Kanina pa ako dito sa sala naghihintay sa paglabas ng amo ko, sa sobrang tagal niya parang daig pa niya ang babae kung magbihis. Inayos ko muna ang uniform ko, siyempre complete uniform ako today at handa na ako sumabak sa trabaho, nakapag almusal na ako kanina dahil kailangan ng lakas para matagalan ang kasungitan ng amo ko. Ayokong mamatay sa gutom at kasungitan niya .
"OMG!!! ang gwapu niya sa suot niyang suit at ang bango tingnan, gosh ba't ba pinanganak tong ganito!!" sa isip ko.
"May dumi ba ako sa mukha?" kunot noo nitong tanong sakin, kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Shit nahuli pa talaga ako nakakahiya.
"No sir, alis na po tayo?" hindi ko na siya tiningnan peru pansin ko tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Sa kanya pala nagmana ang secretarya niya, kung makatingin wagas.
"Sir? may kusot po ba uniform ko? magulo ba buhok ko?" Babae ako kaya alam ko ang tingin ng pagka humaling peru itong tingin niyang to sakin iba eh.
"Wala ka bang ibang damit except sa uniform mo?" Ganun? ang uniform ko pala ang ikina iirita niya.
"Okay lang naman po sa aming taga CIDG kung hindi mag suot ng uniform peru ako po gusto ko po suot ko ang uniform ko." At kailangan ko pang magpaliwanag hah! at hello police po ako sir baka nakakalimutan mo.
"Mag bihis ka nga, ayokong may police na bubuntot-buntot sakin, baka isipin ng mga tao criminal ako o may kahinahinalang ginawa para bantayan ng police." Sinungitan na naman ako. Sus wala naman sigurong mag-iisip na criminal ka, sa gwapu mo ba namang yan, baka isipin pa nila ako yung may kasalanan sayo.
"Okay po." Okay fine pagbibigyan kita, naku! kung di kalang gwapu ehh, kanina pa kita sinipa. As in sipang malakas pa sa sipa ng kabayo.
Naka corporate attire na din ako, black skirt na hindi umabot sa tuhod, white polo na pinarisan ko ng black coat at black heels. Yes black ang color of the day ko, kasing dilim ng aura ng amo ko.
Paglabas ko ng kwarto ayun siya naman ang naghintay sakin, muli niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Nginitian ko siya at umikot pa ako sa harap niya, sige inisan tayo dito, ang magalit siyang talo.
"Pwede na." Saad niya at tinalikuran ako.
"Ganun nalang yun? wala man lang kahit konting complement?" Sa isip ko at sumunod nalang sa kanya.
Siya ang nagmamaneho at nasa passenger seat naman ako, baka magalit nanaman ito pag sa likod ako umupo.
"Sir, kailangan na po ninyung kumuha ng driver." Suggest ko sa kanya habang nakatutok lang ito sa kalsada.
"I can drive!" sinungitan na naman po ako.
"Obvious po na nakakadrive po kayo kaya chill. Iniisip ko lang po ang safety ninyu." Nasanay kasing siya lagi nasusunod kaya ayan, ayaw tumaggap ng suggestion ng iba.
"No, i can drive for myself." Nagmamatigas talaga.
"Peru mas mabuti po yung may driver kayo, at wag kayong mag-alala sir kame po mag poprovide ng driver para sa inyu." Wala na akong nakuhang reaction sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...