CHAPTER TEN- HOMECOMING

1.8K 66 2
                                    

Hindi na kami nag hintay ng 5 pm kanina nagyaya kasi ang boyfriend ko daw na mag-shopping kami ng susuutin sa homecoming nila, ayun buong araw na pinagpawisan ang kamay ko dahil hindi niya ito binibitawan kahit saan kami pumunta.

"Love matagal ka pa ba?" ayun umandar na naman ang pagka mainipin niya.

"Wait lang." sigaw ko sa kanya, nasa kwarto kasi ako ng unit niya, isinusuot ko palang ang gown na pinili niya para sakin. Kulay itim ito nung una hindi ako pumayag nang piliin niya yun, sobrang open kasi sa likod at may mahabang slit sa gilid na magpapalitaw ng legs ko peru nagpumilit siya kaya hindi na ako tumanggi.

"Tara na." yaya ko sa kanya paglabas ko ng kwarto. Hindi naman siya gumalaw at nakatitig lang sakin.

"Love, magpalit ka nalang ng gown." seryoso niyang saad sakin.

"Nagbibiro ka ba? pinili pili mo to tapos hindi mo ipapasuot sakin." yan kasi ayaw makinig sakin, sabing sobrang ganda ko pagsinuot ko to, hoi!!! wag mag feeling Alex ha.

"Baka pag pyestahan ka ng mga maniac kong ka batch sa high school sa suot mo." nag-aalala niyang saad.

"Hindi na ako magpapalit, at hindi mo naman ako iiwan dun diba?" bago pa siya nakasagot hinila ko na siya palabas.

Ang excited kaninang Xander ay nawala nalang bigla, naging tahimik kasi ito habang papunta kami sa venue ng homecoming nila.

"May problema kaba love?" hala nasanay na ako sa kakalove sa kanya, siya naman nauna e.

"Yang suot mo kasi." ayun lumabas din.

" Sino ba pumili nito?" tanong ko sa kanya.

"Ako" wala sa mood niyang sagot.

"O, see? ikaw ang pumili so dapat suotin ko kasi pinili mo for me." malambing kong saad sa kanya. Kailangan ko siyang aluin mahirap na maging bugnutin ito pag dating sa venue ng homecoming nila.

"Fine, basta pag sinabi kong isuot mo ang coat ko isusuot mo hah wala dapat reklamo." ma awtoridad niyang saad sakin na ikinangiti ko naman, para talaga siyang conservative na boyfriend kung umasta.

"Yes sir." sumalodo pa ako sa kanya na nagpabalik sa mga ngiti niya kanina.

Sa isang hotel ginanap ang homecoming, kami ata ang pinakahuling dumating kaya nasa amin ang mga mata pagpasok namin, napahigpit naman ako ng kapit sa kamay ni Xander, kinakabahan kasi ako sa mga titig ng mga kalalakihan doon, tama nga siya kanina.

"See? sinabi ko na sayo e, peru dont worry hindi kita iiwan." naramdaman pala niya ang gusto kong ipahiwatig.

Ayun naglibot kami, pinakilala niya ako sa mga kabatch niya bilang girlfriend niya at masaya ako dun no, sino bang hindi. Halos lahat ata ng mga ka batch niya ay porung mga may sariling negosyo at pawang anak mayaman. Peru parang mas successful naman si Xander sa kanila, feel ko lang.

Napatigil kami sa isang table dahil nandoon si Carl at isang babae na familiar sakin.

"Dude, buti nakarating ka." bungad ni Carl samin na agad tumayo at nag shoulder bump kai Xander at bumiso sakin, habang ang babae ay nakatingin lang samin.

"Pumayag kasi si Alex at gusto niya makilala mga kabatch natin kaya pumunta na kami." ayun hinila nanaman ang pangalan ako.

"Let's have a seat" anyaya ni Carl samin. Agad naman akong inalalayan ni Xander sa pag-upo saka ito tumabi sakin.

"By the way Alex, meet Sarah Chua high school friend namin ni Xander." pakilala ni Carl sakin sa babae na ngayun ay naalala ko na kung saan ko nakita, yung gabing muntik ko nang mabalian ng boto si Xander ito ang babaeng kasama niya, ano kayang meron sa dalawang to?.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon