NAKAPASKIL ang saya sa mukha ni Ren nang maalala niya ang date nila ni Sofia kagabi. Naisipan niyang bisitahin ang isang matalik na kaibigan at ngayon ay hinihintay niya itong dumating. Excited na siyang ibahagi dito ang improvement ng kanyang buhay pag-ibig. Nakakabaklang malaman pero ganito sila kabukas sa isa't isa. Ngunit magkasalungat yata ang takbo ng buhay nila dahil hindi maipinta ang mukha ng binata nang pumasok ito sa sariling opisina kung saan siya naghihintay.
"Gio."
"Elton."
"Anong nangyari sa'yo?" natatawang tanong niya sa kaibigan. Tila pagod na pagod itong umupo sa katapat niyang couch.
"Na badtrip lang, Bro," walang ganang sagot nito.
"Bakit? Anong rason?"
"Hindi ano, kundi sino!" Nagkasalubong na naman ang kilay nito at mas lumala ang hindi mawaring ekspresyon. Parang alam niya na ang dahilan ng pagkasira ng araw ng kaibigan.
"Hmn... Mukhang kilala ko kung sino... Si Bella 'no? Ay Belle ba 'yon? Ano ngang pangalan ng chix mo?" maang-maangan niya.
"Anong chix ka dyan?! Dragon yata 'yon eh. Mukha lang 'yong babae pero nagbabalat-kayo lang talaga siya! Grr. Ang sakit niya sa ulo," parang problemadong-problemado pa itong napahilot ng sintindo.
"Sakit daw sa ulo... Why are you not avoiding her? Don't fool me, Gio. You are obviously keeping in touch with her," panunudyo niya sa kaibigan. Totoo ang sinabi niya. Kahit suplado 'tong kaibigan niya, hindi maipagkakaila ang gandang-lalaki nito. Maraming babaeng naghahabol dito na ang normal nitong ginagawa ay hindi pinapansin o agad nitong pinagtatabuyan. Ang nakakapagtaka ay laging bukang-bibig nito ang isang babae, na kahit naiinis ito, lage pa rin naman nitong nilalapitan.
"Huwag mo akong simulan, Elton. Kung ayaw mong ikaw ang mapagbuntongan ng inis ko!" banta pa ni Gio sa kanya.
"Wohhh! Nasaan na ang bestfriend kong workaholic na hindi nakikitaan ng emosyon? Akala ko ba hindi ka natatablan ng kahit anong problema? Pero ano 'tong nakikita kong out of focus na lalaki? Hays. Babae lang pala katapat mo?" he continued teasing his bestfriend. Nakakatuwa talagang makita ang bagong kilos na pinapakita ng kaibigan niya. Sa tingin niya ay magandang sinyales ito.
May kaya na sa buhay ang pamilya ni Ren noon pa man dahil may sariling kompanyang naiwan ang ama niya na minana pa nito sa kanyang lolo. Dahil maagang pumanaw ang ama niya ay ang ina niya muna ang namahala. Pero noong makatapos na siya ng pag-aaral at may sapat na siyang kakayahan ay siya na ang humalili sa pagpapatakbo ng kompanya nila. Si Gio naman ay nagmula sa mahirap na pamilya. Ang yaman na pagmamay-ari ng kaibigan nito ngayon ay bunga ng sipag at tiyaga, dugo at pawis nito. Kaya hindi rin masisisi ni Ren si Gio kung bakit wala itong naging karelasyon hanggang ngayon dahil halos lahat ng oras nito ay nakapokus lang sa pag-ahon ng pamilya sa hirap at pagpapalago ng nabuong kompanya nito.
"Tumahik ka nga! Huwag kang magmagaling. You we're crying like a cry baby the last time you came here. You felt very very guilty because your childhood sweetheart, your one and only love, got an accident due to your stupidity," Gio smirked at him.
Naningkit ang matang tinitigan niya ito. "That's a big blow, Bro." Pero hindi niya naman maipagkakaila dahil totoo ang sinabi ng kaibigan. Nakakahiyang aminin pero umiyak siya sa harap nito, na parang batang inaway at nagsumbong. That was indeed an embarrassing moment. Naisahan siya.
"You're welcome," feeling nanalong sagot naman nito. "So, ano na namang nangyari? Naghanda ka ba ng panyo? Wala akong tissue dito."
"Shut up. Ibabalita ko lang na invited ka sa kasal ko. Ikaw ang bestman," seryosong sabi niya pero muntik na ring napatawa dahil sa gulat na reaksyon ng kaibigan niya. Para itong natuka ng ahas at nabato sa kinauupoan. Syempre, hindi niya ito hahayaang manalo.
"Kasal?! To whom?!"
"Who else? May ibang babae ba ako? Tsk. You're too slow. Inanay na ba yang utak mo dahil sa katorpehan mo?"
Gio glared at him pero hindi rin magpapatalong inasar siya, "I pity her. Napakamalas na babae. Hays." Umakto pa itong tila nakikisimpatya.
"Huh! You are just jealous. Wala ka kasing jowa!" counteract niya naman.
"Bro! Nakakarami ka na! Hindi mo pa rin naman siya girlfriend! Nananadya ka na ah!" hysterical na napatayo pa ito sabay turo sa kanya. Napahilamos din ito ng mukha para mapigilan ang nararamdamang pagkainis kaya napatawa ulit siya.
"Huwag mo akong niloloko na ikakasal ka na! Alam kong dadaan ka pa sa maraming pagsubok dahil bobo ka kasi hindi mo agad siya nakilala! May bundok ka pang aakyatin at dagat na lalanguyin! Gagapang ka pa sa lupang puno ng tinik!" natatawang sigaw nito sa kanya dahil sa malalalim na salitang sinabi nito. Hindi na rin siya nagtaka pa kung saan napulot ng kaibigan ang mga katagang iyon. Halatang nagmamay-ari ito ng isang publishing company.
"Tss. I don't care! Lumuhod man ako sa asin, magbilad man ako sa napakainit na araw, magpakagat man ako ng maraming langgam, gagawin ko! Kahit ano gagawin ko hanggang sa tuloyan na niya akong mapatawad," nadadala sa emosyong sagot niya. Na medyo natatawa rin dahil sa kabaduyang pinagsasabi niya. "At least, she already gave me a chance to start courting her now. Eh ikaw? Torpe mo na, in denial pa! You still have a long way to go, Bro. Goodluck nalang sa'yo!"
"Oh, saan ka pupunta?" tanong nito nang bigla siyang tumayo sa kinauupoan at akma ng aalis.
"Saan pa ba? E'di, uuwi na."
"Agad-agad? Iyon lang ba ang dahilan ng pagpunta mo dito? Ang ipamukha sa akin na may lovelife ka na?"
"Yup," he grinned.
"Damn you!" pagmura nito sa kanya na minsan lang niyang marinig.
"Kailangan ko pang maghanda dahil may date ulit ako mamaya," kwento niya. "Gusto mong sumama?"
"Umalis ka na nga! Nang-iingit ka lang, eh."
"Umamin ka ring naiingit ka," he winked and laughed before closing the door.
"Ayoko na!" narinig niya pang sigaw ng kaibigan bago siya tuloyang nakaalis.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
रोमांसNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...