Chapter Thirty Three- Bakit?

1.2K 26 0
                                    

Sobrang bilis naming narating ang hospital halos pinalipad niya ang sasakyan at ako naman malapit nang himatayin hindi dahil sa sakit ng paa ko kundi dahil sa bikis ng pagpapatakbo niya kanina.

"Doc, okay lang po ba siya? wala po bang bali ang paa niya? ano doc?" habang nakahiga ako ay kausap naman niya ang doctor, kumuha talaga siya ng room para sakin sa hospital para namang magtatagal ako dito.

"Dont worry Mr. Monteverde, walang bali ang asawa niyo, may naipit lang na ugat sa paa niya at bibigyan ko lang siya ng gamot para mawala ang pamamaga at magiging okay na siya." saad ng doctor na hindi mapigilang mapangiti sa inaasta ni Xander.

Ako? si Xander? mag-asawa? doc naman oh, bat advance kayo, di pa nga kami okay eh.

"Thank you so much doc." nagkamayan pa sila ng doctor.

"Excuse me doc, pwede naman po akong umuwi ngayun diba?" kailangan ko din kayang magsalita, ako kaya pasyente dito.

"Yes Mrs. Monteverde pwede naman kayong umuwi, peru bawal ka mumang mag suot ng takong ng ilang linggo para mas mabilis gumaling ang paa mo " baling niya sakin.

"Okay doc peru hindi po ako-"

"Salamat doc." at iginiya nito ang doctor palabas, hindi man lang ako pinatapos magsalita.

Ilang minuto din siyang nawala habang ako napako sa kama, hindi kasi ako makapaglakad kasi namamaga ang kaliwang paa ko, baka lumala pa kung ipilit kong ilakad kaya no choice ako kung di ang hintayin siyang bumalik.

"I'm back, nabili ko na ang mga gamot mo at were ready to go." pangisingisi nitong saad.

"Teka nga, bat masaya ka ata? masaya ka bang namamaga tong paa ko? Xander?" galit kong saad sa kanya.

"Hindi ah, masama bang maging good mood?" hindi parin ito natigil sa pangisi ngisi nito.

"Hindi eh, gumanda lang naman yang mood mo dahil muntik na akong mabalian." inirapan ko pa siya.

"No Alex, wag kang mag-isip ng ganyan." nakangiti nitong saad.

"At kinonsente mo pa yung si Doc sa kakamisis niya sakin, hindi bagay sakin ang misis no." kung nakakamatay lang ang irap, for sure kanina pa nakabulagta si Xander.

"Baka kasi humaba pa ang usapan, kung sinabi kong hindi kita misis kaya sinabayan ko na." hinila nito ang wheel chair sa gilid at inilagay yun sa harap ko.

"Halika ka na, uuwi na tayo nang makapagpahinga ka." nakabusangot akong bumangon

Binuhat niya ako at pinaupo sa wheel chair, saka kinuha ang bag ko at inilagay yun sa kandungan ko.

"Smile Alex, akalain pa ng mga tao inaaway kita." habang nasa hallway kami napapatingin kasi ang mga tao sa amin.

Alam niyo na si Xander daig pang artista sa kasikatan. Nagkapasa pa nga ako noon dahil sa kanya eh, kaya hindi na ako nagtataka sa mga nurse at pasyenteng nasa kanya ang mga mata.

Dahil sa pagod kanina hindi ko na namalayan nakatulog pala ako sa sasakyan ni Xander, hindi lang nakatulog hah, sobrang nakatulog ako dahil ngayun nakahiga na ako sa kama which is not mine.

"Waaaaaaaaaahhhhh..... nasaan ako?" tili ko nang pagmulat ko hindi lang kama ang hindi sakin kundi pati ang kwarto. Dahil sa pagkabigla napatalon ako sa kama. "Araaaaay, ang sakit!"

Napaupo ako sa sahig nang sa pagtalon ko ay sumakit lalo ang kaliwang paa ko, saka ko nakita na namamaga ito at nag sink in na sakin ang lahat.

Habang naka upo parin sa sahig iginala ko ang mga mata ko sa kwarto, it's Xander's room ang love nest namin noon, ang kwartong saksi sa mainit na sandaling pinagsaluhan namin. Ang kwartong ni katiting sa loob ng tatkong taon ay wala siyang binago.

"Alex, okay ka lang? bakit ka nasa sahig?" agad niya akong dinaluhan at pinangko saka pinahiga uli sa kama.

"Ang paa ko ang sakit!" reklamo ko habang ngumingiwi sa sakit.

"Bakit kaba kasi nahulog? hindi ka naman malikot matulog ahh."  saad niya habang busy sa paglalagay ng hot compress sa namamaga kong paa.

"Eh-h kasi" nahihiya akong sabihing tumalon ako sa bigla.

"Ano?" kunot noo siyang nakatingin sakin na naghihintay ng sagot talaga.

"Nabigla kasi ako nang pagising ko ibang kama ang hinigian ko." pwedeng kainin nalang ako ng kama? ngayun na as in now na!.

"Nabigla ka tapos nahulog ka nalang bigla?" tsss, kailangan pa talagang i-inumerate lahat Xander?.

"Sa bigla ko kasi napatalon ako, akala ko ano na, at teka nga! bat dito mo ako dinala? pwede namang sa opisina mo ako ihatid." tama, of all places why here? alam mo namang ang dami nating pinagdaanan dito eh at baka maulit pa.

Hoy! gumising ka nga Alex! napilay k na nga at lahat yan parin nasa isip mo! at ikaw lang ata nag-iisip niyan no! kung gaano kainit yang hot compress sa paa mo kabaliktaran siya niyan, malamig siya Alex! malamig! tandaan mo yan.

"Eh kasi, alam ko matigas ulo mo. Alam ko din pag hinatid kita doon im sure mahihirapan ka umuwi." tumingin ka uli sakin please, wag sa paa ko, mas maganda naman ako diyan.

"Nandoon naman si Zia, she can drive for me."

"Ayaw mo bang inaalagaan kita?" may lungkot sa mata niya dahil sa sinabi ko.

"Hindi mo naman kasi ako responsibilidad." sa ibang direction ako tumingin, i cant see him like that.

"Dont worry, ihahatid kita after this." saka ito tumahimik at sa paa ko nalang itinuon ang atensiyon.

Hindi ko alam kung bakit pinagsisihan ko ang sinabi kong yun, bakit nasaktan ako nang makita ko siyang nalungkot, bakit gusto ko siyang yakapin at aluin? bakit  gusto ko siyang lambingin? bakit ganun parin ang pagmamahal ko sa kanya kahit sobrang nadurog ako noon? bakit ang bilis nalang niyang mabago ang tampo at sama ng loob ko sa kanya noon? bakit kahit kailan lagi nalang akong pinagtataksilan ng lahat ng parte ng katawan ko pagdating sa kanya, saan ba kasi pinaglihi ang lalaking yun at ang lakas ng dating.


"Ayan, ganyan Miss kahit pilay nat lahat papasok parin sa trabaho. Ano? naghihikahos lang? kailangan kumayod?" salubong sakin ni Zia ngayung umaga, hindi man lang naawa saking paika-ikang naglalakad papasok ng office ko.

"Wag ngayun Zia hah, dahil baka magkapilay ka din gaya nito." takot ko sa kanya.

"Sabi ko nga, sige alis na ako." at saka ito umalis.

Two days after kong nagpahinga dahil sa namamaga kong paa ay pumasok na ako today, na bagot na kasi ako sa condo at nakakapaglakad naman na ako kahit paika-ika lang peru kaya naman.

Si Xander? after niya akong ihatid sa condo ko ay hindi na kami nagkita ulit, hindi man lang nagparamdam uli, hindi ko tuloy maiwasang magsisi dahil ipinagtabuyan ko siya, kita ko naman ang effort niya peru takit lang talaga akong masaktan ulit.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon