CHAPTER 11

42 4 0
                                    

KAKATAPOS lang nilang kumain pero agad nang tinadtad ng katanungan ng mga kaibigan niya si Sofia. Of course, her feelings will not fade easily like blinking an eye. The pain is still fresh. The memories are still clear. It is hard to confess but kailangan niyang gawin. Her friends deserves an explanation. She made them worried. So this is her chance to make them understand what she is going through.

"Ano 'yong nasagap naming balita na may nagpahiya sayong lalaki bago ka naaksidente? Siya ba ang dahilan ng paglalasing mo?"

"The bartender told us that you were crying like a broken-hearted girl. You were cursing someone for forgetting you and not liking you back. How come we don't know about this? Do you like someone else? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo magawang sagutin si James"

"Who is he, Sofia?"

Huminga muna siya ng malalim bago nagsimulang sabihin ang lahat. Nagsimula siya sa mga pangyayari noong bata pa sila, ang pangakong nabuo bago sila nagkalayo, hanggang sa paghihintay niya at pagkikita nila ulit.

"Ren Elton Mendez. Siya ang rason kung bakit wala akong ibang lalaking pinagtuonan ng pansin noon. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko magawang tugonan ang pagmamahal na binibigay ni James sa akin. Simula noon hanggang ngayon, siya lang ang minahal ko. At dahil nangako kami sa isa't isa, pinanindigan ko 'yon ng buong puso. Pero... kinalimutan niya lang naman pala. Ang bobo ko kasi hindi ko man lang naisip na baka hindi siya seryoso ng sabihin niya 'yon. Mga bata pa kami noon at marami pa siyang makikilalang iba. Umasa ako sa wala. Sa loob ng labin-limang taon naghintay ako sa taong hindi pinanindigan ang mga iniwan niyang salita. Ang tanga-tanga ko!" Agad siyang niyakap ng kanyang mga kaibigan nang humagulhol siya ng iyak. Pati na nga ang mga ito ay umiiyak na rin.

"Hindi ka tanga, Sofia. Nagmahal ka lang ng totoo. It's his lost for wasting your love and loyalty," pang-aalo ni Gwen sa kanya.

"But are you sure na siya talaga ang lalaking kababata mo?"

Sabay silang napatingin kay Jenny dahil sa tanong nito. Bigla namang natigilan si Sofia. Hindi sila nagkaroon ng maayos na pag-uusap ni Ren. Nawala rin sa isip niya kung ano na ang background nito dahil hindi na siya nagdalawang-isip na paghinalaan pa ang katauhan nito. After siyang ipinakilala ni James sa kanya as Ren Elton Mendez, agad na niyang tinanggap na ito na nga ang lalaking matagal na niyang hinihintay. Nadala siya sa excitement na makita itong muli. Kahit ang informations nito na nasa records niya ay hindi na rin niya nabigyan ng pansin dahil tuwang-tuwa na siyang makuha kahit ang number lang nito.

It was fifteen years, hindi lahat ng tungkol sa lalaki ay alam niya. Ang pinanghahawakan lang niya ay ang alaala nilang dalawa noong bata pa sila. Hindi rin niya nagawang ipahanap ito dahil naka-focus siya sa pagbigay ng magandang buhay sa ina niya at pagpalago sa sarili para maipagmalaki siya ng lalaki kapag nagkita na sila ulit. And she is somewhat... a romanticist. Believing fate and destiny will find a way to let them reunite in the future.

"I believe he is."

Nagkatinginan silang tatlo at hindi niya alam kung kakabahan o matatawa sa itsura ng mga kaibigan niya. Parang natatae ang mga ito pero nahihirapang magpalabas. Napaisip naman siya sa tanong ng kaibigan. Paano nga ba kapag nagkamali pala siya? May kakambal kaya si Ren? Marami bang tao na nagngangalang Ren Elton Mendez? Hindi naman siguro siya pinaglalaruan ng pinaniwalaan niyang tadhana, 'di ba?

PAGKALIPAS ng dalawang araw ay binisita siya ni James. Umuwi naman ang dalawa niyang kaibigan upang magbihis at kumuha na rin ulit ng mga gamit niya. Nakita niya ang lungkot sa mga mata ni James kahit ngumingiti ito sa kanya. Nagi-guilty na naman siya. Kung sana ay binigyan niya nalang ito ng pag-asa, marahil ngayon ay natutunan na niya itong mahalin. Marahil ay nakalimutan na niya si Ren at hindi siya nasasaktan ngayon.

"Sorry kung ngayon lang ulit ako nakadalaw."

"Don't say that. Dapat nga ako ang magpasalamat sayo dahil ikaw pala ang pinakaunang taong dumating para madala ako sa hospital." Hinawakan niya ang kamay nito na hinawakan rin naman ng binata ng mahigpit. "May sasabihin sana ako sayo," dagdag niya.

"Sabihin mo. Makikinig ako."

"I-I just want to thank you for everything, James. Sa sobrang pagmamahal at pag-aalala mo sa akin. Thank you for the years that you waited for me. Sa lahat ng efforts na binigay mo, sa haba ng iyong tiyaga at pasensya, maraming-maraming salamat." Marahan siyang pumikit ng nagsimula na namang pumatak ang mga luha niya.

"Sshh. Don't cry. You are hurting me, Sofia." Pinahid nito ang mga luha niya at agad siyang niyakap.

"I'm sorry for not loving you back. Sorry kung binaliwala ko ang mga efforts mo. Sorry kung nasasaktan na pala kita. Sorry, James."

"So, ano ang ibig sabihin nito? Busted na naman ako? Final na? Hindi na talaga mababago?" Tumawa pa ito na para bang nagbibiro lang. Pero alam niyang nasasaktan na naman ito.

"No," mabilis na sagot niya.

"No? W-What do you mean?"

"Actually, I thought about it over and over again. What happened to me was my wake up call. James, I decided to give myself a chance to fall in love with you."

Hindi nakaimik si James at gulat siyang tinitigan. Parang tinantya nito kung tama ba ito ng rinig o mali. "I'm sorry. B-But I don't like the thought na baka napipilitan ka lang."

"No, James. Pinag-isipan ko 'to ng mabuti. Noon pa man. Nang maaksidente ako, doon ko na napagpasyahang subokan ito. Mahal mo ako, you're almost perfect, siguradong hindi magtatagal ay matututunan din kitang mahalin."

"This is so good to hear, Sofia," naiiyak na wika ni James habang hawak ang mga kamay niya. "Ito na ang matagal ko ng hinihintay, na kahit subokan lang natin, na bibigyan mo ako ng pagkakataon na maging akin ka." Niyakap siya nito ng mahigpit. Napakahigpit ngunit puno ng pagmamahal. Para bang ayaw na siyang bitiwan kailanman. Pero ilang sandali lang ay kumawala na ito.

"B-But it's too late. I can't take this advantage."

Nagugulohang tiningnan niya ito. At ng may biglang sumagi sa isip ay natatarantang hinawakan niya ang mga kamay nito habang nakikiusap ang mga tingin. Lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. Mare-reject ba siya sa pangalawang pagkakataon? Ano bang nangyayari? Pinaparusahan na ba siya dahil matagal niya itong pinaasa? Naisipan na kaya nitong sumuko? Tuloyan na ba itong mawawala sa buhay niya?

"W-Why? Please, James. Give me a chance to love you back."

"I would love to. I would really really love to grab this chance." Nagsimulang magsipatakan ang mga luhang kanina pa nito pinipigilan. Para namang piniga ang puso ni Sofia nang makita ang nasasaktang expression ng lalaking wala ibang ginagawa kung hindi ang pahalagahan at mahalin siya. "But Sofia... I am not that selfish enough to take something that's not mine. T-This is too hard but I know what's the right thing to do."

"W-What do you mean? W-What are you talking about?!" umiiyak na napahigpit ang hawak niya sa kamay nito. Natatakot siya. Natatakot siya sa maaaring desisyon nito.

"I already know everything, the reason why I can't have you. Narinig ko ang pagkwento mo kay Gwen at Jenny." His eyes is unexpectedly unreadable. Mas lalo tuloy kinabahan si Sofia. Parang alam na niya ang gusto nitong sabihin. "N-Now, I will finally let you go. P-Please be happy with him." Unti-unting binitiwan nito ang kamay niya at marahang tumayo. Ngumiti din ito ngunit hindi abot sa mata. Hindi naman makagalaw si Sofia kahit gusto niyang pigilan ang pag-alis nito.

Slow motion ang paglapit ni James sa may pintuan ang pagbukas nito ng pinto. Nang maisip niyang pwedeng hindi na niya makita ang lalaki ay bigla siyang natauhan. Pero ng akma na siyang tatayo para habulin ito ay bigla naman ang pagpasok ng isang tao. Nanigas sa kinauupan si Sofia nang makita kung sino ito.

"R-Ren."

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon