ARAW NA ng kasal nina Sofia at Ren. Nasa labas na siya ng simbahan, naghihintay sa pagbukas ng pinto. Kabadong-kabado siya. Dahil kasi sa napag-usapan nila kagabi hindi siya nakatulog ng maayos. Nawalan ng silbi ang inihandang pangpa-good vibes ng mga kaibigan niya. Pero hindi niya naman sinisisi si Alicia. Ang totoo'y masaya siyang nagkwento ito. Dahil gustong-gusto niya ng matulongan si James. Nais niyang sumaya na rin ang lalaking iyon. At sa tingin niya ay si Alicia at ang magiging anak nila ang solusyon. Hindi naman mahirap mahalin ang pinsan ni Ren, mabait ito at napakaganda pa. Noong sinabi niyang James deserved someone better, si Alicia na iyon. Inamin rin naman ng dalaga na mahal niya si James noon pa man kaya nga ito nagpaubaya na may mangyari sa kanila.
"Bride, mag-ready ka na. Start na tayo," saad ng coordinator.
Muling nanumbalik ang kaba ni Sofia. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman ngayon. Parang naiihi siya at namamawis ang kamay niyang may hawak na bouquet. Pero hindi maikakaila ang excitement niya. Sa kabila ng kaba ay nakangiti siya ng maluwag. She's very happy. Nagkatotoo na ang pinapangarap lang niya noon. Ikakasal na sila ni Ren.
Biglang bumukas ang malaking pintuan ng simbahan. Ang unang tumambad sa paningin ni Sofia ay ang nakangiti ngunit naiiyak na ina niyang maghahatid sa kanya patungong altar. Nagsimulang tumugtog ang wedding song nila na 'Always Remember Us This Way' ni Lady Gaga at nagsimula ng maglakad ang kasali sa entourage kasunod siya. Hindi alam ni Sofia kung angkop ba ang kantang iyon na ipatugtog sa kasal ngunit ramdam niya ang mga lyrics nito na tugmang-tugma sa pag-ibig niya kay Ren.
"Ang ganda ng anak ko," lumuluhang sambit ng Mama Salie nang makarating siya sa kinaruruonan nito.
"Ma, stop crying. Naiiyak rin ako. Masisira ang make-up natin. Baka ang pangit ko na pagkaharap ko kay Ren," biro niya dito. Naninikip din ang dibdib niya, pero pinipigilan niya ang pag-iyak.
"Oo na!" nakangiti ng sagot nito sabay pahid ng mga luha gamit ang hawak nitong panyo. "Tayo na, kanina ka pa hinihintay ng Groom mo."
Sabay na silang naglakad ulit. Nang dumako ang tingin niya sa harapan, nakita niya si Ren na gwapong-gwapo sa suot nitong white tuxedo habang nakatayo sa harap ng altar. Katabi nito ang Mama Cristina nila. She sincerely smiled at him kahit hindi siya sigurado kung klaro ba ang mukha niya na natatabunan ng viel na suot niya. When he smiled back at her, doon napatunayan ni Sofia na titig na titig ito sa kanya.
"Ma, naiiyak na naman ako."
"Pigilan mo. Malapit na tayo, oh."
Huminga ng malalim si Sofia. At napansin iyon ni Ren na mahinang napatawa. Siniko ito ng katabing ina pero nag-chuckle ito ulit pagkatapos ay ngumisi.
"Salie."
"Cristina.
Unang nagbatian ang kanilang mga magulang kaysa kay Sofia at Ren na nagkatitigan muna pagkalapit nila. Walang salitang lumabas sa kanilang bibig ngunit sabay na inabot nila ang kanilang kamay sa isa't isa.
"Sofia, iha."
"Ma," lapit niya sa ina ni Ren sabay yakap at beso dito.
"Ma," bati naman ni Ren sa mama ni Sofia sabay yakap dito.
"Take good care of daughter, iho."
"I will, Ma."
Niyakap ulit nina Sofia at Ren ang kanilang mga ina bago sabay na humarap sa altar habang magkahawak kamay. Agad namang sinimulan ang seremonyas ng kasal. Simula sa opening ng officiant, rose ceremony, reading, veil ceremony, cord ceremony, coin ceremony, removal of veil and cord, exchange of vows, exchange of rings and so on...
"I, Ren Elton Mendez, take you, Sofia Reiss, for my lawful wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, until death do us part."
"I, Sofia Reiss, take you, Ren Elton Mendez, to be my husband. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love and honor you all the days of my life."
Their relationship is not perfect, so as themselves. But even if they are, they will try their very best for this new chapter of their life. Pag-ibig ang panghahawakan nilang alas para makasama ang isa't isa habang buhay. Hindi man sila nagkasama sa loob ng labin-limang taon, sisiguraduhin nilang babawi sila hanggang sa kanilang huling hininga.
"By the power vested in me, I now pronounce you, husband and wife.
Groom, you may now kiss your Bride."Ren is currently staring at her deeply in the eyes. As if he's looking at her soul. But his hands are trembling while holding her veil. Kung kanina ay pinagtawanan nito ang pagiging kabado ni Sofia, ngayon ay gustong-gusto niyang tudyoin ito.
"Relax, Husband. We're finally married. Just simply kiss me now," she smirked.
"Stop teasing me, Wife. I'm not simply kissing you. I'll be kissing you with God's blessing and in front of many people."
"If you're too nervous, you want me to kiss you then?"
"ANO BA 'YAN! TAGAL NG KISS!"
"BILIS NA, GUTOM NA ANAK KO!"
"BAGAL MO, BRO!"
Napahigpit ang hawak nila sa isa't isa dahil sigaw ni Gwen, Jenny at Gio. Narinig din nila ang tawanan ng mga bisita at pati na rin ng Pari. Parehong namula ang mga mukha nila dahil sa hiya.
"Let me doー"
Hindi na natapos ni Sofia ang sasabihin dahil mabilis na sinunggaban ni Ren ang mga labi niya. He kissed her hard and deep. He even grabbed her waist closer to his body. Halos mawalan ng hininga si Sofia. Kung hindi niya tinapik ang braso nito, malamang ay hindi pa siya nito bibitawan.
"Hindi ako papayag na mauunahan mo na naman ako," he whispered in her ear kasabay ng hiyawan ng mga tao sa loob ng simbahan. "You recognized me first, you told me 'I love you' first, and you even kissed me first. Now, let me love you more than you love me, Sofia." He hugged her before she see his tears. "Please, let me. I love you so much."
"I love you too, Ren. So much." Niyakap rin niya ito ng mahigpit while her tears are rolling down to her face.
"TAMA NA 'YAN! Gutom na ang mga bisita!" sigaw ulit ni Gwen.
"Hiyang-hiya pa kanina, ngayon 'di na mahiwalay sa pagkakadikit," dagdag naman ni Jenny.
Nagkatawanan nalang sila ni Ren at inignora ang panunudyo ng mga kaibigan niya. Agad naman silang inasikaso ng photographer at nag-picture taking kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Pagkatapos ay dumiretso na sila sa reception na inahanda sa hotel na pagmamay-ari ng asawa ni Jenny na si Enrico. Marami ang pagkaing nakahanda kahit hindi naman karamihan ang bisita nila. Hindi rin nawala ang ngiti sa mga labi ng kanilang mga magulang na ganadong-ganado sa pag-aasikaso sa mga magulang ng mga kaibigan nila. Kay James dumapo ang bouquet na inihagis ni Sofia at hindi niya iyon sinadya. Na siyang ikinainis ni Gwen. Si Edward pa ang sinisi nito at pinaratangang walang planong pakasalan ang nobya. Todo suyo naman ang lalaki at sinabihan ang kaibigan niya na papakasalan ito bukas na bukas dinー pero civil muna. Nakasimangot pa si Gwen pero tumango naman bilang pagsang-ayon. Nakatanggap tuloy ito ng sapak galing kay Jenny.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME AGAIN (Completed)
RomanceNaukit sa puso at utak ni Sofia ang pangako ni Ren, ang kanyang childhood sweetheart, na hahanapin nila ang isa't isa pagdating ng araw kung saan maaari na siyang ligawan nito. Labinlimang taon ang kanyang ginugol sa paghihintay dito. Umasa na sa pa...