CHAPTER 38

17 2 0
                                    

DALI-DALING naghiwalay sila ni Ren pagkatapos marinig ang tinig ng Mama Salie niya. Paglingon nila ay parehong nakatayo ang kanilang ina sa may hamba ng pinto ng kusina at nakaekis ang mga braso sa may dibdib. Parehong ring hindi maipinta ang mukha ng mga ito.

"Gusto niyo bang mag-honeymoon muna bago magpakasal?" dagdag naman ni Tita Cristina.

Nagkatinginan silang dalawa ni Ren at parehong hindi nakasagot. Ilang segundo ang lumipas at nasa gan'ong posisyon pa rin sila. Maya-maya ay sabay silang nagkangitian.

"Goodness, Tina! I think we need to settle this once and for all."

"And as soon as possible."

Magkatabing umupo ang dalawa sa katapat nilang couch. Parehong seryoso na ang expression ng kanilang mga ina. Hinila siya palapit ni Ren sa tabi nito at hinawakan ang kanyang kamay. Nakaramdam ulit ng hiya si Sofia sa ginawa nito. Naiilang siya sa kakaibang tingin ng mga magulang nila na para bang sinusuri silang dalawa ni Ren.

"Ito lang ang masasabi namin sa inyo, wala kaming problema sa relasyon niyo at handa kaming suportahan kayo sa mga plano niyo sa buhay. Gusto naming pag-isipan niyo ito ng mabuti. Ang pagpapakasal ay panghabang-buhay, dapat niyong ihanda ang inyong mga sarili," sabi ni Tita Cristina.

"Nasa hustong gulang na naman kayo at pareho na kayong may stable na negosyo. Pero ang mapapayo namin sa inyo ay sana ay mas magkaintindihan kayo. Alam naming matagal kayong nagkalayo at nasa proseso pa ring kilalanin ulit ang isa't isa. Kaya sana ay mas maging maingat rin kayo sa inyong mga desisyon. Huwag kayong padalos-dalos kung magkaroon man kayo ng pagsubok sa pagitan ng inyong pagsasama," sabi naman ni Mama Salie.

Tahimik na nakikinig sina Sofia at Ren at sabay ring tumatango tanda ng pag-ayon sa mga payo ng kanilang mga magulang. Humigpit ang hawak ni Ren sa mga kamay niya. Sinagot niya naman iyon ng paggalaw ng kanyang kamay. Kinakabahan rin naman siya.

"Kailan ba ang plano niyong magpakasal?" tanong ng Mama Salie niya.

"If possible, I want us to have a civil wedding a day after tomorrow. We will have our church wedding after a month," sagot ni Ren. Gulat na napalingon si Sofia dito. Mukhang desidong-desido na talaga si Ren na makasal sila. Lihim siyang napangiti sa kilig. Hahayaan niya itong magdesisyon para sa kanila. Gustong-gusto niya din naman ang mga plano nito.

"Ohー I think I can't agree on that," nakataas-kilay na sagot naman ng ina ni Sofia na ikinalingon niya sa gawi nito. Gusto niyang magreklamo pero hindi siya makapagsalita.

"W-Why?" kinakabahang tanong ni Ren. Naramdaman ni Sofia ang mahinang panginginig nito. Mahinang pinisil niya ang kamay ng katabi.

"Civil wedding is a no for me. You're way too rush. Gustong-gusto mo na yatang ma-solo ang anak ko. Wait for a month and directly have your church wedding."

"I agree with Salie, Son. Sobrang atat mo naman. We need to properly plan this out."

"Butー Isn't it the same? We will still marry each other in the end," parang batang maktol ni Ren. Marahang tumango naman si Sofia bilang pagsang-ayon. Bakit ba nahihirapan siyang magsalita? Hindi niya tuloy matulongan si Ren.

"My decision is final."

Walang nagawa si Ren kung hindi ang tumango sa naging pasya ng ina ni Sofia. Nagkatinginan ulit silang dalawa pero ang binata ang unang nag-iwas ng tingin pagkatapos mapunta ang tingin nito sa mga labi niya. Mahina itong napatikhim at humarap ulit sa mga magulang nila.

"You better not give us a grandchild before the wedding," warning ng Mama Salie niya.

"Wait for your honeymoon. Halatang-halata kayo, eh," natatawang sita naman ni Tita Cristina. Napakamot sa batok si Ren at mabilis na itinago ni Sofia ang ulo niya sa likod ng katabi. Napailing nalang ang dalawang ina. "Ako na ang bahala sa preparation ng kasal niyo dahil pareho kayong may inaasikasong negosyo. Intindihin niyo nalang ang pagpaplano sa iba pang kailangan niyo pagkatapos ng kasal," dagdag pa nito.

Nagpalipas ng gabi ang mag-ina sa bahay nila. May isang guestroom sila at doon pinatulog si Ren habang ang ina nito ay nasa kwarto niya. Tumabi naman si Sofia sa kanyang Mama Salie. Kinabukasan ay sumabay na siyang lumuwas patungong syudad. Labis ang saya at excitement na nararamdaman ni Sofia. Napakabilis ng pangyayari. Pero wala na siyang pakialam. Ang importante ay ikakakasal na siya kay Ren!

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon