Hi readers pasensya na sa mga wrong grammars, tao lang nagkakamali and sa mga errors din....
************"*"**
Sobrang na enjoy ko ang lakad namin ng bakla, kahit awkward na awkward ako sa mga taong laging nakamata sakin may kumukuha pa ng picture peru hindi ko nalang talaga sila pinansin. Akalain pa nilang ang OA ko pag sinaway ko sila, bahala na sila.
Gabi na ako nang makarating sa unit ni Xander naipit pa ako sa traffic, hustle talaga. Pagbukas ko ng pinto nadatnan ko si Xander na naka-upo sa couch sa sala, nakahalukipkip ang mga kamay at mukhang galit.
"Where are you from?" malamig nitong tanong.
Gosh!! at ang lakas ng loob nitong tanungin ako ng ganun? ehh siya nga yung basta nalang akong iniwan at wala man lang ni-ha, ni-hong sinabi. Reklamo ko sa isip ko.
"It's my day-off sir, so i think i don't need to explain everything to you." hindi ko nalang siya tiningnan sa mata dahil baka ma hypnotise ako, at bago pa siya makasagot ay iniwan ko na siya at deretso ako sa kwarto.
"Ay ang kapal talaga! akala mo kung sinong magtanong, eh siya pa nga tong dapat tanungin kung ano ako sa kanya! gosh ba't ko ba to napasok." baliw na kung baliw dahil kinakausap ko sarili basta wala ako sa mood yun lang. Naputol ang pag drama ko nang may kumatok, ayaw ko siyang makita, ayaw ko siyang maka-usap dahil alam ko ta-traydorin ako ng lahat ng parte ng katawan ko.
"What!!!" sigaw ko sa kanya.
"Open the door!" sigaw din nito.
"Nagbibihis ako!" Yeah masamang magsinungaling peru nagawa ko ngayun kaya sorry lord.
"Nagpa-deliver ako ng food, lets eat dinner together." sigaw uli nito.
"No, i'm full thankyou." okay quota na ako sa pagsisinungaling.
"Lumabas ka nga!" galit na ito talaga.
Hindi ko siya sinagot humilata nalang ako sa kama, at tumigil naman ito sa kakakatok nagsawa siguro. Napagod din ako sa kakagala kanina no, makatulog na nga.
Bubukas na sana ang pinto ng aking magandang panaginip nang may bumuhat sakin.
"Hey! put me down will you?" tinatadyak tadyak ko pa ang aking mga paa at hinahampas ko pa siya peru wa epik! Me sa bato ang katawan ng taong to.
"You liar! nagbibihis daw eh, hindi pala. Kung ayaw mo, tumanggi ka agad di yung magsisinungaling ka pa!" reklamo nito habang buhat-buhat parin ako.
"Ano ba kasi pakialam mo kung ayaw ko kumain hah!" sobra na talaga tong lalaking to ha, susuntukin ko na talaga to pag nagkataon.
Nang ibaba niya ako ako sa mesa ay nakahinga ako ng maluwag. Gutom naman talaga ako kahit kumain na kami kanina ng best friend ko bago kami umuwi. Peru ayaw ko lang talaga makasabay tong damuhong to. Peru heto ako ngayun naka tunganga sa kanya habang inihahanda ang pagkain at nang matapos ito binigyan ba naman ako ng angry face na ikina-imbyerna ko talaga.
"Eat." saad nito na pinipigil na magtaas ng boses.
"You heard me right? im full kaya ayoko!" galit ka? sigi galitin pa kita.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...