XANDER'S POV
Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa problema sa branch ng hotel ko dito sa LA, kailangan ko pa sanang magtagal dito para maayos ang lahat at maging stable ulit ito bago ako umalis, peru kailangan ako ni Alex.
She's acting so weird sa mga nagdaang araw, lagi niya akong tinatawagan, text ng text at hinahanap ako kahit kakahatid ko palang sa kanya. Actually gusto ko naman na ganun siya ramdam kong mahal niya ako at dahil sobrang mahal ko din siya, heto ako ngayun lulan ng private plane ko at pauwi nang Pilipinas, hindi man lang ako naabutan ng isang araw sa LA dahil sobrang hindi ako mapakali dahil umiiyak si Alex kanina at ayoko na ganun siya, nasasaktan ako pag nakikita kong tumutulo luha niya, gusto kong magwala at pumatay ng tao na dahilan ng pag-iyak niya.
Pagkatapos ng ilang oras na byahe nag land din sa wakas ang eroplano, 7 am palang umaga kaya umuwi muna ako sa unit ko para maligo dahil alam ko namang hindi pa gising si Alex, sa mga nagdaang araw kasi late siya lagi gumigising which is weird also.
9 am na nang mararing ko ang condo ni Alex, hindi ko na siya tinawagan kasi gusto ko ma surpresa siya. Pagbukas ko ng kwarto napangiti ako nang makita kong mahimbing na natutulog si Alex at mukhang hindi pa ito nakapagpalit ng damit. Sumampa ako sa kama at niyakap siya muka sa likod, tukog mantika talaga hindi man lang nagising nang yakapin ko ng mahigpit. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko.
I love this girl sobra, kahit selosa ito at brutal minsan mahal ko parin siya, siya kasi ang nagpabago sakin tiniis niya ang kasungitan ko at minahal niya ako ng sobra. Kahit nasaktan ko na siya tinanggap parin niya ako ng buong puso.
"Hmmmmm..." ungol nito at humarap sakin at isiniksik ang mukha sa leeg ko, ganito siya isisiksik ang mukha sa leeg ko at sisinghutin ako.
Akala ko gising na siya peru hindi parin pala, sobrang naninibago ako sa kanya ngayun, hindi naman siya late magising gaya ngayun alas nuebe na peru himbing na himbing parin ang tulog niya.
Halos mapatalon naman ako nang bigla nalang humikbi ang yakap yakap kong si Alex.
"Hey, whats wrong? may masakit ba love?" inalalayan ko siyang makabangon at hinipo hipo ko ang braso niya, ang binti niya dahil hindi ko talaga alam kung anong masakit sa kanya.
"You're home." bigla na lang niya akong niyakap habang humihikbi parin. Sobrang cute niya tingnan.
"Hussssshhhh, stop crying love andito na ako." ayun na naman siya sa pag amoy amoy niya sakin. "Baka maubos naman ang bango ko niyan love, sininghot mo na lahat."
"Hayaan mo na ako, ikaw kasi hindi ko alam anong ginawa mo sakin at na mimiss nalang kita lagi." ang cute niya talaga tingnan, ngumingiti habang umiiyak.
"Mahal mo kasi ako kaya ganun." peru narinig niyang tumunog ang tiyan nito. "Hindi ka kumain kagabi love?" ngumisi lang ito sakin.
"Wala akong gana eh."
"Tsssss, halika na i'l prepare food for you. Hindi ka nagdinner kagabi at late kapang nagising baka magkasakit ka na niyan." tumayo na ako peru bumalik lang ito sa pagkakahiga at nagtago sa ilalim ng comforter.
"Love? halika na kailangan mo kumain baka magkasakit ka." peru hindi parin ito gumagalaw.
"Pagod ako gusto ko matulog love " pagod? hindi ka pagod love gutom ka.
"Ayaw mo kumain?" pinameywangan ko siya.
"Ayaw." she's acting like a kid right now.
"Okay, aalis nalang ako." tatalikud na sana ako peru mabilis pa sa alas kwatrong sumampa siya sa likod ko, now she's riding in my back piggy back style.
"Kakain na po, peru sa tabi lang kita hah." paglalambing nito.
"Opo mahal kong prinsesa, dito lang ako sa tabi mo." pinaghahalikan niya ang pisngi ko.
"Iiyak talaga ako buong araw kung aalis ka na ulit."
"Ayoko umiiyak ka love, nasasaktan ako kaya hindi na ako aalis, sasamahan kita." para naman itong batang tumawa dahil sa sinabi ko.
Pinaupo ko siya sa dining table mismo, habang nagluluto ako. Nagluto lang ako ng scrambled egg, hot dog, bacon at fried rice. Namangha naman ako nang makita kong nagliwanag ang mukha niya nang makita ang pagkaing nakahanda na sa harapan niya.
"Akala ko ba hindi ka gutom?" biro ko sa kanya habang sarap na sarap siya sa pagkain.
"Ikaw kashi nag luti kaya ang sharap." sumagot pa talaga ito kahit puno ng pagkain ang bibig.
Pinagmasdan ko lang siya, she looks happy now di gaya ng sobrang lungkot na boses niya kagabi. Ano nga kayang ginawa ko sa kanya at hinahanap niya ako palagi? hindi ko naman siya ginayuma.
Nang maubos niya ang pagkain ay nalukot naman ang mukha niya at dali daling tumakbo sa banyo.
"Hey! whats wrong?" sinundan ko agad siya.
Naabutan ko siyang sumusuka kaya hinagod ko ang likod niya at hinawi ang buhok niya, halos naisuka lang niya ang lahat ng kinain niya kanina.
"Okay ka lang?" pinainum ko agad siya ng tubig at pinaupo ulit dahil sobrang hinihingal siya.
"Sumama ata tiyan ko." tanging sagot niya.
"Nagpapagutom ka kasi at kumain ka ng marami ayan tuloy." sobrang nag-aalala na ako sa kanya, noong isang araw lang sumakit din ang ulo niya.
May sasabihin pa sana ito peru tumakbo na naman ito papuntang banyo at sumuka peru ngayun puro laway nalang din ang lumalabas, hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinagod hagud ko lang ang likod niya. Habang halos isuka na niya pati bituka niya.
"Love." humikbi na nama ito.
"Dadalhin na kita sa doctor love, baka kung ano nang sakit mo." binuhat ko siya at dinala sa kwarto niya.
"No, ayoko sa doctor. Magpapahinga lang ako please dito ka lang." ipipilit ko pa sana ang gusto ko peru baka mas umiyak pa siya kaya tinabihan ko nalang siya sa kama niya at niyakap ng mahigpit hanggang sa makatulog siya.
Ano bang nangyayari Alex? may itinatago ka ba sakin? may sakit ka ba? sh*t mamamatay ako pag nalaman kong may sakit ka at hindi mo sinabi sakin.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...