CHAPTER 4

23 2 0
                                    

KASING-BILIS ng isang sports car ang tibok ng puso ni Sofia. Hindi na niya ito mahabol sa sobrang bilis. Naramdamam din niya ang mumunting butil ng pawis na bumubuo sa noo niya kahit malamig naman ang restaurant na pinasokan nila.

"Good evening, Mr. Mendez."

"Same to you, Mr. Adams."

Napatulala siya habang nakatingin sa dalawang lalaking nagkamayan. Natuod siya at hindi na makagalaw sa kinatatayuan. Hindi niya inaasahan ang pagkikitang 'to.

"By the way, may kasama pala ako. This is Sofia Reiss."

"Hi. I'm Ren Elton Mendez." Nakangiting inabot nito ang kamay sa kanya.

"H-Hello. N-Nice to meet you." Nanginginig ang kamay na inabot niya iyon sa kaharap. At nagpapasalamat siyang binitawan din nito kaagad. She didn't want him to noticed how her hands trembled because of him.

"Let's have a seat," aya nito sa isang table.

Napasunod ang tingin niya sa lalaki. Ilang taon na ang lumipas pero agad niya itong nakilala. Memoryado niya pa talaga ang mukha nito, na katulad pa rin ng dati pero nag-mature na. Nang marinig niya ang last name nito, mas lalo niyang napatunayan na ang Ren na hinintay niya ng ilang taon ay ang kaharap niya ngayon.

"I'm sorry, Mr. Adams. Nakaabala yata ako sa date niyo," saad ni Ren ng makaupo na sila. Hindi niya magawang ialis ang tingin sa lalaki. Gusto niya rin sanang magreact sa date na sinabi nito, kaso narealize niyang totoo naman na may date sila ni James ngayon.

"Cut that formality, Elton. Sofia is very understanding, kaya walang problema," proud na sabi ng katabi niya at inakbayan pa siya. Nag-aalangan siyang ngumiti kay Ren at agad ibinalik ang tingin kay James.

"Mabuti naman. Pero pwede namang kumain na muna kayo. I'll be back later. I'm really sorry. You should have informed me na may lakad ka, James," paumanhin nito ulit.

"O-Okay lang talaga, Mr. Mendez. We already talked about it before we went here. Saluhan mo nalang kami sa pagkain. Nakakahiya naman sayo kung paghihintayin ka pa namin."

Napangiti siya ng magawa niyang sabihin iyon. Kanina pa kasi parang may bikig sa lalamunan niya at ang hirap magsalita. Naka-recover na siguro siya sa matinding shock ng makita niya ulit ito. Isa pa, ayaw niya pa itong umalis. Ayaw niya itong mawala na parang bula.

"She's right, Elton," ayon naman ni James.

"If it's alright, bakit ko naman tatangihan?" nakangiting tanong nito. "So, mamaya na ang business, kumukulo na kasi ang tiyan ko." Sabay na tumawa ang dalawang lalaki. Habang siya naman ay nakatitig lang kay Ren.

He looks so bossy, pero may natatago rin palang kapilyohan. Nakakapanibago. He's like a new specie to her eyes. Sa tagal nga naman nilang hindi nagkita, siguradong marami ng nag-iba, mapa-postura at ugali man.

Tahimik lang na kumakain si Sofia habang nakikinig sa pag-uusap ng dalawang lalaki tungkol sa isang project nila.

"Baka nabo-bored na 'tong kasama mo, James," biglang sabi ni Ren kaya napatingin siya dito. Nilingon din siya ni James at hinawakan ang kamay niya.

"Are you okay, Sofia?"

"Y-Yes. Of course. May iniisip lang ako kaya 'di ako makasabay sa inyo." She smiled at James.

"Don't tell me, you're worrying about your work again?"

"Hindi naman," she answered and glanced at Ren's side. And Sofia saw him staring at her. Gusto niya yatang mangisay sa kaba. Buhay pa rin ang epekto nito sa kanya. Kung makakabasa lang sana ito ng isip, malalaman nitong ito ang bumabagabag sa utak niya at hindi ang trabaho.

"Ito kasing si Sofia, grabe ka adik sa trabaho niya, napaka-business minded. Halos napapabayaan na nga niya ang sarili niya dahil sa sipag at seryoso niya trabaho," kwento ni James kay Ren. Nahihiyang napayuko naman siya. Pero gusto niya yatang pasalamatan ang katabi sa paligong compliment nito.

"What's your business?" baling ni Ren sa kanya.

"Botique. Are you familiar with RFT? May sampung branches na siya nationwide," sagot ni James sa tanong nito na para sana sa kanya. Pagkakataon na sana niyang makausap na naman si Ren. Nakaramdam tuloy siya ng inis sa katabi. Kanina niya pa napapansin ang pagiging touchy nito. Baka nakalimutan ng lalaking 'to na walang sila?

Babawiin na niya ang sinabi niyang bibigyan niya ng chance si James. Kung kailan naman kasi handa na siyang kalimutan ang kaharap, doon pa ito nagpakita. Ito kaya ang sign na hiningi niya? Pero…

He already know her name. He already saw her. Ngunit bakit hindi yata siya nakilala nito?

"Nice matched," nakangiting wika ni Ren na nagpabalik ng diwa niya. Tumawa naman si James at nilingon siya. Wala namang maapuhap na sagot si Sofia kaya ngumiti nalang din siya.

"E-Excuse me. I'll just go to the restroom."

Hindi niya na hinintay ang sagot ng dalawa at agad ng umalis. Napahinga siya ng malalim ng makapasok na siya sa isang cubicle.

This night's event is really unexpected. Sa wakas at nagtagpo na ang landas nila. Pero paano kapag siya lang pala ang nakakaalala at umaasang matutupad ang sinumpaang pangako nilang dalawa? Sasabay nalang ba siya sa agos ng pangyayari? O dapat niyang ipaalala dito ang nakaraan? Paano kung wala na pala itong pakialam?

"Sofia? Are you there?" narinig niyang tawag ni James sa labas pagkalipas ng ilang minuto.

"Give me a minute, please."
Napabuga ulit siya ng malalim na hininga at agad na inayos ang buhok at damit bago tuloyang lumabas. But she didn't expect to see Ren with James. Agad napako ang tingin niya dito. He even smiled when he saw her.

"Bakit niyo ako pinuntahan dito? Any problem?"

"Wala naman. Gusto lang magpaalam sayo ni Elton bago siya umalis," James answered.

"G-Ganun ba? Nag-abala ka pa, Mr. Mendez. Okay lang naman sa akin kahit hindi na." Nahihiyang humarap siya dito.

"I don't want to be rude, Ms. Reiss. So, mauna na ako. Enjoy your date." Ngumiti muna ito bago tuloyang umalis. Napahakbang pa siya dahil sa kagustohang pigilan ito, para makasama niya pa ito ng matagal.

"Sofia?" Pero nandito nga pala si James. Siguradong magtatanong at magtataka ito kung gagawin niya iyon. "It's still early, wanna go somewhere?"

"H-Hindi na siguro. Gusto ko ng umuwi. I still have a lot of works to do tomorrow."

"The usual Sofia." He chuckled and offered his arms to her. Agad naman siyang humawak sa braso nito at matamlay na ngumiti.

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon