Nasa mall kami ni Zia for a luncheon meeting with a client, sobrang tagal bago kami nagkasundo ng bago naming cliente dahil ang dami niyang demands na hinihingi na hindi lahat pwede naming pagbigyan. Buti nalang sa huli nagkasundo din kami at half lang ng demands niya ang binigay namin na pumayag naman siya.
"So ano balik tayo sa office miss?" naglalakad na kami palabas ng mall.
"Wait ill call Xander muna baka pwede niya tayong sunduin." hindi kasi kami nagdala ng kotse ni Zia.
"So? anong sabi?" pagkatapos kong ibaba ang phone ay umandar na naman ang pagiging chismosa nito, lahat nalang gustong malaman.
"He cant pick us up dahil super busy daw siya, so lets call a cab nalang." papalabas na kami nang mapadaan kami sa isang restaurant at may kung anong humila saking ulo para lumingon sa loob ng restauran.
"Wait Zi" pareho kaming napahinto ni Zia, puzzled pa nang una si Zia peru nang makita din ang nakita ko ay napatakip nalang ito sa bibig.
"Oh my ghad! miss si Xander ba yun?" nakurot ko siya dahil napalakas ang boses niya.
Parang sumikip ang dibdib ko sa nakita, ayoko mag over react peru hindi ko mapigilan ang sakit talaga. Naka upo si Xander sa pandalawahang table at kaharap niya ang isang magandang babae na nakita ko na nuon im sure dahil familiar ang mukha niya, masaya silang nagtatawanan at hawak pa nila pareho ang mga kamay ng isat-isa na mas lalong nagpasakit sa puso ko.
"Okay ka lang miss?" nag-aalalang tanong ni Zia.
"I'm okay, business meeting lang yan Zia, tara na." pinilit kong ibalik sa dating sigla ang boses ko peru alam ko hindi ko matatago kay Zia ang nararamdaman ko, she knows me so much.
Tahimik lang kami pareho pabalik sa opisina, hindi na nagsalita pa si Zia dahil alam naman niyang hindi ko siya sasagutin. Nang makarating kami sa opisina ay kinancel na niya ang appointments ko sa buong maghapon dahil alam niyang wala na ako sa mood at im sure masisira na lang ang meeting na pupuntahan ko dahil wala din ako sa sarili.
Sumandal nalang ako sa swivel chair at mariing ipinikit ang mata, saka bumalik lahat ng nakita ko kanina. Sino siya Xander? bakit ganun kayo ka sweet kanina? may iba naba Xander?.
Hindi ko namalayan tumulo na pala ang mga luha ko, saka sumikip ang dibdib ko. Nasasaktan na naman ako, peru bakit ganun? kung kailan masaya na ako at lahat ng gusto kong mangyari ay nangyayari na saka ko pa nakita yun?. Wala na ba talagang panahon na yung masaya lang? walang eepal!
"No! stop crying Alex, hindi mo pa alam ang lahat so wag ka muna mag assume mas masasaktan ka lang. Ask him first Alex! tanungin mo siya." talking to myself again, sarili ko lang kasi pwede kong takbuhan.
Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan siya
"Hi love" pinasigla ko ang boses ko para hindi nita mahalatang may dinaramdam ako.
"Hey love, nasa office kana?"
"Yeah, ikaw nasaan ka?" sumagot ka ng maayos Xander please.
"Nasa office lang ako love."
"Nakapag lunch kana? saan ka nag lunch?" please be honest Xander please....
"Yeah, sa office nalang ako nag lunch. Hindi kasi ako makalabas sobrang busy love eh."
"Okay sige may gagawin pa ako hah."
Agad kong tinapos ang tawag dahil sunod sunod nang tumulo ang mga luha ko. Nagsinungaling siya sakin, may itinatago siya sakin. Hindi ko na napigilan humagulhol na ako sa sakit.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...