Alex's POV
Akala ko okay na ako dahil hindi na ako nahihilo at nasusuka peru andun parin yung katamaran kong bumangon tuwing umaga. Peru akala ko mawawala na siya peru mas lumala pa pala, lumala pa ang paghahanap ko sa presensiya at amoy ni Xander na anytime pag narealize kong wala siya sa pakigid ay umiiyak nalang ako bigla na ikakataranta naman ni Zia.
"Miss, itigil mo na yang pag-iyak. Ma dehydrate ka niyan sa ginagawa mk eh, baldi baldi na yang iniiyak mo." saad niya habang panay ang abot sakin ng tissue.
"Inuna pa kasi niya ang meeting niya kesa saki eh." panay ang hikbi ko.
"Naku! business man kasi yang boyfriend mo at may responsibilidad siya dun at hello! halos magkasama naman kayo lagi ahh, ngayun lang ang hindi dahil may urgent meeting."
"Ah basta."
Pinipilit ako ni Zia na magpakonsulta sa doctor peru hindi ko siya sinusunod dahil wala naman akong sakit at baka sa psychiatrist pa ako ipatingin eh.
"Tahan na kasi, sige puntahan nalang natin siya. I'll drive for you." dahil sa sinabi niya ay agad akong nag-ayos ng sarili.
Habang nasa daan kami, tulo parin ng tulo ang luha ko, kahit alam kong papunta na kami sa kanya peru may parte parin ng sarili ko na masaya at excited kasi nga makikita ko siya.
Kalalabas lang niya ng board room nang madatnan namin siya, mabilis pa sa alas kwatrong tinungo ko siya at niyakap saka humikbi.
"Hindi ko kaya love." saad ko.
"Ssssshhhhh, dont cry please." niyakap lang niya ako at hinagod ang likod ko.
Nasanay na kasi siya na halos dalawang linggo na akong ganun sa kanya na iiyak talaga ako pag wala siya. Gusto ko na ngang sabunutan ang sarili sa inaakto ko at hindi ko mapigil pigil.
"Hindi ko kaya na hindi ka makita kahit isang segundo lang love." iginiya na niya ako papasok sa office niya.
"Hey Zia, salamat sa paghatid sa mahal ko hah." saad niya kay Zia.
"Wala yun kesa naman maubos pa niya ang tissue sa buong Pilipinas." hindi ko nalang yun pinansin at niyakap ko nalang si Xander.
Pinaupo niya ako sa couch saka kumuha ng tubig at pinainum ako. Nakatitig lang siya sakin, habang ako pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"What?" nacoconcious kasi ako sa mga titig niya.
"I love you." napangiti ako sa sinabi niya, damn if only you know how much i love you too.
Imbes na sumagot ay hinalikan ko lang siya sa labi peru parang may kulang kaya humiwalay ako pagkakalapat ng mga labi namin at sinuri ang mukha niya, nakakunot lang din ang noo niya saka hinalikan ko siya ulit peru something's missing talaga eh.
"What's wrong?" nagtataka na siya.
"Gusto ko yung facial hair mo." nakanguso kong saad.
"What? eh halos masuka kapa before dahil dun." salubong ang kilay niyang saad.
"Basta gusto ko yun, patubuin mo ang facial hair mo love please." parang bata kong saad.
"You're so weird lately peru if you say so." hahalikan sana niya ako peru pinigilan ko ang labi niya gamit ang daliri ko.
"No, ikikiss mo lang ako pag may facial hair kana." napabuntong hininga lang siya at niyakap ako.
Ano nang nangyayari sakin? bat ang dami ko nang hinahanap sa kanya na sobrang mukha na akong engot, buti nalang napaka understanding ni Xander sakin na kahit hating gabi at gusto siyang magluto ng kung ano anu sumusunod parin siya kagit alam kong pagod din siya sa trabaho niya.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...