Sa kakatour ko sa internet ay nahumaling ako sa mga beach and resorts na nakikita ko kaya weekend naman kinulit ko na naman si Xander. Hindi pa din kami nakakapag-usap kung ano ba talaga kami peru were good, nagkakausap naman kami, we laugh, we eat and sleep together. Peru wala kaming ano huh! wag kayo conservative ang lola niyo. Hanggang yakap nalang kami, nakakatawa nga isipin na pag tulog na siya niyayakap ko siya peru pag ako naman ang tulog pag gising ko siya naman nangyayakap sakin. Ang weird ng status namin kung meron lang sanang in a hug relationship sa facebook nag update na ako talaga promise.
"Psssst!" tawag ko sa kanya, nasa sala kasi siya ng pent house nanonood ng replay ng NBA finals, hindi matanggap ang pagkatalo ng team na manok niya.
"Bakit?" sagot niya na focus ang mata sa TV.
Inagaw ko ang remote at pinatay ang tv, saka tumabi sa kanya at nakangising hinarap siya.
"Ba't mo pinatay?" bad trip ang mukha sa ginawa ko.
"Duh! wag mo na kasing iyakan yang pagkatalo ng team na manok mo! grabe to daig pang namatayan." biro ko sa kanya na mas lalong na bad trip.
"Hindi ako umiiyak no! pinanood ko lang kung saan sila nagkamali sa game." sus nagpaliwanag pa.
"As if naman kung malalaman mo ang mali mababago ang resulta, kalimutan mo na nga lang yan at makinig ka sakin." nginisihan ko uki siya na mukha na akong timang sa ginagawa.
"Ano yun?" lumambot naman ang busangot niyang mukha.
"Beach tayo?" nag puppy eyes pa ako.
Simula kasi nang dumating kami dito two days ago, hindi man lang ako pinapayagang lumabas ng hotel, habang siya pabalik-balik ng Manila. Sobrang bored na kaya ako, rindi na rin ako sa boses ni Zia na lagi kong kausap sa telepono.
"Akala ko ba ayaw mo mag beach dahil sa binili kong bikini? nagbago na isip mo? isusuot mo na yun?" kumislap bigla ang mata ng loko sa isiping isusuot ko ang binili niyang bikini for me.
"Hindi ahh, kita na kaluluwa ko dun ay mali! kita na kaluluwa ng kaluluwa ko dun kaya big no for that, bibili nalang ako ng bago." sa sinabi ko bumusangot uli siya.
"Wag na! dito nalang tayo ayaw mo naman sa binili ko eh." tampo tampohan, hindi naman bagay sa kanya.
"Please.... please.... please Xander." sobrang paawa effect na mukha ko.
"Ayoko padin." pagmamatigas niya.
"Pleeeeaaaaassssseeee." sobra na siya kaya sumobra din ang pagmamakaawa ko.
"Kiss me here first." turo nito sa labi at ngumiti ng pilyo.
Nag-isip muna ako dahil gusto talaga mag beach, magbilad sa araw at lumangoy sa dagat, peru kung hahalikan ko siya im sure hindi din kami matutuloy dahil alam ko na kung saan kami mapupunta at ayaw ko munang mangyari yun dahil hindi ko pa alam sitwasyon ng love life namin kaya....
"Tsssss, wag na nga lang! matutulog nalang ako." inirapan ko siya at tinungo ang kwarto.
Humilata ako sa kama at nagtago sa ilalim ng comforter, hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Simple lang naman yun kailangan pa talaga ng kapalit. .
"Hey nagbibiro lang naman ako, labas na diyan sa comforter wag na magtago." saad niya na hindi ko alam kung saang banda siya basta nasa loob siya ng kwarto. "ayaw mong lumabas ha, sige ako nalang mag-isa pupunta ng beach." pagkarinig ko ng beach bumalikwas ako ng bangun.
"Talaga? mag bebeach na tayo?" sobrang naexcite ako sa sinabi niya kaya niyakap ko siya.
"Oo kaya ihanda mo gamit mo." hindi ko na siya sinagot, tinakbo ko na ang closet at nanghalungkat ng susuotin dun.
Pagkatapos ng tatlong oras na biyahe narating namin ang Logon beach sa Malapascua. Tinakbo ko agad ang tabing dagat which is so beautiful, ang maputing buhangin, preskong hangin, at ang tunog ng alon ng dagat ay sobrang nagdulot ng kasiyahan saking mga mata.
"Hindi masyadong obvious na you like the place." ani Xander na nasa likod ko na pala na hindi ko namamalayan.
Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa at mahigpit na yumakap sa kanya, medyo nabigla siya peru di kalaunan niyakap na din niya ako.
"Thank you so much Xander for bringing me here, kaya love kita eh! alam mo gusto ko." sh*t what did i just say, bat ko nasabi yun!
"Wait, ano ulit yun?" napapangiti niyang tanong sakin na kumalas sa pagkakayakap ko para makita ang namumula kong mukha.
"A-ahm wala sabi ko halika na, ayusin natin gamit sa room natin, bilis ang bagal." mabilis akong naglakad palayo sa kanya habang mas pula pa sa kamatis ang mukha.
"You look cute when you blush by the way." sigaw niya habang sumusunod sakin.
What were you thinking? why the hell did you just say that? are you out of your mind? Hindi makapaghintay Alex! na siya maunang magsabi sayo nun? hintay hintay din pag may time wag excited.
Sobrang awkward na ng feeling pagkatapos kong masabi sa kanya yun kaya hindi na ako nagsasaliya masyado.
"Halika nga!" tawag niya sakin habang busy ako sa paglabas ng mga dala kong gamit.
"Bakit?" lumapit naman ako sa kanya. Tiningnan niya ako muka ulo hanggang paa at pinaikot pa sa harap niya.
"Nasaan ba mute button mo? mukhang na on ata kanina kapa tahimik." kunot noo niyang sabi.
"Wala akong mute button dahil hindi ako robot no." inirapan ko siya at bumalik sa ginagawa ko.
Habang inilalagay ko sa closet ang gamit nakangisi naman siyang nakatanaw sakin na mas naka awkward ng feeling. Nagkakamali na tuloy ako sa ginagawa ko, ang sarap niya kasi lapitan at halikan.
Gusto ko na talaga siyang halikan promise, halik na yung gising din siya na hindi nalang ako nagnanakaw ng halik tuwing gabi. Yung magrerespond din siya sa halik ko, na malalasahan ko ulit ang matamis niyang labi.
Tumigil ka Alex! baka molestiyahin mo siya mamayang gabi niyan ha! stop it! stop it already.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...