CHAPTER 39

27 2 0
                                    

HINDI maiwala ni Sofia ang ngiti sa kanyang mga labi habang kausap si Ren sa phone. Isang araw nalang ang hinihintay nila bago ang kanilang kasal. At sa araw na ito, naisipan ng mga kaibigan niya na bigyan siya ng bridal shower.

"Are you really sure na wala kayong ini-hire na macho dancers?" nagdududang tanong ni Ren sa kabilang linya.

"Wala nga! Baka kayo diyan. Mukhang nag-order kayo ng isang malaking cake, na may babaeng biglang lalabas na naka-lacy night gown lang at wala pang underwear na suot."

Humagikhik ang dalawang kaibigan ni Sofia na kanina pa nakikinig sa naka-loudspeaker na cellphone niya. Nasa condo sila ni Gwen na nasa second floor habang nasa condo naman ni Edward ang mga lalaki na nasa fourth floor lang ng parehong building. Kasama ni Ren sina Edward, Enrico, James at bestfriend nitong si Gio sa bachelor party nito.

"If you can just see us right now... playing cards while drinking beer. Alam mo namang puro na taken 'tong mga kasama ko. Oh, I almost forgot James. He's been reminding me a million times to take care of you and never to hurt you. He looks so haggard. Akala ko ba naka-move on na ang isang 'to? O nagmo-move on pa?"

"I am not that easy to forget, dear future husband," tudyo niya.

"I'm serious, Sofia."

"Pikon ka talaga. Naka-move on na 'yan. Just don't mind his appearance. May ibang pinoproblema lang siya."

"Really? You owe me a story then. And as far as I can remember, hindi ko siya inimbita. Paano siya napunta dito?"

"Na-mention ko lang sa kanya. He invited himself."

"Fine. Let's stop talking about him. But then again, dear future wife, sigurado ka ba talagang walang naiisip na kalokohan 'yang mga kaibigan mo?"

Sabay na napasinghap ang dalawang babaeng kasama ni Sofia habang napangisi naman siya. Ang totoo ay pareho lang sila ng sitwasyon ni Ren. Mas tamang tawagin na movie marathon ang ginagawa nila ngayon at hindi bridal shower. Nanonood lang sila ng mga romantic comedy na movies para daw maging maganda ang aura niya kinabukasan.

"FYI po, future bestfriend-in-law!" sigaw ni Jenny. "Ang laki na ng tiyan ko. Sa tingin mo ba kaya ko pang maki-party at gumawa ng kalokohan?! Paki-loudspeak nga at may sasabihin ako sa asawa ko diyan!" Napatawa sina Sofia at Gwen sa kaprangkahan ni Jenny at pagkatameme ni Ren sa kabilang linya. Limang buwan na ang pinagbubuntis ng kaibigan niya.

"Love?" narinig nilang sabi ni Enrico sa kabilang linya.

"Huwag kang magpabaya sa pag-inom diyan! Magmamaneho ka pa mamaya! Isipin mo kapakanan ng asawa't anak mo!"

"I know, I know. Isang can palang ang naubos ko. 'Wag ka rin masyadong lumapit sa TV. Baka makasama sa inyo ni Baby ang radiation."

"Tama na 'yan!" sabat ni Gwen. "Okay ng alam na nina Sofia at Ren na walang cake girl at macho dancer ngayon. Groom, huwag masyadong pahalata, saiyong-saiyo na ang bride mo bukas! Honey, Ed, you better behave. Mwa! Bye!" Agad tinapos ni Gwen ang tawag at kinuha ang phone sa kamay ni Sofia sabay hagis sa bandang gilid ng sofa na kinauupoan nila. "E-play mo na ulit ang pinapanood natin, Sofia. Huwag mo ng alalahanin ang mga lalaking 'yon. Mas tamang isipin na nagpaplano ang mga 'yon ng business partnership kaysa nagpapa-entertain sa mga bayarang babae."

"You got a point there, Gwen," sang-ayon ni Jenny. Napangiti naman si Sofia at tumango. Hindi rin naman siya nagdududa, tinutudyo niya lang si Ren. She also know what type of men he is with. Matitinong lalaki ang mga ito. They will surely won't take advantage the freedom of having a bachelor party.

Bumalik sila sa panonood ng nakakatawa at nakakakilig na palabas. Aliw na aliw si Sofia. Mukhang pinili ito ng mabuti ng mga kaibigan niya, siniguradong puro positive vibes lang ang makita at maramdaman niya para maging magaan at blooming siya sa araw ng kasal niya. Nasa bandang ending na sila nang biglang tumunog ang doorbell. Tutok na tutok sa pinapanood ang dalawa niyang kaibigan kaya siya na ang tumayo upang buksan ang pinto. Tumambad sa paningin niya ang isang maganda at matangkad na babae. Kulay porselana ang makinis nitong kutis. Maayos ang pagkakalugay ng maitim at mahaba nitong buhok. Hindi niya ito kilala pero naaalala ni Sofia kung saan niya ito nakita.

"Hi," nakangiting bati nito na nagpakita sa maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin.

"H-Hi. You are?"

"Oh, sorry. 'Di niya pala ako naekwento sa'yo. I'm Alicia. I was invited to attend your bridal shower para daw makilala na kita," tukoy nito kay Ren.

Inilahad nito ang kamay kay Sofia. Napatitig siya sa mukha ng kaharap at pabalik sa kamay nito. Mabagal na umangat ang kanyang kamay para tanggapin ang pakikipagkamay nito. Pagkatapos bumitiw, dumako ang tingin niya sa umbok sa tiyan ni Alicia. Tumambol sa kaba ang puso ni Sofia.

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon