NAKANGITI si Ren habang nakaupo sa passenger seat ng kotse, katabi ng kanyang ina na siyang nagda-drive. Sinundo siya nito sa elementary school kung saan siya nag-aaral at pauwi na sila ngayon. Hawak niya ang kanyang laruan na PSP na kanina niya pa tinititigan. Hindi niya maialis sa isip niya si Sofia, ang batang babae na nakipagkaibigan sa kanya ngayong araw lang na ito. Ang totoo ay matagal na niya itong napansin. Lihim nga niya itong tinitingnan habang nasa klasi o ‘di kaya kapag naglalaro ito. Wala lang siyang lakas na makipaglapit dito dahil sa isang mahalagang rason.
“Anak, tinandaan mo ba ang mga nangyari sa’yo ngayong araw na ‘to? Huwag mong kalimutan, ah,” paalala ng kanyang ina.
Nawala nalang bigla ang ngiti niya. Hindi niya ito nilingon o kahit na sinagot. Tumingin lang siya sa labas ng sasakyan, sa nararaanan nilang mga bahay na magkalayo ang agwat sa bawat isa.
Ayon sa kanyang pagkakaalam, hindi naman talaga sila dito ipinanganak. Tumira ang pamilya niya dito sa probinsya noong maglimang na sila. Dahil sariwa ang hangin dito at para tuparin ang huling hiling ng kanilang ama bago ito binawian ng buhay.
“Nandito na tayo,” sabi ng Mama niya pagkaparking nito sa sasakyan. Agad na bumaba si Ren sa kotse. Pero napatingin muna sa mataas na bakod ng bahay nila bago pumasok sa loob kasunod ng kanyang ina.
“Magbihis ka agad. Dumiretso na kayo sa kusina pagkatapos mo para maaga tayo makapag-dinner,” habilin nito.
Tipid na tumango lang si Ren at pumunta na sa kwarto nila. Maingat niyang binuksan ang pinto nito bago pumasok. Bumungad sa kanya ang nakatalikod na batang lalaki na abalang-abala sa pagguguhit.
“Rel,” tawag niya sa atenyon nito. Lumingon ang batang lalaki at nakita ni Ren ang sarili niyang repleksiyon.
“Kambal! Mabuti’t nandito ka na,” nakangiting sabi nito.
Si Rel Edwon Mendez, ang identical twin niya. Hindi ito alam ng mga taga-rito at mas lalo na sa paaralang pinapasukan niya.
May sakit si Rel at may taning na ang buhay nito. Ang sabi ng doktor ay nasa ten to twelve years old lang hangganan ng buhay nito. Hindi ito pwedeng mapagod ng husto. Hindi siya pwedeng mabilad ng matagal sa araw. Hindi rin siya pwedeng malungkot at masaktan ng labis.
Kaya bago pumanaw ang kanilang ama, nakiusap ito na kahit ganito ang sitwasyon ng kanyang kambal, nais nitong makaranas ng kahit minsan na normal na buhay ang isang anak nito. At ito ang napagdesisyonan ng kanilang ina- ang makapag-aral si Rel nang hindi itinuturing na may sakit. Piling isang araw sa isang linggo, si Rel ang papasok bilang si Ren Elton Mendez.
Magkamukhang-magkamukha silang dalawa, mapa-height man, build ng katawan o kahit style ng buhok. Kaya nga kapag pinagsuot sila ng parehong damit at iniharap sa isa’t isa, para silang nananalamin. Hindi pa naman kasi mukhang sakitin si Rel dahil inalagaan nila ito ng mabuti.
Pero may isa silang pinagkaiba ng kambal niya- ang kanilang personalidad. Palangiti si Rel sa kabila ng sitwasyon nito. Habang seryoso naman si Ren. Maaga siyang nagkilos mature dahil sa kailangan niyang umintindi at mag-adjust lage para sa kapakanan ng kanyang kapatid.
Ngunit hindi naman iyon halata kapag nagpapalit na sila dahil sa minsan nga lang pumapasok si Rel, hindi rin ito palakibo dahil sa hiya. Kontento na itong nakatingin sa ibang batang naglalaro.
“Kakain na tayo,” sabi niya kay Rel pagkatapos niyang magbihis.
“Okay. Turuan mo ako sa lessons natin mamaya, ah?” sagot nito at inakbayan siya papuntang kusina.…
“Magsimula ka na,” utos ng kanilang Mama Cristina kay Ren pagkatapos nila kumain. Nasa kusina pa rin sila at magkaharap na nakaupo palibot sa maliit nilang mesa.
“M-May classmate akong nakipagkaibigan sa akin kanina.”
“Talaga? Sino?” excited na tanong ni Rel.
“Ren! ‘Di ba ang sabi ko sa’yo ay mag-ingat ka? Paano kapag nabuko kayo?!” kasalungat na asik ng kanyang ina.
“Ma! Kaya namin ‘to! Gusto niyong makaranas ako ng normal na buhay ‘di ba? Pero bakit mo pinagkakaitan ng pagkakataong magkaroon ng kaibigan si Ren?” depensa sa kanya ni Rel.
Tahimik na nakayuko lang si Ren. Walang kahit anong emosyon sa mukha niya. Una palang, alam niya na kasing ganito ang magiging reaskyon ng kanyang ina. Pero mas pinili niyang magsabi ng totoo dahil alam niyang pwede silang mapahamak sa isang pagkakamali lang niya.
Ilang segundo ang lumipas nang hindi niya narinig ang sagot mula sa ina. Itinaas niya ang kanyang tingin at nakita ang maluha-luhang mata ng mama niya.
“Ma, mag-iingat ako, kami. Pangako. Gusto ko ring maranasan ni Rel na magkaroon ng kakilala maliban sa atin. At mabait naman si Sofia. Siguradong magkakasundo rin naman sila ng kambal ko,” pagsusumamo niya.
“Si Sofia? ‘Yong classmate natin na tingin ng tingin sa atin? Wah! Gusto ko rin siyang maging kaibigan. Kaso nagdadalawang-isip rin akong lapitan siya.”
Sandaling napaisip ang kanilang ina habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ng kanyang kambal. Pagkaraan ay hinawakan nito ang mga kamay nila at nakakaintinding ngumiti sa kanilang magkapatid na may umaasang mga mata.
“Basta siguraduhin niyo lang na walang makakaalam sa sekreto natin. Kahit pa ang bago niyong kaibigan. Kung hindi, masisira ang plano natin. Maliwanag ba?”
“Pangako, ‘Ma,” sabay sambit nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...