MABILIS na lumipas ang tatlong buwan. Wala namang sablay ang araw-araw na paglabas nina Sofia at Ren. Puro sabay na mag-dinner lang ang daily routine nila. Pero marami namang pakulo si Ren kaya hindi siya naumay. In the rooftop under the moonlight and at the beach where they heard the soothing music of waves and felt the calmness of the sea. Sometimes in a fine dining restaurant, in a fast food chains and in a private restaurant. They almost tried every cuisines of other places in the world.
It was the same routine with James but it feels different. It was magical, ecstatic and surreal. She don't really care about the food or where they are. She only cares about the person she is with. And he is Ren. Actually, she likes it. Correction: She loves it. She even wish that they will continue to eat dinner together forever. They can even add breakfast and lunch if he wants to.
Isang araw, pauwi na sila ng bigla siyang tanungin ng binata.
"Pwede rin ba kitang sunduin every morning? Gustong-gusto kong ihatid ka sa trabaho."
Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ni Sofia. Hindi dahil sa kaba kundi dahil sa excitement. Isa kasi sa mga imaginations niya noon ay ihatid siya ng lalaki sa trabaho. Sa wakas ay tinanong na siya nito.
"S-Sure. Kung hindi makakaabala sa'yo..."
"Of course not. Hinding-hindi ka magiging abala sa akin. It's my pleasure to serve you."
"It... It sounds dirty," namumulang napaiwas siya ng tingin. Napapapikit rin siya ng tumawa si Ren. Kinurot niya ang sarili dahil sa hindi kaaya-ayang opinyong lumabas sa bibig niya.
"Silly. I didn't mean anything dirty. Now, I wonder what you are thinking right now. Dare to tell me?" tudyo ng binata kaya mas lalo siyang nakaramdam ng hiya at napasiksik sa may pinto ng kotse.
"Forget it," iwas ni Sofia.
Narinig niya ang malutong na tawa ni Ren kaya napangiti nalang siya. What she can brag about this man is that he's not too rush. Sinabi nitong maraming taon na ang nasayang nila but he still take everything slowly. Oo, minsan, nilalandi siya nito. May lantarang hawak sa kamay niya kapag naglalakad sila, may mabilisang kapit sa beywang niya kapag napapansin nitong may ibang lalaking nakatingin sa kanya at may panakaw na halik ito sa noo at pisngi niya. Pero kung sasabihin niyang hindi pa siya nito nahahalikan sa labi ay siguradong walang maniniwala.
"You're such a tease. How I wish I could kiss you right now," he suddenly turned his gaze at her. He's smirking while deeply staring, trying to catch her eyes.
"Ren! Eyes on the road!" she shrieked. Hindi niya ito nilingon at baritonong tumawa lang ulit ito.
Pagkalipas ng ilang sandali ay pinarada ni Ren ang sasakyan sa labas ng gate ng isang bahay. Mabilis itong umibis at agad umikot sa kabilang side upang pagbuksan ng pinto ng kotse si Sofia. Tinanggap niya naman ang nakalahad na kamay nito at lumabas na rin siya.
"Are you going home right away? W-Would you like to drink first?"
Mabilis na iling ang natanggap niyang sagot mula kay Ren. Napatawa naman si Sofia. Because believe it or not, hindi pa ito nakakapasok sa bahay niya kahit isang beses lang. Hinahatid lang siya nito hanggang sa labas ng bahay niya. Of course, he's a man and she's living alone. They also have a mutual understanding. But he respected her so much. And that's how she falls deeper to him.
"I am very careful not to bridge the boundary you set, Sofia. Don't you ever mention what you just said to me. Never again... until the right time comes."
Ironically, it's very obvious that she loves him. Pero tatlong buwan na ang lumipas pero hindi niya pa rin ito sinasagot. Honestly... she really wanted to give her yes already. Ngunit hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin. Hindi naman kasi ito nagtanong sa kanya. She's just waiting for him to ask 'Will you be my girlfriend?'. Ang awkward naman kung bigla nalang niyang sabihin na 'Sinasagot na kita.'
"Fine," she chuckled. "Be careful on your way home."
"I will. But go inside first. Aalis lang ako kapag nakapasok ka na."
Mas inilapit ni Ren ang sarili kay Sofia. Then he gently carees her face. Their eyes met each other and it locked up. Unti-unting kumilos ang mukha nito pababa sa mukha niya kaya napapikit siya. Hahalikan na ba siya ni Ren? Mangyayari na ba ang first kiss nila?
"Goodnight."
Napayamot ang mukha ni Sofia ng dumapo ang labi nito sa noo niya. Walang kontrol sa sariling napabuntong-hininga siya at napaikot ng mata. Natauhan lang siya sa katangahang nagawa ng marinig niya ang mahinang tawa ni Ren.
"Please be aware with your actions, Sofia. Baka hindi ko na mapigil ang sarili ko at may magawa akong... pwede mong magustohan."
Nag-iinit ang mukhang hinampas niya ito sa may dibdib. He still chuckled then pinched her cheeks. Napangiti naman siya dahil sa kilig. Goodness! Hindi niya alam kung magsisisi ba siyang nasayang ang teenage life niya, kung bakit ngayon lang niya naranasan ang ganitong pakiramdam. Kung alam niya lang sana... Oh, wait a moment. Kung bibigyan siya ng pagkakataong ibalik ang oras ay pipiliin niya pa ring hintayin si Ren kahit ano man ang mangyari.
"Pasok na," mahinang tulak nito sa kanya.
"Mag-ingat ka," paalala niya ulit habang mabagal na naglalakad palayo, pero nakalingon pa rin kay Ren.
"I promise. Susunduin pa kita bukas, remember?"
"Hmn," she nodded in satisfaction.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...