Mabilis na nagsalin ng kape sa tasa si Alex at agad itong ininom.
"shit!!"
Napa mura siya dahil sobrang init nito at dahil hindi na niya ito mahihintay na lumamig ng konte ay iniwan niya nalang ito, nagpatawag kasi ng emergency meeting ang Director General ng PNP at kailangan niyang dumating sa station bago mag alas otso ng umaga.
Pagdating niya sa station ay hayon nanaman ang mga mata ng mga kasamahan niya.
"Good morning ma'am" bati ni tuazon na nakangisi pa.
"Maganda na sana ang morning Tuazon kung hindi mo lang ako hinuhubaran sa mga tingin mo!" biro niya dito
"Sus itong si Rodriguez oh, magaling lang talaga akong mag appreciate ng kagandahan at lalo na sa kasexyhan" nakangisi parin ito.
Ang uniporme niya kasi ay pencil na hanggang tuhod at hapit na hapit ito sa kanya kaya na emphasize ang gifted niyang pang- upo at ang upper uniform naman niya ay fit na fit sa kanya kaya lumilitaw ang kurba niya, kaya hindi niya ito masisisi kung bakit ganun nalang iyun kung makatingin sa kanya, buti pa nga yun nakikisakay sa biro niya ang iba eh nakatitig lang, ang creepy.
Pagpasok niya sa conference room ay nandoon narin ang mga kasamahan niya sa CIDG at ilang minuto lang ay dumating na rin ang heneral. Agad silang nagsitayuan at sumaludo dito.
"Sir Good morning Sir!" sabay sabay nilang bati dito.
"Carry on" sagot ng heneral hudyat para maupo silang uli.
"Good morning everyone, nagpatawag ako ng meeting na ito dahil sa isang pangyayari na kailangang tutukan natin ng maigi." panimula ng heneral. "Kilala niyo naman siguro si Mr. Fidel Monteverde?"
Tumango ang lahat, sino ba naman ang hindi makakakilala sa taong yun eh yun ang pinaka mayamang tao sa Pilipinas, halos lahat ng negosyo pagmamay-ari nito o kung hindi man sa kanya ay may share siya.
"Kailangan niya ng tulong natin ngayon gentlemen." dugtong ng heneral.
"tssssss GENTLEMEN???? helloooo General may BABAE po kaya dito oh" reklamo ni alex sa isip nya, siya lang kasi ang babae sa grupo nila.
"Yesterday his only son Xader Vougn Monteverde was almost kidnapped, ang anak niyang nagapapatakbo ng kanilang mga kompanya ngayon, at dahil dito i want everyone here to focus on this case.Humingi na siya ng tulong sa atin para malaman kung sino ang gustong dumukot sa anak niya."
"Sir, i think ang anak nanaman po ni Fidel Monteverde ang target ng mga kidnap for ransom group" si Robles.
"Yes, kaya gusto ko alamin niyo kung anong grupo ang nasa likod nito, gusto kong mahuli ang grupong ito as soon as possible. Dahil pag may masamang mangyari sa anak ng heneral, sasabihin ko sa inyu malalagot tayo. Napaka maimpluwensyang pamilya ng mga Monteverde kaya gentlemen, ayusin niyo ang trabaho niyo." utos ng heneral.
Agad tumayo ang lahat at sumalodo sa heneral.
"Permission to leave sir!" sabay nilang saad
"Okay you may leave now." Lalabas na sana si Alex kasama ang iba.
"SPO1. Rodriguez, maiwan ka muna dahil iba ang ibibigay ko sayong assignment."
Sanay na si Alex sa kung anu mang assignment ang maibigay sa kanya ng CIDG at sisiw lang sa kanya yun kaya kampante naman siya. Hindi naman sa sobrang galing niya, peru pag may trabahong ibinibigay sa kanya ay pinag-iigihan lang niya talaga para matapos agad.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...