CHAPTER TWO- FIRST DAY

2.5K 69 3
                                    

   8:00 am just right in time  pagdating ni Alex sa building ng mga Monteverde, complete uniform siya today ang iba lang may hila-hila siyang maleta na hindi niya alam tuloy kung ano ang tingin ng mga tao sa kanya, police parin kaya? O naliligaw na flight attendant na ewan. Peru pake ba niya sa tingin ng iba sa kanya, basta trabaho ang ipinunta niya, hindi ang tingin ng iba.

"Excuse me." Tawag ko sa isang babaeng may kung anong inaatupag sa harap ng computer.

"Yes? how may i help you?" Tanong nito na pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Nandiyan na si Mr. Monteverde?"

"Yes, just a minute ago" Sagot nito na sa maleta ko na naman tumingin.

"Pwede ko ba siyang maka-usap?" Nakakairita na tong babaeng to ha, pag siya tiningnan ulit ako mula ulo hanggang paa, dudukutin ko na mata niya talaga.

"Do you have an appointment?" Tanong nito sakin na pumapasada ng tingin sa notepad nito.

Bakit ba kasi hindi ako kinuha ng appointment ni Daddy, nagmamadali itong mag-simula A6ko ehh hindi naman nag handa, sa isip ko.

"I don't have any appointment but maybe he is expecting me today?" Aiii naku babae ka kung pinapasok mo nalang kasi ako eh di kanina pa ako nandoon sa loob at di sana'y nakabalik kana sa inaatupag mo.
Reklamo ko sa isip ko.

Hindi niya ako sinagot peru kinuha nito ang phone at may tinawagan at pagkatapos ng isang daang taon, sa wakas pinapasok nadin ako.

Hila-hila parin ang maleta ko pumasok na ako sa loob, medyo na appreciate ko ang office niya maganda, nangingibabaw ang masculinity peru in fairness mabango at maaliwalas.

Pagkatapos libutin ng aking mga mata ang opisina. Sa taong pakay ko naman itinuon ang mata ko. Busy ito sa kung ano ang ginagawa nito, may mga pinipirmahan ata.

"Eheeemmmm!" My way of getting his attention.

***************

Xander's Pov

Sa lahat ng ayaw ko, ay yung iniisturbo ako, lalo na pag may ginagawa ako. Peru heto mayroong kung sino sa harapan ko at parang hindi marunong sumunod sa simpling utos ko.

Okay sino tong naglakas ng loob na istorbohin ako? hindi ito ang secretarya ko, malamang dahil alam nito ang mga ayaw ko. Una kong napansin ang suot nitong black shoes, ang mapuputi nitong binti, ang suot nito na hapit na hapit dito na bagay na bagay sa hubog ng katawan nito, until i saw her familiar name plate "Rodriguez" nang mabasa ko iyon dumiritso ako ng tingin sa mukha nito, ang kanyang maamong mata, natural na mahahabang pilik mata, matangos na ilong, pulang labi. All in all ang babaeng pakialamera.

"Ikaw???" Sigaw ko.

"Spo1 Rodriguez at your service sir." Pakilala nito.

Siguro wala itong maalala sa nangyari kagabi at wala man lang itong kahit kunting reaksyon.

"Bakit ikaw?" Babae talaga? Babae ang magiging bodyguard ko?

"Ako po ang na assign  sa case niyo at magiging personal bodyguard niyo sir " Paliwanag Nito.

"No way! i thought its Alex" Reklamo ko dito. Yun ang sabi ni Dad, Alex ang pangalan ng bodyguard ko.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon