Chapter Thirty Four- Change

1.1K 23 0
                                    


"Good Afternoon Gina, nasa loob si Xander?" bati ko kay Gina.

"Napapadalas na po uli kayo dito ma'am Alex ah, kayo na po uli?" namula ako sa sinabi niya, hindi sa kilig kundi sa hiya.

"Hindi, business matter lang at pasensiya hindi ako nakapag set ng appointment emergency kasi." at hindi naman ako napapadalas eh, pangalawang beses pa nga ngayun since last month nung nagkapilay ako.

"Nasa loob siya ma'am at pwede niyo siyang ma solo dahil wala po siyang kasama at wala po siyang naka schedule na meeting ngayung hapon." mas lalo pa akong namula, anonkayang iniisip niya? baka kung anong kaberdehan ang iniisip niya pag magkasama kami ni Xander.

"Ikaw talaga Gina, sige pasok na ako."

Gaya ng dati, huminga muna ako ng malalim saka kumatok at mas huminga pa ng malalim saka pumasok  sa loob.

"Good afternoon, Mr. Monteverde." wala kasi akong lakas ng loob tawagin siyang Xander dahil sa nangyari sa kaya pormal na kung pormal sa apilyedo niya nalang ko siya tinawag.

"Alex." bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa pagsugod ko sa kanya, at hindi yata siya nag ahit? eh ayaw na ayaw niyang hindi naaahitan dahil noon dahik nangangati ako.

Hello Alex, bakit pa siya mag-aahit eh wala ka na para mangati diba? kaya wag kang ano diyan.

"Ah-hm, tumawag kasi sakin ang nag install ng security devices sa hotel at may ipinabago ka daw." yan tama pure business Alex, focus ka sa business.

Kailangan ko talaga siyang kausapin dahil may ipinabago siya sa installation ng security devices without consulting me, malaking insulto yun for me at ano pang silbi ng pagpunta ko sa site, napilayan pa ako at lahat tapos bigla-bigla nalang niyang babagohin without my knowledge? kung hindi pa ako tinawagan ng tai ko hindi ko pa malalaman. Galit ako, galit na galit ako peru hindi ko magawang magalit sa kanya, bakit!.

"Pinag aralan ko kasi ng mabuti ang  hotel at may nakita akong kunting dapat baguhin kaya pinabago ko na." walang ka emo-emosiyon niyang paliwanag.

"Pinag-aralan mo? so gusto mong palabasin na hindi ko pinag-aralan yun?" galit ka Alex diba? ilabas mo! wag mong pigilan kasi.

"That's not what i mean Alex-"

"Nakaka insulto kasi eh, okay lang naman kahit baguhin mo pa lahat but please let me know, kaya niyo nga kami kinuha diba para gawing secured ang hotel mo, at alam mo naman ang plano sa hotel diba? i even asked for your opinion and approval sa lahat at bigla nalang ganito! kung hindi pa ako tinawagan ng tauhan ko hindi ko pa malalaman!" kung kanina hindi ako nagalit sa kanya ngayun hindi na pwedeng hindi ako magalit.

"Akala ko kasi okay lang na hindi sabihin sayo dahil maliit lang naman yun." tumayo na siya at itinukod ang dalawang kamay sa lamesa nakaharap sakin.

"Kahit gaano pa kaliit Xander! kailangan ko pa ding malaman dahil baka sa maliit na detalyeng yan eh, yan pa ang magbibigay kapahamakan sa hotel mo at ikasira ng agency na pinaghirapan ko." kung maliit lang sa kanya yun, malaki sakin yun dahil pag magkamali siya sa maliit na detalyeng binago niya ang agency ko din ang sisisihin.

"Alam ko ang ginagawa ko Alex, at hindi yun makakasira sa hotel ko at agency mo." madiin nitong saad sa akin na may halong galit.

"Ganyan ka naman eh, alam mo lahat! sigurado ka sa lahat!" napatayo ako sa kinauupuan ko at hindi ko na napigilan ang luha ko sa pag tulo " at dahil diyan sa alam mo ang lahat nasira tayo! dahil alam mo din ang lahat noon kaya ang hirap sayong paniwalaan ako! eh sa huli? sino bang tama satin ha Xander?"

Ipinasok nito ang magkabilang kamay sa bulsa ng suot nitong slacks saka tumingala at huminga ng malalim, kita ko ang pagtaas baba ng Adam's apple niya.

"Alex please wag kang umiyak." saad niya habang halatang pinipigilan ang sarili.

"Kung magdedesisyon ka lang din mag-isa na dapat kasali kami eh, kumuha ka nalang ng ibang agency na papayag sa ganyang set up mo." saka ko siya tinalikuran.

Pinahid ko ang luha ko saka lumabas ng opisina, gusto kong makaalis agad doon kaya halos takbuhin ko na ang daan, pati si Gina hindi ko na napansin pag labas ko ng opisina ni Xander.

Sobrang emo ko na, pati sama ng loob ko sa ginawa ni Xander sa installation ng security devices ay nairelate ko pa sa past namin, at masama pa niyan naiyak pa ako, nakakahiya baka akalain niya hindi parin ako naka move-on sa kanya kaya paiyak-iyak ako kanina.

Eh, hindi ka naman talaga naka move-on diba? mahal mo parin siya.

"Alex!" sigaw ng pamilyar na boses sa likod ko.

Nasa labas na ako ng building ng company na pinamamahalaan ni Xander, kaya mabilis akong naglakad para mag tawag ng taxi kung bakit ngayun ko pa kasi naisipang ipa change oil ang kotse ko ang hirap tuloy tumakas wala akong get away car.

"Alex please listen to me!" sigaw uli nito.

Kung minamalas ka nga naman at wala pa talagang taxi na humihinto, naku! panahon at pagkakataon makisama ka, wag kang ano diyan.

"Listen to me please Alex."

Nabigla ako sa ginawa niya, niyakap niya ako mula sa likod ko, sobrang higpit na yakap na matagal kong hinahanap. Ramdam ko ang paghinga niya sa batok ko, na nagpatayo sa balahibo ko at bumuhay sa matagal nang natutulog na kuryente sa katawan ko.

"Let go of me Xander!" kung gaano ako ka uhaw sa yakap niya, ganun naman ang protesta ng sama ng loob ko.

"No, pakinggan mo muna ako." mas humigpit ang yakap niya na alam kong hindi ko na matatakasan.

"Please, let go of me." sh*t bakit ba ang bilis tumulo ng luha ko?.

"Hanggat hindi mo ako pinapakinggan hindi kita bibitawan." alam ko gagawin niya yun kahit siguro abutan kami ng bukas hindi siya bibitaw. 

Okay lang siguro kung abutan kami ng ilang dekada  sa ganung ayos peru  ang dami nang audience, marami nang nakikiosyoso nakakahiya na.

"Mag-uusap tayo, makikinig  ako peru not now please, hindi ngayun." hindi ngayun, hindi pwede dahil sure akong aatungal lang ako ng iyak.

"You promise me, please Alex"

"I promise, mag-uusap tayo." saka lang siya bumitiw at pinaharap ako sa kanya.

"About sa hotel, i'll leave everything to you, wala na akong babaguhin." tumango lang ako sa sinabi niya.

Siya pa ang nagpara ng taxi sakin, dahil ayaw kong magpahatid sa kanya, at halos takutin pa niya ang driver na mag-ingat daw sa pagmamaneho.

Mag-uusap talaga tayo Xander peru hindi ngayon at hindi ko pa alam kung kailan.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon