CHAPTER 33

27 3 0
                                    

NAPANGITI si Sofia pagkapasok niya sa loob ng bahay na tinutuloyan ng mama niya. Matagal na rin siyang hindi nakakapagbakasyon dito sa probinsya. She really love the air and atmosphere of her mother's hometown. Lumipat ang ina niya dito pagkalipas ng isang buwan niya sa college. Ang binalikan nina Ren at ng ina nito ay ang bahay na tinitirhan nila sa hometown ng ama niya. Hindi na sila umasa pang babalik ito pagkatapos sumama sa kabit nito kaya hindi labag sa loob nilang umalis doon.

Hindi na galit siya galit sa ama niya dahil pinaintindi siya ng kanyang ina. Sinabi nitong may mga taong pinagtagpo pero pero hindi nakatadhanang magkasama hanggang sa huling hininga. Her father's love towards her mother suddenly faded and after that he fell in love again with another woman. Maayos naman daw silang nakapag-usap at nagdesisyong maghiwalay bago ito sumama sa ibang babae nito. And according to her mother, it really hurts but she learned to understand, forgive and move on. Hanggang sa nakontento na itong makasama ang anak at nagpatuloy sa pagtuturo sa isang elementary school. Her mother had suitors back then even if they knew that she had an annullment, with a child. But she rejected the idea of marrying again. Sofia thought that maybe, her mother no longer trust any man again even if she said she's contented of having just her child.

Kaya ganoon nalang siya ka-affected kay James. Naiintindihan niya ang sitwasyon nito at ayaw niyang umabot ito sa puntong maging katulad ng ina niya. She's not afraid na tatandang-binata si Jamesー this will never happen because he's almost a perfect man that a lot of girls drool over (except Sofia). But rather, sa sitwasyong nito ngayon ay baka mapilitan itong gawin ang bagay na labag sa loob nito. She really wants to see him happy.

Pero hindi siya nagpunta sa probinsya para problemahin ang mga nangyari kay James at sa magulang niya. May isang damuho pang nagpapagulo ng isip niya at nagwawala ng pasensya niya. Dahil sa inis niya ay walang alinlangan siyang nag-empake kagabi at bumyahe pauwi dito kaninang madaling araw. She even blocked his phone number and social media accounts. Nagsisi siya pagkatapos pero agad ring nawala nang maisip niya ang mali nito. Hindi rin siya nagpaalam sa mga kaibigan niya. Dahil alam niyang mahahanap rin naman siya ng mga ito.

"May problema ka ba? Himalang napauwi ka," sabi ni Salie, ang ina ni Sofia. Naghahanda ito ng agahan nila habang siya naman ay nakakatitig sa kawalan habang ang mukha ay nakapatong sa dalawang kamay na nakatukod sa lamesa. Hindi siya nakikinig sa ina at patuloy sa pagkatulala.

"Sofia!" sigaw nito para makuha ang atensyon niya. Napapitlag naman siya .

"Ma?"

"Kinakausap kita. Ano bang dahilan mo at napauwi ka?"

"Ma, naman. Hindi ba halatang na-miss kita?"

"Huwag mong bilugin ang ulo ko. Kung na-miss mo ako, sana'y binibisita mo ako kahit isang beses sa isang buwan. Noong bagong taon pa yata nang huli kang umuwi. Anim na buwan na ang lumipas, ngayon mo lang ako naisipang bisitahin."

"Tinatawagan naman kita lage, ah? Kung pumayag ka lang na sa syudad na tayo tumira, hindi na sana tayo malayo sa isa't isa. Alam mo namang busy ako sa negosyo ko."

"Busy sa negosyo... Heh! Alam kong wala na sa negosyo ang buong atensyon mo. Aminin mo nalang na busy ka sa lovelife mo. Oh, speaking of it, bakit hindi mo sinama si Ren?"

Alam ng Mama Salie niya ang tungkol kay Ren. Nakalimutan niyang dalhin ang diary niya sa kanyang boarding house noong nagkolehiyo siya. Lumipat sila ng tirahan noong panahong iyon kaya nahalungkat ng ina ang mga gamit niya at nabasa nito ang notebook na puno ng sulat niya. Hindi naman ito nagalit. Naisip nitong makakatulong ang paghihintay niya para hindi siya makipagrelasyon habang nag-aaral siya. Pinaalahanan pa siya nito na kapag magkita ulit sila ni Ren habang nasa kolehiyo pa siya, paghintayin niya daw ito at sagutin kapag may trabaho na siya. Pero nang hindi pa rin sila nagkita ulit ni Ren pagkalipas ng dalawang taon pagkatapos niyang mag-aral, katulad ng mga kaibigan niya, umayon din itong bigyan ng pagkakataon si James. Ayaw nitong umasa siya sa wala at tumanda ng mag-isa.

"Tss. Bahala siya sa buhay niya. Pakialam ko sa lalaking 'yon."

"Nag-away kayo?"

"Ewan ko sa kanya! Nakalimutan ko lang magpaalam n'ong magkita kami ni James, nagalit na agad."

"Baka nagselos?"

"Ehー not sure though. Sinabi niyang hindi siya galit kay James kundi sa'kin lang. At hindi niya pinakinggan ang paliwanag ko. He even questioned his importance to my life. Nakakainis!"

Sofia's mother already knows their daily routine. So, she just explained to her the details of what happened that night. Hindi pa nga pala nito alam ang aksidenteng nangyari sa kanya. Ang sinabi niya lang dito ay nagkita na sila ni Ren noong napasama siya sa business meeting ni James, which is true. And then the former decided to pursue her kaya nagpaubaya ang huli nang malaman ang sitwasyon nila ni Ren.

Napailing ang kanyang ina pagkatapos niyang magkwento. "Sino ba naman kasing hindi magtatampo? He expected that you'll be having dinner together, na usual routine niyo na, but then nalaman niya nalang sa mga empleyado mo na umalis ka kasama ang ex-suitor mo. What's worst, wala ka man lang napadalang text kahit simpleng 'I can't go with you tonight. I'll be meeting a friend'."

"Ma! Sino bang anak mo? Why are you siding with him?" maktol niya.

"Hindi porke't anak kita ay eto-tolerate ko na ang pagkakamali mo."

"It's not my fault. He didn't give me a chance to explain further."

"Siguradong overwhelmed pa siya sa nararamdamang heartache n'ong nagkaharap kayo. If you called him right away, magkaayos na sana kayo ngayon. But what did you do? Umiwas ka. Tumakas ka. He will surely think that you're guilty."

"I don't careー"

"Baka hindi ka na talaga niya pansinin at kalimutan ka nalang. And maybe, na-turn off na din siya sa'yo. Tapos na-realize na niyang marami pa palang babae sa mundo na kaya siyang intindihin."

"Ma!" naiiyak niyang hiyaw. "Hindi niya rin ako inintindi. It's unfair!"

"I know. Pero ikaw ang may alam ng totoo. Kaya ikaw dapat ang mas nakakaintindi at umiintindi."

Natahimik siya. Naalala niya ulit ang mga nangyari bago sila nagkaayos ni Ren. Tama ang kanyang ina. Hindi niya dapat ito sinisi sa maling reaksyon at turing nito sa kanya noon. She gave him the wrong expression first. Sana nga hindi siya sumuko na makausap ito ng maayos at masinsinan. Inakala nitong may relasyon sila ni James and she was cheating on him kaya nagalit ito sa kanya. In a sense, he's better to be called a good man for not stealing another man's woman.

"Oo na. Kasalanan ko na," parang batang iyak niya. Natawa ang kanyang ina at ginulo ang kanyang buhok.

"Sus! Ignorante ng batang 'to. Oh siya, okay na ring nagkatampohan kayo. In this way, mas makikilala niyo ang isa't isa at matututo kayong e-handle ng tama ang relasyon niyo. Bonus na ang pagbisita mo sa akin. Just let all the doubts go at isipin mo nalang na nagbabakasyon ka rito."

"Thank you so much, Ma," yakap niya sa ina.

"My pleasure, dear daughter. Sige na, kumain na tayo."

REMEMBER ME AGAIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon