CHAPTER 36

18 3 0
                                    

NASA SALA na silang apat at magkatapat na nakaupo sa couch. Nasa bandang kaliwa ang mag-inang Salie at Sofia at nasa bandang kanan naman ang mag-inang Cristina at Ren. Hindi mawari ni Sofia ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Tila binubuhusan siya ng malamig na tubig pagkatapos ay mainit na tubig naman. Nanginginig ang mga kamay at paa niya. Habang walang laman ang isip niya. Literal na wala, as in blanko talaga. Simula noong dumating si Ren ay lumipad yata paalis sa katawan niya ang kanyang kaluluwa. She expected a step-father. Paniwalang-paniwala siya na iyon ang darating sa araw na ito. Ngunit nagkamali siya.

"Alam ko na ang sadya niyo," panimula ng Mama Salie niya. "Ngunit hindi ko iyon pinaalam sa anak ko. I wanted you to inform her the reason of your visit." Hinawakan ng Mama niya ang kanyang kamay at marahang pinisil iyon. Nagugulomihang napatingin siya sa kanyang ina.

"Gusto naming mamanhikan," diretsang sabi ni Tita Cristina na agad niyang ikinalingon dito. Pagkatapos ay binaling niya ang nabibiglang tingin sa lalaking titig na titig sa kanya. "Mas nakakabuti yatang kayo ni Ren ang mag-usap, Sofia. Sal, pwede ba natin silang bigyan ng pagkakataon na magkausap ng sarilinan?"

"Sure, I understand. Balik muna tayo sa kusina? Gusto kong makita ang dala niyong pasalubong," walang pagdadalawang-isip na sagot ng kanyang ina. Tumayo ang dalawa at mabilis silang iniwan.

Seryosong ibinaling niya ang atensyon sa katapat na lalaki. Mariin pa rin itong nakakatitig sa kanya. Kahit lalabas na yata ang puso niya sa lakas ng tambol nito, sinikap pa rin niyang salubongin ang mga mata ni Ren. Bigla itong tumayo at lumipat sa tabi niya. Awtomatikong napaatras naman siya.

"Are you still mad at me?" malumanay na tanong ni Ren. Nakaupo ito patagilid pero nakaharap sa gawi niya.

"I-It doesn't matter now. Y-You have to tell me first if I heard it right," napalunok na sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Ren.

"Hmn?" Nakatitig na sagot nito at umusog papalapit sa kanya. Napatuwid naman ng upo si Sofia at hindi na makayanang inilingon ang ulo paalis sa gawi ni Ren.

"T-Totoo ba ang sinabi ng Mama mo?"

"Ano bang sinabi ng Mama ko?" pabulong na balik-tanong nito. Napahigpit ang paghawak niya sa kanyang damit. Nanunukso yata ang lalaking ito.

"Na... Na... namamanhikan kayo?"

"Ano sa tingin mo?" Umusog ulit ito palapit sa kanya. Umusog din siya palayo. Tumatayo ang mga balahibo niya sa batok sa tuwing tumatama sa may tenga niya ang mainit na hininga nito.

"S-Sumagot ka ng maayos. Huwag mo akong sagutin ng tanong," paasik na sita niya para maitago ang epektong dulot ng lalaking katabi niya. Gulong-gulo na nga ang isip niya, dinagdagan pa ng puso at katawan niya. Anong ba ang binabalak ng lalaking ito? May plano yata itong baliwin siya.

"Kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong mo? Mukha ba akong nagbibiro?"

Napayuko si Sofia at hindi nakasagot. May gusto siyang marinig mula sa bibig ni Ren. At alam niyang maaari nitong itanong sa kanya ito, ora mismo. Ngunit hindi niya alam kung sasagot ba siya agad o hindi. Hindi kasi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Para bang nananaginip lang siya.

Hinawakan ni Ren ang baba ni Sofia at marahang hinila ang mukha niya para magkaharap sila. Titig na titig na naman ito sa kanya. She saw longing and adoration in his eyes.

"I will not ask you to marry me. I wanted you... to marry me. I'm not asking. It's not even a request. I rather call itー an order."

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon