DAGDAG dalawang taon na naman ang sinayang ni Ren. Hindi niya pa rin magawang ipahanap si Sofia. Subalit sa mga na iyon na lumipas, aaminin niyang lihim siyang umaasa na biglang mag-aabot ang kanilang landas. Ang nakakalungkot lang, hindi naman iyon nangyari.
Ginugol niya nalang ang sarili sa pagtatrabaho. Kahit maraming babae ang nagpaparamdam, wala siyang pakialam gaano man ito kaganda, katalino, kasexy o kasikat. Ang sarap niya mang e-untog sa pader, si Sofia lang ang gusto niya. Wala ng iba pa.
"Hindi ko alam kung ano pa ang hinihintay mo, Anak. Wala ka bang planong magkapamilya? Matanda na ako. Gusto ko ng makita ang magiging apo ko. Kaya kung wala ka ng planong harapin pa si Sofia, maghanap ka nalang ng iba," maktol ng kanyang ina.
Nakahiga na siya sa kanyang at handa ng matulog nang bigla nalang itong pumasok para pagsabihan siya. Bumangon si Ren at hinarap ang Mama niya.
"Mas lalong ayokong maghanap ng iba, 'Ma. Si Sofia ang gusto ko. Hindi na magbabago pa ang isip ko," himutok niya.
"At ano ang gusto mo? Na maging huli na talaga ang lahat? Hindi rin biro ang maghintay, Ren. Pwede kang matiis ni Sofia, pero pwede ring hindi."
"I let fate to link us together again, 'Ma. Gusto kong ipaubaya sa tadhana kung para ba talaga kami sa isa't isa."
"Sometimes, it works. But sometimes, you need to pull some strings to make it happen. Kung sobrang tagal na, you need to take action if you don't want to miss an only chance."
Napabuntong-hininga si Ren. Tama ang kanyang ina. Problema niya talaga ay ang sarili niya.
"I'll try."
"Ewan ko sa'yo, Ren. Bahala ka na sa buhay mo."
"Stop worrying about me, 'Ma. Don't stress yourself. Lalo na't malapit na ang birthday mo."
"Yeah, right. Speaking of my birthday, I want a dress from the botique one of our client's recommended. Can you buy it for me?"
"Of course."
"Okay. I'll go now. Goodnight, Son. Sleep tight."
"You too, 'Ma. Goodnight."
…
Kanina pa nakatayo si Ren sa labas ng botique na gustong bilhan ng damit ng kanyang ina. Nakatingin siya sa pangalan nito at paulit-ulit na sinasambit iyon.
"Reiss Fashion Trend."
"Sir, hindi ka ba papasok?" hindi nakapagpigil na tanong ng sekretarya niyang nasa likuran niya.
"Ah, pasok muna tayo sa loob," utos niya dito at agad naman itong sumunod sa kanya.
Inilibot niya ang kanyang paningin. Marami ngang magagandang damit pambabae ang naka-display sa botique na ito. Minimalist yet fancy ang design ng store. Habang napaka-unique naman ng mga style ng mga damit. May mga item pa na pwedeng mag-personalized.
Lihim na namangha si Ren at pinagpatuloy ang pamimili ng damit. Hindi niya tuloy napansin ang namamangha ring tingin ng mga sales lady sa kanya at ang pagsagot ng sekretarya niya sa tumawag sa cellphone nito.
"Pardon me, Sir. Nasa lobby na daw po si CEO Kang."
"Let's go then," mabilis na sagot niya dito.
Huling sulyap ang ibinigay ni Ren sa damit na natipohan niya para isuot ng kanyang ina sa birthday party nito. Tinandaan niya ang istilo nito at sinabi sa sarili na babalikan niya iyon. Pagkalabas nila ng botique ay dumiretso na agad sila sa parking lot.
Kakapasok lang ni Ren sa backseat ng sasakyan nang dumating ang isang kotse. Nagba-backing na ang sekretarya niyang hawak ang manubela kasabay ang paglabas ng isang babae mula doon. Wala sa sariling napako ang tingin ni Ren nang makita niya ito.
She looks witty and confident yet feminine. Bagay na bagay dito ang suot nitong formal dress. Ang maganda at mahaba nitong buhok ay marahang sinasayaw ng hangin. Habang ang mukha naman nito ay hindi maipagkakailang… napakaganda talaga.
Napaigtad si Ren nang biglang umandar ang sinasakyan niya. Bumalik rin sa normal ang pag-iisip niya mula sa pagkakahipnotismo sa nakitang babae kanina. Na labis siyang ikinagulat.
Maliban kay Sofia, ngayon lang ulit siya nagka-interest sa isang babae. Nagtataksil na ba siya? Mabilis siyang napailing at napaayos ng upo.
"Raffy."
"Yes, Sir?"
"May naaalala ka bang Reiss na naging kliyente natin?"
"Hmn… Wala po, Sir."
"Hindi ko alam kung pangalan o apilyedo ito, parang familiar lang kasi sa akin."
…
"Ma, napuntahan ko na pala ang botique na sinabi mo," sabi niya sa kanyang ina habang nagdi-dinner na sila.
"Really? So, how was it? Totoo bang magaganda ang designs at quality ng mga damit nila?"
"Yes, 'Ma. I was amazed. Hindi nga ako makapaniwala na hindi sikat ang botique na 'yon."
"Sabi sa'kin ni Mrs. Reyes, two years palang daw ang botique. Pero may mga branches na sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Walang advertisement sa tv kay hindi known sa masa. But it's famous in upper class society. Not branded but kapansin-pansin daw ang creativity ng designs ng kanilang mga damit."
"I agree with you, 'Ma," ayon niya dito. "So, be surprised. Pinakamaganda ang pipiliin ko para sa'yo."
"Thanks, Son. I'll be looking forward for your gift."
"B-By the way, 'Ma," pag-aatubili niyang sabi ng may maalala siya. "Do you… remember Sofia's surname?"
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...