CHAPTER 34

20 2 0
                                    

NAIWANG mag-isa sa bahay si Sofia nang araw na iyon dahil may klasi ang Mama Salie niya. Natulog muna siya ng ilang oras pagkaalis nito at naglinis ng bahay pagkagising niya. Hindi kalakihan ang tinitirhan ng kanyang ina kahit afford naman niyang pagawan ito ng malaking bahay. Ayaw rin nitong kumuha ng katulong. Hindi naman siya nagpumilit pa at sinunod nalang ang kagustohan ng kanyang ina.

Nasa bahay lang siya buong maghapon. Pagkatapos kumain ng tanghalian ay ang bakuran naman nila ang nilinis niya. Ang pantakip niyang rason ay para makatulong siya sa ina at hindi na ito mapagod pa sa gawaing-bahay. Pero ang tunay na rason ay para hindi niya maisip ang lalaking iniwan niya sa syudad. Napagpasyahan niyang kausapin ito pagbalik niya. Ngunit sa ngayon ay pagbibigyan niya muna ang sarili niyang magpahinga at iwaglit ang lahat ng alalahanin.

Gusto niya munang magpalipas ng ilang araw sa probinsya para makapag-isip ng maayos. Naka-turn off pa rin ang cellphone niya para hindi siya ma-contact ng kanyang mga kaibigan. Well, umasa kasi siyang hahanapin siya ni Ren. Hindi naman masamang pahalagahan rin niya ang kanyang sarili. Kaya susubokan niyang maghintay ng ilang araw kung may makakatunton ba sa kanya. Alam niyang hindi siya madaling hanapin kung makikiayon lang ang inang kinuntsaba niya. Kapag may naglalayas, pupunta sa lugar na walang nakakaalam, 'di ba?

"Ilang taon na akong guro pero hindi pa rin ako sanay sa kakulitan ng mga batang studyante ko," kwento na kanyang ina pagkauwi nito galing skwelahan. Nasa kusina sila at nagluluto siya ng hapunan nilang mag-ina.

"Mag-resign ka nalang, Ma. Huwag mo ng hintayin ang retirement mo. Kaya naman kitang buhayin, eh."

"At ano namang gagawin ko? Tutunganga hanggang bawian ng buhay? No, thanks."

"You can travel around the world if you want."

"Alone? Huwag na kung hindi naman kita makakasama."

"Then find a boyfriend para may kasama ka."

"Itong batang 'to! Ikaw kaya ang mag-boyfriend muna."

Napangisi siya. "So, may plano ka talagang magka-boyfriend kapag meron na ako?"

"Kabahan ka! Baka maunahan kita!" natatawang biro nito.

"Seryoso, Ma. Okay lang naman sa akin. Mas gusto ko ngang may makakasama ka."

"Forget it, Sofia. Ang tanda ko na. Isa pa, wala na talaga akong plano. Nangingilabot ako kapag naiisip ko palangー Sandali lang. Bakit napunta dito ang usapan natin? Ikaw talaga! Makabihis na nga."

Natatawang napasunod ang tingin niya sa pag-alis ng kanyang ina. Kapag ganun na ang pinag-uusapan nila ay iiwas ito agad. Siguro nga ay ayaw na talaga nitong sumubok ulit. Napailing nalang siya at itinuon ulit sa pagluluto ang atensyon. Maya-maya rin ay bumalik na ang Mama Salie niya kaya agad siyang naghain ng pagkain.

"Ma," tawag niya dito ng makaupo na silang dalawa.

"Ano na naman?"

"Sus~ Hindi na kita pipilitin. May itatanong lang ako."

"Ano nga?" pagtataray nito kaya napangisi ulit siya.

"Ahm... Tumawag ba si Jenny or Gwen sa'yo?"

"Bakit?" Nagdududang tiningnan siya nito. Na nadagdagan ng nanunudyong ngiti nang mapakamot siya sa ulo. "Ewan ko sa'yong bata ka. Pwede ka namang bumalik na sa syudad para suyoin si Ren."

"Mama talaga, oh. 'Di ba sinabi ko na sa'yo kanina na magpapalipas araw muna ako?"

"Eh, bakit interesado ka kung tumawag ba ang mga kaibigan mo? Don't tell me, nag-e-expect ka talagang hahanapin ka ni Ren?"

"H-Hindi ba pwede? Masama bang mag-assume na hindi niya ako matitiis? Na marunong siyang magpaubaya kahit ako ang may kasalanan?" iwas niya ng tingin.

"Hay naku, Sofia. Baka akala mo ay teenager ka pa? Eh, pwede ka na ngang mag-asawa. Hindi na bagay sayo ang tagu-taguan."

"Ang killjoy mo, Ma. Sagutin mo nalang kaya ang tanong ko, may natanggap ka bang tawag o wala?"

"Wala! Isang araw ka palang missing in action, atat na atat ka naman. Labo mong kausap." Pabirong inirapan niya ang ina na sinagot naman nito ng tawa.

ANIM NA araw na ang lumipas pero wala pa ring naghahanap sa kanya. Napasimangot tuloy si Sofia habang nakakatitig sa naka-off niyang cellphone. Mabigat sa loob ang napagdesisyonan niyang e-on ito dahil curious siya kung may pinadalang mensahe ba sa kanya. Nakapikit na ni-long press niya ang power on button ng kanyang phone. At nang tumunog ng ilang ulit ang notification niya ay mabilis siya napadilat at excited na tiningnan iyon.

Pero nanlumo si Sofia nang wala siyang makitang mensahe galing kay Ren. Puro galing sa mga kaibigan at empleyado lang niya. Walang pakialam na tinapon niya sa kama ang hawak niyang cellphone. Hindi niya na sinubokan pang basahin ang ibang mensahe. Bakit pa? Wala doon ang inaasahan niyang mensahe.

Padabog na lumabas siya ng kwarto at pinuntahan ang kanyang ina na kasalukuyang naglalaba ng damit nila. Napailing naman ito nang makita ang nakasimangot na mukha niya.

"Ako na bahala dito, Ma," agaw niya sa hawak nitong labahin.

"Ano na naman ang pinagmamaktol mo? Kahit yata si Leonardo Da Vinci ay 'di kayang maipinta 'yang pagmumukha mo."

"Tss. 'Wag mo nalang akong pansinin."

"Paano kita 'di papansinin kung magkasama tayong dalawa? Kakausap nalang ako ng pader, gan'on?"

Natawa si Sofia sa sinabi ng kanyang ina. "Pwede," biro niya kaya mabilis nitong nakurot ang tagiliran niya. Tuloyan siyang napahalakhak. Napangiti naman ang Mama Salie niyang ng lumiwanag na ang mukha niya.

"Saan ka nga pala nagpunta kahapon? Akala ko sa umaga lang ang meeting mo sa school pero ginabi ka na ng uwi. Nakatulog ako ng maaga kaya 'di na kita nasabayang kumain ng dinner. Tell me honestly, Ma, may ka-date ka 'no?"

Gusto niya lang tudyoin pabalik ang kanyang ina pero nang hindi ito nakaimik ay nanlaki ang mga mata niya. Napatigil ito sa paglalagay ng labahin sa washing machine at seryosong tumingin sa kanya. Biglang nakaramdam ng kaba si Sofia.

"Ikaw na ang magpatuloy nito. Bilisan mo at maghahanda na ako ng agahan natin. Sa pang-umaga na misa ma tayo magsimba para makauwi tayo bago magtanghali. May darating na bisita mamaya."

Napako siya sa kinatatayuan habang mabilis na nakaalis ang kanyang ina.  Nahihiwagaang napalingon siya sa dinaanan nito. Tama ba ang nasabi niya? Talaga bang may ka-date ito? Hindi niya akalaing magkakatotoo ang biro niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng tambol ng puso niya. Iba pala ang pakiramdam kapag nasa sitwasyon na. Hindi niya maintindihan kung excited ba siya o mabigat ba ang loob niya sa kaisipang magkakaroon na siya ng stepfather.

Mabilis niyang natapos ang paglalaba dahil hindi naman karamihan ang labahin nila. Nag-agahan na rin sila bago naghanda para magsimba. Pagkatapos ng misa ay dumiretso sila sa merkado para bumili ng mga lulutoin. Hindi niya magawang tanungin ang ina tungkol sa lalaking ipapakilala nito sa kanya. Naninibago siya. Panay ba naman ang pag-deny nito pero gayon pala'y may karelasyon na ito. Gusto na tuloy niyang hilahin ang oras para makilala na ang nakabihag sa pihikang puso ng kanyang ina. Kikilatisin niya ito ng maigi mamaya. Dapat itong makapasa sa kanya.

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon