"Noong isang araw sumugod ka sa ex mo tapos hindi ka na bumalik dito, kinabukasan may pa sun glasses ka pang nalalaman pagpasok mo para itago ang namamaga mong mata tapos ngayun tulala ka na mukha kang engot, miss ano na ba nangyayari? paki update ako, sobrang huli na ako sa balita." litanya ni Zia habang palakad lakad sa harap ng table ko."Zia, may pagkakataon bang natahimik ka? oh may oras ka bang inilalaan para makapagpahinga yang bibig mo kaka dada?" reklamo ko sa kanya habang nakataas ang kilay.
"Umabot sana sa bonbonan yang kilay mo kakataas, at hello miss talent ko to ang pagiging maingay, madaldal at ito ang best asset ko kaya wag ka." pagbibida nito sa kaingayan niya.
"Sana may mute button ka nang matahimik tong opisina minsan no?" isinandal ko ang ulo sa swivel chair saka pumikit.
Since that day happened, wala na! na delete na ang salitang focus sakin. Siya, siya nalang ang iniisip ko lagi, kaya siguro maganda katawan nun kasi lagi siyang tumatakbo, tumatakbo sa utak ko.
Ay ang corny Alex, nakakahiya ka!
"Miss si Captain X? nagparamdam ba? oh babush na siya?" sa wakas naisip din nitong umupo, kanina pa kasi ito palakad lakad nakakahilo na.
"Good morning, Eat your breakfast, lunch and dinner at good night nalang ang natatanggap ko sa kanya at hindi na ako nagrereply after what he did to you." nakapikit parin ako habang sumasagot sa kanya.
"Eh si sir Xander miss, sinusuyo ka?" kahit kailan talaga chismosa to.
"Hindi, pinapaiyak nga niya ako lage eh" hindi ko makita ang reaction niya peru narinig ko siyang suminghap.
"So, siya pala dahilan ng pa-sun glasses outfit mo nung isang araw hah, pinapaiyak ka niya! sumbong ko siya kay Captain X nang tuluyang ma salvage miss." pwede namang magsalita ng mahinahon peru ang babaeng to laging nakahigh note.
"Sige, pag bumandera sa Tv na sinalvage si Xander bukas Zia, maghukay ka na ng libingan mo okay? laliman mo nang hindi kita mapatay ulit meaning double dead ka sakin." napa ayos ako ng upo sa sinabi niya.
Kahit naman galit ako dun at masama loob ko sa kanya, mahal ko parin yun no! kaya pag may mangyaring masama dun, ikakamatay ko talaga promise.
Unknown:
Can i visit you in your office?.
Kumunot noo ko pagkatapos kong mabasa ang unknown message na yun, at si Zia kulang nalang humaba leeg sa kakasilip kung sino ang nagtext sakin.
"Si Captain X miss? nag text na? anong sabi? nagpakilala na?" nakangisi nitong tanong.
Me:
Who are you?
"Miss sino ba yan?" ang kulit talaga, sobrang kulit.
"Secret agent, ipapapatay kita pag di kapa tumigil sa kakatanong" biro ko sa kanya.
"You cant do that to me, i know that! but before you change your mind, i gotta go." mabilis pa sa alas kwatrung umalis ito ng opisina ko.
Unknown:
You'll know when i get there.Me:
I'm busy sorry, cant accept visitors today.Unknown:
Nahh, i know your not busy, i'll be there in 30 minutes.Pagkatapos kong basahin ang last message ay hindi na mapigil ang utak ko sa kakaisip kung sino yun, baka another super hero na naman yun at sasabihing ililigtas niya ako at pasasakayin sa mga kacornyhan nila.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...