Chapter Fifty Five- Back to old duty

1.2K 24 0
                                    

"Deretso ka na sa kwarto mo magpahinga ka, ako nang bahala sa mga gamit mo." sumunod naman siya sakin, napagod siguro sa kakahintay kanina na ma discharge na kami sa hospital.

Dahil tulog ang amo kong si Xander nagluto nalang ako ng dinner namin, hindi ko alam kung bakit halos ibinigay ko lahat ng best ko sa pagluluto eh wala naman akong dapat i-impress, peru inisip ko nalang it's for him kasi hindi siya masyadong kumakain sa hospital, ayaw daw niya sa pagkain na inihahanda sa kanya doon peru pag umuorder naman kami sa labas ayaw parin, ang arte talaga.

Nang handa na ang lahat ay naligo muna ako para mawala naman ang pagod at amoy kusina ko no, mahirap na mabahoan siya sakin, teka pakialam ba niya?.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa kwarto niya, kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit, siguro, dahil, baka na ewan. Walang sumagot kaya pumasok na ako hindi naman nakalock eh. Pagpasok ko sa kwarto niya muli kong naalala ang mainit na pinagsaluhan namin dito noon, those hot, wet and wild nights. Tumigil ka nga Alex, baka ma molestya mo si Xander sa ginagawa mo. Ipinilig ko ang ulo at tinungo ang mahimbing na natutulog na si Xander.

"Hey, wake up mag dinner ka muna." kinalabit ko siya.

"I'm not hungry." pikit mata niyang sagot.

"I'm not hungry ka diyan! ni hindi ka nga kumakain ng maayos sa hospital tapos sasabihin mong hindi ko gutom?" pinameywangan ko siya.

"I just want to sleep and rest, hindi nga ako gutom." iningusan ko siya at hinablot ang nakabalot sa kanyang comforter peru hindi siya tuminag.

"Nagpakahirap akong magprepare ng pagkain para makakain ka ng maayos tapos sasabihin mong hindi ka gutom at gusto mong magpahinga? okay fine magpahinga ka." Sobrang nilakasan ko ang air con na anytime ay magyeyelo na ang kwarto at dinala ko ang comforter sa labas.

Umupo ako sa couch na nakaharap sa pinto ng kwarto niya, hinihintay ko siyang lumabas peru it's been almost ten minutes ay wala paring Xander na lumabas, nakaramdam ako ng takot dahil baka nanigas na yun sa loob kaya pumasok ulit ako bitbit parin ang comforter.

"The hell! bat ba hindi ko naisip yun." nagmukha akong tanga dahil nabungaran ko siyang nakadapa sa kama nakasuot ng makapal na jacket, jogging pants at medyas at masarap parin ang tulog niya. Kailangan ko siyang pakainin dahil may gamot siyang kailangang inumin.

"Dahil ayaw mong lumabas dito sa lungga mo, heto! dinala ko na ang kusina dito sa loob ng kwarto mo." kailangan niya kasi talagang kumain kaya nagdala ako ng tray na puno ng pagkain. "Kaya pwede ba Xander bangon na kumain kana." hinila ko siya at tamad na sumunod naman siya sakin, sumandal siya sa headboard ng bed niya, ako naman kumuha ng upuan at umupo sa tabi ng bed niya.

"Now eat!" pinandilatan ko pa siya ng mata.

Kumain naman siya, ang sabi hindi daw siya gutom peru halos ubusin niya ang dala kong pagkain para sa kanya, at hindi man lang ako inaya.

"Hey, paano ka?" ghosh naubos mo na saka mo pa ako tatanungin? sarap mo din pektusan eh.

"No im good kumain na ako kanina, here take your med." pagsisinungaling ko at saka iniabot sa kanya ang gamot na agad naman niyang ininum.

Pagkatapos ng dinner in bed niya ay bumalik siya sa pagkakahiga.

"Magpatunaw ka kaya muna bago ka matulog ulit?" imbis na bumangon ay ngumisi lang ito.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon