CHAPTER 6

26 2 0
                                    

PARANG teenager na kinikilig pa rin si Sofia mula noong makuha niya ang number ni Ren. Halos taga-oras ay tinitext niya ito, pero syempre, tungkol sa order nito para hindi masyadong halata. Nais niya rin sanang tagalan ang paggawa ng damit ngunit dalawang linggo lang ang palugit nito kaya minadali naman niya. She's still professional after all.

Ang ikinalulungkot niya lang ay isang tanong, isang sagot lang ang reply nito. Sinubokan niya pang tawagan at sinagot naman siya ng dalawang beses pero sa mga sumunod na tawag niya, ring lang ng ring. Hanggang sa natapos na ang paggawa ng damit na hindi niya na ito nakausap ulit. Pagkatapos mae-deliver ang item ay agad naman niyang natanggap ang payment nito.

She assumed but expectedly... wala siyang nareceive na invitation para sa birthday ng ina nito. For him, they just had a seller-buyer relationship. Siya lang ang nakakaalala na childhood sweethearts sila, na may pinangako sila sa isa't isa. Naimbitahan si James ngunit timing naman na may overseas business meeting ito kaya hindi makakapunta kaya mas lalo siyang nawalan ng pag-asa.

Kaya naisip niyang ipaalala nalang kay Ren ang lahat. Gusto niyang isumbat dito na paasa ito dahil hindi nito binigyan ng importansya ang usapan nila. Kung hindi siya nito pinangakoan, hindi na sana siya naghintay ng napakahabang panahon.

Pinuntahan ni Sofia si Ren sa kompanya nito. Ngunit unang beses pa nga lang, sinabihan na siyang may meeting daw ito 'out of town' kaya hindi niya ito nakaharap. Dahil may trabaho din naman siyang dapat atupagin, bumalik ulit siya pagkalipas ng tatlong araw. Pero may business trip ito sa ibang bansa naman ang sagot ng secretary nito sa kanya.

"What's with your eyebags, Sofia?! Nakalimutan mo ba kung paano matulog?" kikay na tanong ni Gwen sa kanya.

Nasa bahay sila ni Jenny na kakauwi lang galing outing kasama ang husband nito. Ngayon lang din nagka-free time si Gwen mula noong makabalik ito galing Paris, kaya nakapagdesisyon silang mag-bonding.

"Hindi ka na rin daw pumapayag sa mga invitations ni James," dagdag naman ni Jenny.

"Pagod ako, girls. 'Di ko kailangan ng sermon niyo."

"Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo after our last meeting? You look really haggard," nag-aalalang tanong ulit ni Gwen.

"Tinanong mo pa! Oh, ano, may lovers quarrel ba kayo ng trabaho mo?" Sabay pang humalakhak ang dalawang kaibigan niya sa sinabi Jenny. Ngumiti lang siya bilang sagot at inubos ang hawak na pizza.

Kung alam niyo lang. Hays. Sorry, girls. Nahihiya lang talaga akong sabihin sa inyo ang lahat.

"Okay, let's stop talking about work and boys. Mag-enjoy nalang tayo! Who wants to swim?"

"Sofia!/Gwen!" masiglang sagot nilang dalawa. Parang mga batang nagtakbuhan pa sila sa may pool area dala ang mga pagkain.

BUMALIK na naman siya sa opisina ni Ren pagkalipas ng isang linggo. Ang inaasahan niya ay makakaharap na niya ito. Ngunit katulad ng una at pangalawang subok niya, wala na naman daw ito. Hindi naman agad siya sumuko sa laro ng tadhana dahil inaraw-araw na niya ang pagpunta.

"I'm sorry, Ma'am. Sobrang busy po kasi ni Sir, eh."

Nanlumo si Sofia sa narinig. Lage nalang wala or busy ang amo nito kapag pumupunta siya. She already know that it's not a coincidence. Almost a week na siyang pabalik-balik. Hindi naman siya bobo upang hindi malaman na ayaw siyang harapin ng lalaki. Ngunit bakit? Gusto niya lang naman itong makausap.

"Miss, I just want to talk to him. Can I set an appointment?"

"For what business matter po?"

"It's personal."

"Sorry, Ma'am. Di po pwede, eh."

Wala siyang nagawa kung hindi ang tumalikod. Hindi naman siya pwedeng magalit at magwala. Pasensyosa siyang tao. Pero kung gusto ni Ren ng chasing game, ibibigay niya ito sa lalaki. Siya ang pusa, ito ang daga. At sisiguradohin niyang sa huli, makukuha niya rin ito. Hindi siya papayag na mauuwi lang sa wala ang lahat ng paghihintay niya.

"Nakaalis na?"

Mabilis na nagtago sa malaking jar si Sofia, hindi kalayuan sa desk ng secretary ni Ren. Napagtanto niyang lumabas galing opisina ang lalaki sa pagkakaalam na umalis na siya.

"Yes, Sir."

"Good. I really don't know what she is up to. But she's so annoying. Don't you ever let her know where I am. That type of woman irritates me a lot."

Wala naman sigurong tao ang hindi masasaktan kapag nalaman mong iniiwasan ka ng taong mahal mo. Mabigat ang loob na lumabas siya sa building ng kompanya ni Ren. At parang sirang plaka na paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang mga sinabi nito. He misunderstood her actions. Kailanman ay hindi pumasok sa isipan niya na sa ganitong sitwasyon mauuwi ang kagustohan niyang makausap ito.

She didn't expect that he would treat her like a cheap woman after their reunion. Hindi pa nga nito nakilala ang kasalukuyang Sofia, hinusgahan na agad siya. Kung ganoon talaga ang tingin nito sa kanya, so be it, paninindigan niya.

She knows that this would be the worst decision she would ever do. Pero kung iyon man ang paraan para kumapal ang mukha niya at makayang harapin ito...

Gagawin niya.

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon