Chapter Thirty- Who is he?

1.2K 27 0
                                    

Alex's POV

Everything is weird today and i really don't have any idea why. Pagpasok ko palang sa entrance ng building halos lahat nakatingin sakin, including my staff, napapunta pa tuloy akong cr kasi baka may dumi ako sa mukha, peru wala naman. Wala ding dumi ang damit ko, hindi naman magulo buhok ko eh ang ganda ko nga ngayun eh. Wag magbuhat ng bangko Alex, magaan yun, lamesa buhatin mo para may kunting effort.

Isa pa tong si Zia, hindi ko mahagilap eh lagi naman akong hinhintay nun sa entrance peru ngayun wala, hindi naman nagsabing aabsent o malelate, aiiii! naku para silang ewan ang hirap basahin.

Bubuksan ko na sana ang opisina ko nang biglang may kung sinong humawak sa kamay ko, at hindi lang hawak ha! mahigpit na pagkakahawak na nakakasakit.

"Ano ba!" saway ko sa naghawak ng kamay ko.

"Miss, good morning! pwede mag-usap muna tayo sa table ko?" weird! weird! weird ang word of the day, bakit sa table pa niya kami mag-uusap eh may opisina naman ako.

"Bitiwan mo nga muna ako Alizia Jesselle nakakasakit ka na." may weirdness outbreak naba sa Pilipinas today?.

"Ay sorry Miss, please just listen to me for a sec." binitiwan lang ako sandali at eto na naman hinihila ako paupo sa harap ng table niya.

"Bilisan mo Zia, marami pa akong gagawin. Wag mo akong hawaan sa weirdness syndrome niyo."

"Mag sosorry lang ako Miss, kung may nagawa akong mali sorry talaga at nagawa ko lang naman to para sa ikakasaya mo, para sa future mo dahil ayoko na maging matandang dalaga ka sayang ang lahi mo and if you'll fire me for what i did its fine, ill accept it." at nagpaawa face pa ito  "but i want you to know that i just want you to be happy." hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa pinagsasabi ng babaeng to.

"Hoy Zia, wag mo nga ako pinagloloko diyan, umagang umaga pinagtitripan mo ako, itigil mo yan hindi nakakatawa." hindi naman kasi nakakatawa, anong nangyari sa mga taohan ko? sinaniban naba sila ng masamang espiritu?.

"Basta wag mo ako papatayin Miss, basta." tiningnan ko siya sa mata at isa lang nakikita ko dun, kaba or takot.

"Whats wrong Zia? whats wrong with all of the people here? you all look weird." i need to know, im the boss and i have the right to know.

"Ay! dont mind it Miss ano kasi a-ahm mood of the day, tama! yun nga mood of the day miss." pilit na pinasigla nito ang boses.

"Tssss, bahala nga kayo sa mood of the day niyo." then i left her at pumasok sa opisina ko.

Hindi ko pa nabubuksan ng maayos ang pinto sinalubong na ako ng scent na humaplos sa ilong ko, kaya binuksan ko ng malaki ang pinto.

"Whoa......"

My office is full of different kind of flowers, fresh and lovely flowers, halos lahat ng sulok meron, sa mga upuan sa mini sala, sa sahig, sa ibabaw ng cabinets at sa ibabaw ng lamesa ko. Sobrang bango tuloy ng opisina ko, wala itong mga cards peru my hint na ako kung sino, isa lang naman ang hiningan ko nito eh. Agad akong lumapit sa table ko at may card doon, sa sobra kong  excited malaman kung sino yun agad akong umupo sa swivel chair ko at binuksan yun.

To the prettiest lady ever,

Wish granted your highness. Alam ko sobrang dami niyan, hindi kasi kayang pantayan ng bulaklak ang kagandahan mo. Hope you'll have the best day ever, take care coz i care Alex.

                                                    love,
                                              Captain X

Napangiti ako sa nakikita ko, sa sobrang daming magagandang bulaklak, sa card, sa effort, sa gastos at sa pag prepare ng mga ito. Wait! hindi pwede siya ang nagprepare nito? paano siya makakapasok? dont tell me.

"Zia, pumasok ka nga sandali." tawag ko sa kanya sa intercom.

Minuto na ang lumipas peru walang Zia na pumasok sa opisina ko, ni hindi ito sumagot sa intercom, kaya nilabas ko na siya eh, nandoon lang naman ito sa table nito.

"Zia, inside now!" galit kong saad sa kanya at itinuro ko pa ang pinto ng opisina ko.

Pagka upo ko sa swivel chair, saka ko siya seryosong hinarap. Nakatayo lang siya habang nakayoko, hindi mapakali at parang alam niyang malaki kasalanan niya.

"How did Captain X get in my office? paano niya nagawa tong pabulaklak niya?" masaya ako sa supresa niya nakakilig nga eh, peru knowing na pumasok siya sa opisina ko na maraming confidential files ay isang malaking pagkakamali.

"Eh, kasi miss ano."

"Tell me Zia, makikinig ako." tumaas na boses ko.

"Eh kasi miss hindi ko siya matanggihan." nanginginig na sagot niya sakin.

"You know the rules Zia, at ikaw mismo alam mo ang laman ng opisina ko bakit Zia? anong ginawa niya sayo para hindi mo siya matanggihan?" si Zia lang ang pinapapasok ko sa opisina ko kaya sobrang taas tiwala ko sa kanya.

"Kasi sabi niya, papatayin niya si sir Xander pag hindi ko siya tinulungan at ayoko nun kaya tinulungan ko na siya." gosh! sabi ko na nga ba may itinatago din itong si Captain X.

Sobrang nabigla ako sa pinagtapat ni Zia, kaya niyang gawin yun? at si Xander pa talaga?.

"Really? nakita mo mukha niya diba? sino siya?" siya ang tumulong dito kaya sure ako na nakita na niya ang tunay na pagkatao nito.

"Yes miss, i saw him and i know him." sa haba ng usapan namin ngayun pa ito umupo sa harap ko.

"Sabihin mo, sino siya?" ayoko ng ganito, para akong pinaglalaruan sa palad ng captain X na yun.

"I can't miss, im sorry." sobrang nabigla ako sa sagot niya, lahat ng bagay alam ko tungkol sa kanya dahil sinasabi niya yun sakin, peru bakit ngayun hindi.

"Why? and dont you dare lie to me Zia."

"He will kill me if sinabi ko sayo." yumuko ulit ito pagkasabi nun na mas lalong ikinasama ng loob ko.

"Zia nag-iisip ka ba? security agency ang pinagtatrabahuan mo, i can give you the best bodyguard ever Zia, wag kang matakot." kunot noo kong saad sa kanya.

"Miss pwede bang hintayin nalang nating siya mismo ang magpakilala sayo? natatakot lang po talaga ako." at alam ko totoo ang takot na yun dahik nakikita ko yun sa mata niya.

"Kahit kailan baliw ka talaga Zia, alam mo yun?" alam ko natakot lang siya kaya niya nagawa yun.

"Sorry na miss, kahit tingnan niyo pa sa cctv wala talaga siyang ginalaw na files dito sinisiguro ko yan sayo miss."

I trust Zia with everything, isa lang ang wala akong tiwala kay captain X. Hindi ko siya kilala, hindi ko alam ang plano niya kung bakit niya ginagawa to. Hindi ako pwedeng umupo lang dito at maghintay na lumapit siya sakin, kailangan ako na mismo ang humanap sa kanya at kilalanin siya.

************************

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon