NARAMDAMAN ni Sofia ang lamig ng hangin sa balat niya kaya agad siyang napayakap sa sarili. Nagulat siya nang dinala siya ni Ren sa kompanya nito. Noong una ay nagugulohan siya kung bakit doon sila nagpunta ngunit agad niya namang naintindihan nang dumiretso sila sa rooftop ng building. May hinanda pala itong surprise dinner under the moonlight.
Ngayon ay magkaharap silang nakaupo sa magkabilang banda ng hindi kalakihang mesa. Kung may plano man itong suboan siya, siguradong agad siyang maaabot nito. Romantiko ang loko. Napangiti tuloy siya dahil sa kilig.
"Hindi ko akalaing gagawin mo 'to," tudyo niya sa binata.
"I know this is too cliche, but I hope you like it."
"Too cliche indeed, but I've been imagining this scene countless times," natatawang amin niya.
"It's my pleasure for making it come true then," napangiting sabi nito. Nakita niya kung gaano katuwang-tuwa ang kaharap kaya tuloyan siyang napatawa. Umihip naman ulit ang hangin kaya nanginig siya sa lamig. Kulay peach ang suot niyang v-neck dress na hanggang ibabaw ng takong ang haba. Hindi gaanong hapit sa katawan ang bestida at hanggang siko naman ang sleeve nito. Manipis ang tela ng damit kaya hindi niya naitago ang panggiginaw niya.
"Are you cold?" nag-aalalang tanong ni Ren. "Wait here. Let me get you a coat." Mabilis na nakatayo ang binata bago niya pa ito napigilan. Kaya napasunod nalang ang tingin niya sa pag-alis nito. Kinikilig na ibinalik niya ang atensyon sa tahimik ngunit magaan sa pakiramdam na paligid. Walang ibang tao dito, tulad nalang ng musikero o waiter na nakikita niya sa tv kapag nasa rooftop ang dinner date. Pero nagustohan niya ang ideya nitong may privacy sila, na silang dalawa lang ang nandito.
Mabagal niyang tinitikman ang mga pagkaing nakahain ng marinig niya ang papalapit na mga yapak. Ngunit ang inaasahan niyang coat na magpapawala ng lamig niya ay napalitan ng mainit at magaan na yakap. Sisigaw sana siya sa gulat pero agad niyang nakilala ang amoy ng pabango ng taong yumakap sa kanya.
"Can I do this instead to make you warm?" bulong nito sa may tenga niya na nagpatinig ng balahibo niya. Kasing init ng katawan nito ang hininga ng binata. "I think this is more effective than giving you a coat," dagdag pa nito.
Hindi nakakilos si Sofia sa kinauupoan. Hindi niya alam kung ano ba ang tamang gawin. Pero aaminin niyang nagustohan niya ang ginawa ng binata. Mapangahas ang aksyon nito pero malakas ang epekto sa tigang niyang katawan. Nakakatawang aminin ang paratang ni Gwen sa kanya.
"E-Excuse me, Mister. Kailangan mo pang kumain." Kahit gustong-gusto niya pang maramdaman ang yakap ni Ren, dapat niyang paalahanan ang sarili na nangliligaw pa lang ito. Siya ang nagbitaw ng desisyong 'yon, hindi pwedeng siya rin ang babali.
"Busog na ako. Ayoko ng kumain. Pwede bang dito nalang ako?"
Napasinghap si Sofia dahil sa kakaibang init na naramdaman niya. Ang mainit na balat nito na nakalapat sa balat niya ay nagbibigay ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan niya. Ang mainit na hininga nito sa leeg niya ay nagpapatindig sa kanyang balahibo. Ang mukha nitong napakalapit sa mukha niya, na maling lingon lang niya ay alam niya na kung saan lalapat ang kanyang labi. Nakakatuliro. Parang gusto na yatang kumawala ng kaluluwa niya sa kanyang katawan.
"Y-You're taking advantage, Mr. Mendez."
"Hmn... No, I'm not. I'm just keeping you warm."
"P-Pwedeng gawin 'yan ng coat."
"But it can't make you warmer than I can."
Nasabi na yata ni Sofia lahat ng mura sa isip niya dahil sa panglalandi ni Ren. Oo, alam na alam niya ang ginagawa ng binata. Pero anak ng tukneneng! Gustong-gusto niya ang panglalandi nito.
"Bibitaw na ako. Baka magawa ko pa ang isa pang pampainit na naiisip ko."
Naramdaman ni Sofia ang pagdampi ng mainit na bagay sa sintindo niya bago bumitaw si Ren at parang wala lang na umupo sa tapat niya.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...