CHAPTER 29

33 2 1
                                    

NAMAMANGHA o mas tamang sabihing naaaliw na hinawakan ni Ren ang magkabilang mukha ni Sofia para magkaharap sila ng maayos. Pero hindi niya sinalubong ang tingin nito at naduduling na tumingin siya sa may bandang ibaba. Napasinghap nalang siya ng mas inilapit nito ang mukha sa kanya na halos isang dangkal nalang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.

"Hindi pa ako tapos. Don't leave without knowing the whole truth first," he seductively whispered.

Hindi alam ni Sofia kung sinasadya ni Ren o natural lang talaga ang pagka-seductive ng boses nito. Sinubokan niyang alisin ang mga kamay nito na nakahawak sa mukha niya pero hindi ito natitinag.

"I may say one because... I will have one... with you. Kung sasagutin mo na ako."

She stood transfixed because of his piercing gaze. Her heart beats too fast again and her hands are getting sweaty. While her knees are starting to wobble again as they were so close and she just heard what she wanted him to say.

"But again, I won't force you to accept me at this moment. I want you to know me more. I want you to fully trust me. Waiting for you doesn't matter anyway, dahil araw-araw naman kitang nakakasama. Yes, I don't have the right to call you my own now. But no worries because sooner or later, I'll make sure that I can finally call you mine." He sincerely smiled before he let her go. Tinatagan niya naman ang pagkakatayo dahil sa panghihina ng kanyang mga binti. Then she looked at him deep in the eyes without hesitation. She was very thankful that she met this man again after the long years of waiting.

"You look like you're going to ravish me," Ren chuckled. His eyes twinkled in happiness. Hindi nagsasalita si Sofia pero nababasa nito ang nararamdaman niya ngayon. Actions speaks louder than words. And she's acting like a tamed puppy right now. O mas tamang sabihin na para siyang tigreng handang ngatngatin ang nakikitang prey niya ngayon.

She will surely won't never let go of Ren no matter what happened. Kahit habulin niya pa ito ulit tulad ng ginawa niya noon. He's one in a million. A tear suddenly fell from her eyes unknowingly. Not because of sadness but because of the positive mixed emotions she felt.

"Silly. Why are you crying?" nag-aalalang pinunasan nito ang mga tumutulong luha sa mukha niya. "Hindi naman kita inaaway, ah."

She chuckled. "I'm just happy. I am so glad that you remember me again."

MARAMING bagay ang bumabagabag sa isip ni Sofia habang nakahiga sa couch na nasa loob ng opisina niya. Lumipas na naman kasi ang isa pang buwan pero hindi pa rin sila ni Ren. Alam niyang may mutual understanding na sila pero hindi pa rin iyon sapat para mapanatag siya. Iba pa rin kasi kung magiging official na ang relationship nila. May panhahawakan na siya at tuloyan na niyang masasabing may karapatan na siyang angkinin si Ren.

Napangiti siya sa naisip. Heto na naman siya sa kalandianー este kabaliwan niya. Umayos siya sa pagkakahiga habang nasa kisame ang tingin nang biglang may tumawag sa cellphone niya. Mabilis siyang napabangon nang makita ang naka-rehistrong pangalan ng caller.

"James!"

"Sofia," masiglang bati ng binata sa kabilang linya.

"How's your trip? Ang tagal mong nawala."

Pagkatapos siya nitong ihatid sa bahay mula sa hospital ay masinsinan silang nag-usap. Nagpaalam ito na mawawala ito ng ilang araw dahil may aasikasuhin ito sa ibang bansa. Pero batid ni Sofia ang dahilan kung bakit ito aalis. Marahil ay magpapalipas ito ng oras para pagaanin ang loob nito.

Nakaka-guilty na muntik na niya itong makalimutan dahil sa presensyang binibigay ni Ren. Pero nag-alala din naman siya na baka hindi na ito magpakita sa kanya. Naging mabuting kaibigan si James at naging parte ito sa tatlong taon ng buhay niya. Hindi madaling iwaglit ito basta-basta.

"I just got back," sagot nito.

"Really? I'm glad you called me right away."

"Ikaw pa. By the way, are you busy now? Can we meet up?"

Napangiti si Sofia. Masaya siyang hindi nagbago ang turing James sa kanya. Not a suitor, but as a friend. Alam niyang napakaikli pa ng apat na buwan para tuloyang mawala ang feelings nito sa kanya. But he's too good to blame her. So he will surely treat her like a dear friend like what he's been doing since day one.

"I'm busy but I can make myself available to meet you," she comfortably said. "So, saan tayo? Will you fetch me here in my store?"

"Am I still allowed?" nag-aalalang tanong nito.

"Of course! Why not? Come on, James. You're my friend."

Ilang sandali ring natahimik ang kabilang linya. Akala ni Sofia ay naputol ang tawag pero nang tingnan niya ay hindi naman pala. Hindi siya sigurado kung ano ang nasa isip ng binata ngayon. Ang gusto lang niya naman ay maipakita kay James na hindi mawawala ang pagkakaibigan na turing niya dito sa kabila ng mga nangyari.

"I'll fetch you at five sharp."

Napangiti siya nang marinig muli ang boses nito. "Sure. See you after an hour then."

"Okay. Bye for now," masiglang sabi na nito.

"Later, James."

Tuloyan ng napabangon si Sofia at naghanda. Excited siyang makita ulit ang kaibigan. Nakakatawa talagang isipin. Noon ay todo iwas siya dito pero ngayon ay gustong-gusto niya na itong makita. Siguro ay dahil napatunayan nito na mabuting lalaki talaga ito kaya mas panatag na ang loob niya at mas lumaki ang tiwala niya dito.

"James!" masayang tawag ni Sofia sa binatang nakikipag-usap sa mga empleyado niya pagkalabas niya ng opisina. Gwapong-gwapo ang lalaki sa suot nitong simpleng faded jeans at white polo shirt. Nilingon siya nito at nakangiting sinalubong agad siya.

"Sofia." Walang pagdadalawang-isip na niyakap siya nito na tinugon din niya ng mahigpit na yakap. Agad naman itong kumalas pero hinawakan naman ang magkabilang kamay niya. Hindi niya mapigilang ikumpara ang pakiramdam niya noon at ngayon. Noon ay naiilang talaga siya kapag nadidikit ang balat niya dito pero ngayon ay komportableng-komportable na siya.

"Let's go?" aya niya. Tumango naman ang binata at nakangiti pa ring binitiwan ang kamay niya. Pero in-offer naman ni Ren ang braso nito. She chuckled and immediately encircled her hands to his arms.

Dinala siya ng binata sa isang fine dining restaurant. It was located in the tenth floor of a fifteenth floor building. Nasa terace sila kung saan kita ang pagsisimulang pagdilim ng kalangitan at unti-unting pag-ilaw ng ilang building at bahay na nakikita nila mula sa kanilang kinalalagyan. Pang-VIP ang spot na pina-reserve ni James para pribado silang makapag-usap.

"This is a good spot. How did you know this place?" namamanghang tanong ni Sofia.

"I searched it. Honestly, I still have a long list of places that I planned to bring you.... I'm not sure though kung mapupuntahan pa natin ang mga 'yon," he comfortably stated.

Napatigil si Sofia sa paghihiwa ng steak sa plato niya. Napatingin siya sa kaharap at nakita niyang nakangiti naman ito. But he had a misty eyes. Malungkot siyang napangiti. They are treating each other like a casual friend now pero hindi pa rin nila maiwasang pag-usapan ang nakaraan. Sadyang may mga tao lang talaga na pinagtagpo ngunit hindi itinadhana. At isa sila sa halimbawa.

"How's your trip, by the way?" pag-iiba niya ng usapan.

"Oh, right." Napaigting si James sa kinauupoan at uminom muna ng wine bago siya hinarap. "I called you because I have something to tell you."

"W-What is it?"

"I don't know if it's right to tell you this. Sofia..."

Tinitigan siya ni James ng malalim. Nagsimula naman siyang mailang. Napa-cross ang hintuturo at gitnang daliri ng kanang kamay niya sa ilalim ng lamesa. Sana ay hindi nagbago ang isip ng binata na ipaubaya siya kay Ren. Sana ay hindi ito nakapagdesisyong ipaglaban siya. Okay na ang sitwasyon niya ngayon. Nagkakamabutihan na sila ni Ren. At hindi na sumasagi sa isip niya na bigyan pa ng pagkakataon si James. Sapat na ang maging magkaibigan lang sila. Kinakabahang naisubo niya tuloy ang malaking parte ng steak na hindi niya pa nahihiwa.

"I had a one night stand."

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon