CHAPTER ELEVEN- NEWS

1.7K 59 1
                                    

Sabado, ang araw na walang pasok si Xander, ang araw ng pahinga, peru ang aga-aga may nangbubulabog  na sa cellphone ko.

"Baklaaaaaaaaa! ikaw bakla ka nung una nag deny ka, may pa wala-wala kapang nalalaman tapos ngayun kayo na pala, at may balak kapa talagang ilihim sakin ha" daldal ng nasa kabilang linya, hindi man lang ako pina sagot ng hello man lang at higit sa lahat hindi man lang bumati ng good morning?"

"Ang aga-aga bakla, gusto ko pa matulog.a" paos pa akong sumagot sa kanya.

"Hoi, Alexher Dione Rodriguez hindi ko na talaga tatanggapin yang pag deny-deny mo huh!" dagdag nito.

"Ano ba kasi yan? at ang aga-aga nambubulabog ka?" nagsasalita ako peru pikit parin ang mata ko na anu mang oras ay pwedeng bumalik sa pagtulog.

"Nagmamaang-maangan kapa talaga bakla ka, yung si Xander kayo na no? at hindi ko talaga tatanggapin ang pag deny mo talaga." napabangon ako talaga sa sinabi niya at kung kanina nakapikit pa ako ngayun dilat na dilat na ang mata ko, sobrang dilat.

"Saan mo na naman ba, nakuha yang mga balitang yan?" hindi na ako magtataka talaga kung saan nakuha ng bakla niyang kaibigan ang balitang yan.

"Subukan mo kayang mag tour sa social media bakla, nakabalandra ang mukha niyong dalawa dun." sa sinabi niya nag open agad ako ng facebook account ko, hayun ang daming nag message sakin, bumabaha ang friend request, sh*t bakit ba kasi hindi na private to.

Ang picture namin ni Xander nung naglalakad kaming magkahawak kamay papunta sa isang botique ang una kong nakita. The great business tycoon Xander Monteverde looking happy with his rumored girlfriend Alexher Dione Rodriguez, ang caption nag, scroll pa ako at hindi ako nabigo yung sa reunion naman ang nakita ko, nung sinalubong ko siya ng yakap pagkababa sa stage. "If  loving Xander is a stupidity, then i'll warmly embrace stupidity forever; ARE THEY OFFICIAL?", naman ang caption, sabi ko na nga ba e, magiging complikado na ang lahat dahil sa pagbabalandra ni Xander na kami na.

"Oh nakita ko na bakla." naghahanap ako ng palusot dito peru alam ko hindi ako paniniwalaan kaya sasabihin ko nalang ang totoo.

"Nakita mo na, tapos? ano? wala kang sasabihin sakin?" pagtataray nito sa kabilang linya.

"Hindi naman talaga kami, napilitan lang akong maging Girlfriend kuno niya kahapon dahil sa video ko na nasa kanya." paliwanag ko.

"What? may video kayong dalawa?"  sigaw nito sa kabilang linya.

"Baliw! ang dumi ng isip mo, hindi yang video na nasa isip mo bakla, kasi ganito yun." ikinwento ko na sa kanya lahat ng ugat na naging dahilan ng mga pictures namin.

"Ahh, ganun ni hindi mo man lang ako inupdate sa mga nangyayari sayo bakla ha." tampo-tampo nanaman ang peg niya.

"Busy nga kasi bakla, at mas magiging busy ako ngayun kakaiwas sa media." napahaplos nalang ako sa mukha ko.

"Ganyan talaga pag nagka boyfriend ng sikat bakla." tawa-tawa nitong saad.

"Hindi ko nga siya boyfriend." napahiga nalang uli ako sa isiping, nalampasan ko yung unang balita, ngayun meron nanaman ano na kaya ang gagawin ko.

"Good morning love." biglang pasok ni Xander sa kwartu ko, narinig yun ng kausap ko sa telepono kaya nagtitili ito.

"Wow, huh yan bang hindi boyfriend ang sarap makabati ng good morning at love pa talaga ang tawagan niyo ha, bakla ang mainit na relasyon atupagin." kinikilig kuno nitong pahayag.

"Hindi ko nga siya boyfriend." sigaw ko at ibinaba na ang telepono. Kay Xander naman ako bumaling.

"Kailangan talagang ipagdiinan na hindi mo ako boyfriend Alex?" seryoso nitong saad.

"Hindi sa ganun, kinukulit lang ako ng kaibigan ko, dahil dito." ipinakita ko sa kanya ang laptop.

"Bagay pala talaga tayo no?" kung kanina seryoso siya ngayun balik sa kapilyohan nanaman ito. Ang sarap niya talaga hampasin ng kahit anong matigas na bagay.

"Seriously Xander? wala ka bang gagawin diyan?" shift kami ako naman ang seryoso ngayun, umupo narin siya sa kama.

"Lilipas din yan." aba't wala talaga siyang pakialam, nasanay na siguro, peru ako hindi, hindi ako sanay sa ganito.

"Lilipas? paano kung bago pa lumipas yan e, kinuyog na ako ng mga babae mo." reklamo ko sa kanya.

"Dont worry okay? magpapa press-con ako mamaya, dapat nandun ka." saad niya habang nakatingin sakin.

Press-con? makakatulong kaya yun? o mas makakadagdag pa sa problema. Tss ano ba kasi tong pinasok mo Alex, ang gulo na. Ano nalang ang sasabihin ni daddy at mommy sakin, sa mga nangyayari?, ano nalang ang sasabihin ng mga kasamahan ko?, ang landi ko na siguro sa tingin nila.

Papasok kami ngayun sa isang hotel kung saan gaganapin ang press-con, sobrang higpit ng hawak ko sa kamay ni Xander dahil ang daming tao, mga taga media at mga nakiki-chismis lang.

Nang maka-upo na kami sa harap ng maraming tao, na pawang samin nakatutok ang mga cellphone, Camera at microphones, nagsimula nang magtanong ang isang taga media.

"Mr. Monteverde official na po ba kayo ni Ms. Rodriguez ngayun?" kay Xander sila nakatuon habang ako, sobarang kaba anh nararamdaman ko.

"Gusto ko pong malaman ninyung lahat, na Alex is special to me." napalingun ako sa kanya.

"She never fails to make me happy everyday, she never fails to put a smile on my face everyday." dagdag niya.

What the hell is he talking about? bakit niya sinasabi to? nagugulohan na ako sa pinagsasabi niya.

"So official na po kayo sir?" tanong ng isang reporter sa ibang network.

"Whatever we are now, we are happy, and i hope everyone here will be happy for us also." sobrang bilib na ako kay Xander, sa mga sinasabi niya na parang totoo talaga, at kung makapa cute pa ito sa harap ng camera huh, artista talaga walang duda.

"Kayo po Ms. Alex, ano po ang masasabi niyo?" tanong ulit ng ibang reporte.

Hindi ako nakagalaw, hindi ko alam ang sasabihin ko kaya napahawak ako ulit ng mahigpiy kay Xander.

"Pasensiya na, hindi kasi siya sanay humarap sa camera." salo ni Xander sakin.

Marami pang mga tanong ang ibang reporter peru si Xander na lahat ang sumagot, kaya nasa tabi lang niya ako pinipilit ngumiti sa harap nilang lahat.

Ano ang plano mo Xander? akala ko ba aayusin mo to? bakit mas lalo mong pinapagulo? ano ba talaga?
Mas lalo lang atang lumala ang lahat dahil sa pinagsasabi niya, my goodness sana hindi nalang din pala siya nagpa presscon kung ganito din gagawin niya.

**********************

Please touch the star for me.

thank you

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon