NAPANGITI si Sofia ng makapasok na siya sa loob ng bahay niya. Nakita niya ang kintab ng sahig. Totoo ngang pinalinis ito ng mga kaibigan niya. They are such a wonderful friends.
"Aalis na ako agad. Magpahinga ka na."
Napalingon siya kay James na katatapos lang sa paglagay ng mga gamit niya sa sala.
"What do want to eat? Stay for a while. I'll cook."
"Hindi na. Sa office nalang ako kakain," nakangiting sagot nito.
"I won't take no for an answer. Halika na, tulongan mo akong magluto." Hindi niya ito hinintay pa na sumagot at agad ng nagpunta sa kusina.
"I'll request for Humba then," narinig niyang wika nito sa likod niya habang naghahanap ng ingredients sa refrigerator.
"Sure? You know that it's my favorite."
"Alam mo rin na favorite kong ulam ang Humba. Sa pagkaing 'yan nga tayo nagkasundo," he chuckled.
Ang binata ang naghanda ng gagamiting panluto at nag-init ng tubig sa kalan. Habang si Sofia naman ang naghiwa ng mga ingredients. Wala silang imikan ngunit nagkakasabay ang kanilang galaw na para bang plinano nila ang mga dapat gawin.
"Baka mabilaukan ka, dahan-dahan lang," natatawang sabi niya kay James nang kumakain na sila.
"First time itong nakatikim ako ng luto mo. Nagsisisi akong ngayon ko lang ito natikman."
Nagsisisi rin akong sinayang ko ang lalaking tulad mo.
"Ang gwapo ko 'no?"
Napapitlag siya mula sa pagkakatitig sa binata. Hindi niya namalayang napatulala na pala siya habang naaalala ang pinagsamahan nilang dalawa.
"Oo nga eh. Nakakapanghinayang na bitawan ka." Nawala ang ngisi sa mga labi nito at seryosong tumingin sa kanya. Para bang tinitimbang nito kung nagbibiro lang ba siya o hindi.
"Huwag mong sabihin 'yan. Baka maniwala ako," nakangiting sambit niya sabay gulo ng buhok ko. Mas lalo tuloy na nanikip ang dibdib niya sa lungkot. "Pwede ba nating pag-usapan?" dagdag ni Sofia.
"Ang alin?"
"Ang tungkol sa atin."
"Atin? Napakagandang pakinggan. Pero sige, ano bang gusto mong pag-usapan?"
"Talaga bang... ibibigay mo na ako sa kanya? Hindi mo man lang ba ako ipaglalaban?"
Malungkot itong ngumiti at uminom ng wine. Pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya.
"Hindi naman kita ibibigay. Dahil sa simula pa lang, hindi ka naman naging akin."
"P-Pero hindi ba't sinabi kong handa akong mahalin ka, tulad ng pagmamahal na binigay mo? B-Bakit ayaw mo na?"
"Hindi natuturoan ang puso, Sofia. Hindi mo madidiktahan 'to," turo ni James sa kanyang puso. "Alam kong naaawa ka lang sa akin. Hindi ko kailangan 'yan."
"Pero hindi lang ako naaawa sa'yo! I've just realized things-"
"You may deceive yourself but you can't to me. Dahil kung talagang may pag-asa ako sa puso mo, noon palang, minahal mo na ako."
Natahimik ako at napayuko. Wala akong maisagot dahil tama siya.
"Hindi mo man sinasabi, pero alam ko ang ibig ipahiwatig ng mga mata mo. Alam ko ang totoong nararamdaman mo."
"P-Pero hindi niya ako mahal. Marahil ay hindi naman talaga kami para sa isa't isa."
"Hindi naman kita hahayaan sa kanya kung hindi ako sigurado na sasaya ka sa piling niya."
Napatitig si Sofia kay James. And he gave her an assuring smile. Nagugulohan man ay hindi na siya nagtanong pa.
"Hindi ka naman siguro lalayo sa akin, 'di ba? Magiging magkaibigan pa rin tayo?" nalulungkot na tanong niya dito.
Nakakalungkot mang isipin ngunit hindi lahat ng makikilala mo ay mananatili din sa buhay mo. Masakit mang isipin pero nasa huli talaga ang pagsisisi. Kung kailan na-realize mo na ang halaga ng isang tao sa'yo, bigla naman siya mawawala.
"Hindi ako mawawala, Sofia. Mananatili pa rin ako. Pero tanggap ko na... bilang kaibigan mo nalang," he sincerely smiled at me. Napangiti na rin ako at agad siyang nilapitan at niyakap.
"Salamat sa lahat, James. Napakabuti mo. Ipagdadasal ko na dumating na agad ang maswerteng babae na para sa'yo."
NAGING busy si Sofia sa mga dumating na araw dahil maraming natambak na trabaho sa opisina. Tuloyan na ring naghilom ang mga sugat niya sa katawan. Naging mas close na rin sila ni James na nakakatawang isipin dahil kung kailan hindi na dapat, doon pa sila mas nagkasundo.
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo," sabi ng empleyado niya.
"Asikasuhin niyo muna. Marami pa akong ginagawa."
"Pero ikaw po ang hinahanap, Ma'am Sof. Gusto ka daw pong makausap ng personal."
"Sino naman 'yan?"
"Ayaw niya pong makipagkilala. Gusto niyang ikaw ang humarap s kanya."
Napahilot sa sintido si Sofia. Sana ay hindi demanding na customers na naman ito. "Papasukin mo nalang dito."
"Okay po, Ma'am."
Pagod na ang utak niya sa dami ng documents na dapat e-review. Ayaw niya sanang maistorbo dahil gusto niya itong matapos agad. Pero kailangan rin niyang harapin ang mga customer na gustong personal siyang makausap. Iyon ang sekreto niya sa negosyo.
Umangat ang tingin niya sa pumasok na babae. Kasing edad siguro ito ng ina niya ngunit napakaganda pa rin ng kutis. Maamo ang mukha nito pero may nakabakas ring otoridad. She looks familiar pero hindi niya maalala kung saan at kailan niya ito nakita.
"You're Sofia?"
"Yes, Ma'am. What can I do for you?"
"I'm Cristina, Ren's mother."
Hindi alam ni Sofia kung ano ang magiging reaksyon niya. At wala siyang ideya kung ano ang pakay nito sa kanya. Bigla tuloy siyang kinabahan.
"Hi, Mrs. Mendez. Take a seat please," nakangiting saad niya dito at agad naman itong umupo sa kaharap niyang upoan. Mabuti nalang at nagawa niya pang magsalita kahit nanginginig ang kanyang mga tuhod at kamay.
"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Nandito ako para kausapin ka tungkol sa anak ko."
Hindi niya mabasa ang emosyon nito. Hindi naman mukhang galit pero hindi rin mukhang masaya. Hindi na nga sila ayos ng anak nito tapos totol pa rin ba ito sa kanila?
"A-Ano po ba ang gusto niyong sabihin?"
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...