UNEXPECTEDLY, he forgot her last name. Sa tagal ng panahon na kakatawag niya sa pangalan ni Sofia, naignura ni Ren ang apilyedo nito. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagtangka niyang ipahanap ang babae.
"Oh," natigilan na reaksyon ng kanyang ina. "Malay ko ba! Kayo ang magkaklasi, bakit ako ang tinatanong mo?"
"Ah, kasi…"
"Don't tell me, you forgot?!" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Y-Yeah?"
"Stupid of you!" his mother chuckled. Napailing na itinuloy nito ang pagkain habang pilit na hinahalungkat ang alaala nito.
"Right!" biglang bulalas ni Ren sabay tayo. "Sa picture! I remember that she wrote her name there!"
Mabilis siyang tumakbo papuntang kwarto niya. Agad niyang kinuha ang picture frame sa ilalim ng lampshade na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi ng kanyang kama. Binuksan niya ang likod nito at tingnan ang nakasulat sa puting bahagi ng larawan.
"S-Sofia… M? Anong M?!" Napakunot-noo si Ren. Halos magkasalubong ang kilay niya dahil sa pagkadismaya.
"Ano na? Alam mo na ba?" tanong ng kanyang inang sumunod sa kanya.
"She wrote Sofia, capital letter M and dot," nawalan ng lakas na napaupo siya sa kama. "I have no idea what M is this!"
Tumawa ang kanyang Mama sa kabila ng pagkainis niya. Mas lalong wala siyang ideya kung bakit ganoon ang reaksyon nito.
"Sofia Mendez? I think that's what she meant. Good job, Son." She chuckled again, then walked out of his room.
"M-Mendez?"
Hindi niya alam kung matutuwa siya o mananatili sa pagkainis dahil sa sinulat ni Sofia. Napasabunot sa sariling buhok na napahiga siya sa kanyang kama.
…
"Sofia Reiss," bulong ni Ren pagkapasok niya sa driver seat ng kotse niya. Kakatapos lang ng meeting nila ni James, isa sa bago niyang business partner. He was with his date when they met earlier. At hindi niya inaasahan na ang babaeng kasama nito ay ang babaeng nakita niya noon sa labas ng botique, na siyang nakakuha sa interest niya.
What's more interesting, ito pala ang may-ari ng botique na nagustohan nila ng Mama niya. At higit sa lahat, her name is Sofia. She has the same name with the girl he loves.
Pinaglalaruan ba siya ng tadhana?
...
HINDI MAINTINDIHAN ni Ren ang nangyayari sa kanya. Kinakabahan siyang makita ulit si Sofia, na girlfriend ni James ayon sa paniniwala niya. Alam niyang mali ang nararamdaman niya dahil una, taken na ito at pangalawa, hindi ito ang Sofia na first love niya.
Bumalik siya sa botique ng babae na nasa plano na niyang pagbibilhan niya ng damit para sa kanyang ina. They held hands, no, shake hands after making his specialized order. At nakaramdam siya ng kakaibang tibok ng kanyang puso nang magdapo ang mga palad nila.
Pilit na inignora ni Ren ang namumuong pakiramdam. He should be loyal to Sofia, to the woman whom he promised to court and marry. He should not be swayed by this Sofia he just met.
But, damn it. After that day, she keep on texting and calling him about obvious and unnecessary things in connection with his order. Wala siyang ibang naisip na rason, he directly thought that she must be interested in him too. He surely knows that she's professional. But this action of her is not an act of diligent working. Nagpapapansin na ito. Hindi siya manhid para hindi mahalata iyon.
Naiinis na siya sa pinaggagawa nito. She have a boyfriend but why did she keep on hitting him? It's not a right thing to do. He doesn't want her to degrade herself. Pero mas naiinis si Ren sa sarili niya. Dahil gusto niya itong patulan kung hindi niya lang sana alam na mali ito. Kaya pinilit niya ang sariling layuan ito.
Results came in. She unexpectedly went to his office, dress in red, looking very attractive and hot as the color. She even told him the three magic words that he doubtly believe. Kakilala lang nila pero bakit ganoon agad ang sinabi ng babae? Nahihibang na ito. At nahihibang din siya dahil gusto niyang sumabog ng sapilitan niya itong pinaalis. Nanikip ang dibdib niya sa kanyang nagawa at hindi niya iyon maintindihan. Bakit niya ba nararamdaman lahat ng ito? Gusto niya ng tumigil.
ILANG ARAW at gabing binagabag ng Sofia iyon ang isip ni Ren. Ginawa niya na nga lahat ng makakaya niya para hindi nito tuloyang mapasok ang buong sistema niya. But like spreading salt to his unexplainable wounds, he met her again. She's right in front of him, making his heart throb frantically.
So this time, he stopped her from saying anything. He won't let her change his mind. That why he let out his undying affection towards her through showing anger. He told her hurtful words to make her stay away from him.
Ayaw magpatalo ni Ren. Hindi siya papayag na madala ng tukso. He should be responsible to the promise he gave to the Sofia he met fifteen years ago. Because she's the Sofia that he truly loves.
And he end up almost regretted everything.
When one day, he learned the whole truth. About the Sofia he loves and the Sofia he likes… but forcefully rejected.
"Sofia Reiss--- ang babaeng pinangakoan mo fifteen years ago, na hahanapin mo paglaki niyo, tapos liligawan at pakakasalan. Puppy promise ng puppy love, pero tumatak sa puso't isip niya sa loob ng labin-limang taon."
"If ever she died from that accident... Hindi ko alam kung ano ang pwede kong magawa sa'yo. But one thing is for sure... I will never ever forgive you, Elton!"
"W-What did you just say?"
She was the same Sofia all along. Kaya pala… Kaya pala ganito nalang ang nararamdaman niya. His heart recognized her! Iisa lang ang babaeng matagal niya ng mahal at ang bagong babaeng nagugustohan niya. Damn him! Hindi nga siya manhid, but he's stupid, a fool! Bakit hindi man lang niya naisip na they might be the same person?
Biglang napaluhod si Ren... at umiyak. Wala na siyang pakialam kung nasa harapan niya pa si James. His pride and image doesn't matter to him now. He just want to let his heart out.
"W-We met... again. Akala ko... hindi ko na siya makikita pa. We were given a chance... and I almost lose it. I almost lost her."
Binalot ng tunog ng pag-iyak niya ang buong opisina. Hanggang sa tinulongan siya ni James na tumayo. Hindi niya alam kung ano ang nakita nito at biglang nagbago ang isip nito.
Mahigpit na hinawakan ni James ang magkabilang balikat at matigas na sinalubong ang tingin ng mga mata niya.
"She's safe and awake. But you're the reason of her accident."
Hindi nakaimik si Ren sa panunumbat ng kaharap. Dahil totoo naman ang sinabi nito. Tanggap niya ang pagkakamali niya. At handa siyang gawin lahat para makabawi kay Sofia.
"I love her, Elton. Maybe, more than you do. Butー I will accept the fact that... I am not the one for her. You just need to promise me that you'll take care of her and make her happy."
"I will, James. Kahit hindi mo pa sabihin. I will give her everything I have. Because she owns everything I am."
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...