa kabila ng napakahabang panahon!"
"W-What are you talking about?"
"Ha-ha, see? Gago ka nga talaga," mapaklang tawa ni James at tiningnan siya ng masama. "Kinalimutan mo nga siya."
"Just tell me what you know!" inis na hinila niya ang collar ng damit nito. He is making him mad. Ang daming nitong pasa-kalye! Gusto niya na itong maintindihan.
"Sofia Reiss--- ang babaeng pinangakoan mo fifteen years ago, na hahanapin mo paglaki niyo, tapos liligawan at pakakasalan. Puppy promise ng puppy love, pero tumatak sa puso't isip niya sa loob ng labin-limang taon."
Napabitaw si Ren mula sa pagkakawak kay James at hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. Mula sa kanyang isip ay ang pagkaalala niya sa sinabi ng isang binatang lalaki habang hawak-hawak ang isang lumang litrato na may imahe ng dalawang bata. Paulit-ulit na binanggit ng binata na darating ang araw na magkikita silang muli ng babaeng nasa larawan. Naalala niya pa na maghahanda ang binata ng surpresa sa una nilang pagkikita. Pero ayon sa pagkakaalam ni Ren, hindi na iyon mangyayari pa.
"S-Siya ang babaeng 'yon?"
"Gago!"
At muli na naman siyang nakatanggap ng suntok mula dito. Sa lakas nga nito ay umalog yata ang utak niya at paulit-ulit na nag re-replay sa isipan ang excited na binatang may hawak na larawan.
"I patiently waited for her. Araw-araw sinusuyo... for three years. Ginawa lahat ng paraan para mahalin niya rin ako pabalik o kahit magustohan man lang. Pero kaya pala... kaya pala hindi ako makapasok sa puso niya kasi may nagmamay-ari na."
Nakita niya ang hinagpis sa mga mata nito. Pero pilit tinatagan ang sarili upang hindi tumulo ang nagbabantang mga luha. He really did loved her. So much.
"She's the love of my life! I can even sacrifice everything for her! Tapos ganoon lang ang ginawa mo sa kanya?! Damn you! You didn't deserve her, Elton!"
Napapisil ng ulo si Ren. Napahinga ng malalim. Napaupo sa couch at napatayo na naman ulit. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin, kung ano ang dapat niyang gawin. Gulong-gulo ang isip niya sa nalaman.
"If ever she died from that accident... Hindi ko alam kung ano ang pwede kong magawa sa'yo. But one thing is for sure... I will never ever forgive you, Elton!"
"W-What did you just say?"
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...