Sabay kaming nag breakfast ni Xander kanina peru pagbalik namin sa room namin, may kung sinong tumawag sa kanya at agad ding umalis ang loko. Nag expect pa naman ako na mag-eenjoy kaming dalawa sa trip namin na to peru hindi pala.
Habang suot ang rush guard at short short's ay naglakad ako sa dalampasigan, napapangiti ako sa tuwing madadampian ng tubig ng dagat ang balat ko, may kung anong haplos na dulot ito sa aking balat. Kinuha ko ang phone at nag selfie at hindi pa nakontento kinunan ko talaga ang paa ko na natatamaan ng maliit na alon. Okay na eh, enjoy na ako masaya na ako sa ginagawa ko nang may marinig akong boses na pamilyar sa di kalayuan.
Naglakad pa ako sa dalampasigan para hanapin ang may-ari ng boses, nang makita ko na siya ay biglang umakyat ang dugo ko sa ulo ko na gustong umusok ng ilong at tenga ko.
Kaya pala umalis agad ha! makikipaglandian pala. Nagtago ako sa likod ng palm tree at masugid na tiningnan si Xander habang halatang nilalandi ng isang babaeng sexy naman sana peru kasing kapal naman ng mukha ang make-up, nagmumukha tuloy clown. Naka suot ito ng black skimpy bikini na bumagay sa skin tone niya at sa hubog ng katawan niya.
"Tssss, di hamak na mas sexy naman ako sa kanya, mas malaki naman dibdib ko sa kanya ahh, ang flat kaya ng chest niya at mas curvy pa ako sa kanya." me comparing myself to a clown. Grabe alang ya! akala ko kung gaano ka importante ang tawag na yun makikipaglandian lang pala. " hmmmm, gusto mo ng landi ahh tingnan natin." agad akong umalis sa lugar at bumalik sa room namin.
Hinalungkat ko ang gamit ko at hinanap ang bikini na binili ni Xander, agad kong isinuot ang kulay pula na two piece bikini, lalong lumabas ang kaputian ko sa kulay niya at kitang kita ang magandang hubog ng katawan ko at super emphasized ang proud chest ko. Sinipat ko amg sarili sa salamin at sobrang saya at proud ako sa nakita.
"Mas sexy naman ako sa kanya kaya, Xander Vougn Monteverde maglaway ka!" ang sama ko peru bad trip talaga ako sa Xander na yun at sa babaeng clown na kalantari niya dun.
Ipinusod ko ang mahabang buhok at nagsuot ng sun glasses, tanging cellphone lang ang bitbit ko at wala akong ni katiting na balak na magsuot ng cover up.
Habang naglalakad ako, pansin ko na ang mga matang nakatuon sakin, mga mata ng nakakasalubong ko ay halatang nabibighani sa kagandahan ko. Kaya napangiti ako
nang isiping, paano nalang pag si Xander makakita sakin nito?. Tinungo ko ulit and lugar kung saan sila naglalandian kanina at nandoon parin sila kaya huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad sa dalampasigan sa harap nila, binagalan ko pa talaga ng todo para makita ang magiging reaction ni Xander."Hey sexy, can i walk with you?" nabigla pa ako nang paglingon ko may kanong nakangiti ng nakakaumay sa likod ko. Gwapo naman siya, maganda ang katawan, matangkad equals hot pwera sa smile nakakaumay at major turn off para sakin.
Lumingon ako ng konti sa gawi ni Xander at napangiti ako sa nakita, laglag panga niya sakin, buti nga sayo loko ka, then something naughty came up to my mind
"Oh sure, why not." ngumiti ako ng pilit sa kano.
"Im Cam by the way." naglahad pa ito ng kamay na tinanggap ko naman.
"Alex, i'm Alex." kailangan talagang ulitin?.
Maglalakad na sana kami ng kano nang may tumikhim sa gilid namin kaya sabay kaming napalingun.
"Oh baby! ive been looking for you everywhere, andito kalang pala." bigla bigla nalang niya akong hinapit sa beywang palapit sa kanya, napigtad ako sa ginawa niya dahil sa pagkakadikit ng mga balat namin.
"Who's this guy?" naguguluhang tanong ng kano.
"Oh Cam his my-"
"Im his boyfriend dude so please back off." natingnan ko siya ng masama sa sinabi niya.
"Oh sorry, i better go. Nice meeting you Alex." mabilis pa sa alas kwatrong umalis ang kano, akala ko matapang ang laki kasi ng katawan, yun pala hindi.
Pagkaalis ni Cam ay agad kong tinanggal ang kamay niya sa beywang ko at hinarap siya.
"What was that for?" galit kong sabi sa kanya, hindi dahil galit ako sa pagpapaalis niya sa kano peru galit ako dahil ang landi niya.
"Pinapaalis ko lang ang manyak na yun, im sure may masamang balak yun sayo." salubong ang kilay niya at pinasadahan ako ngbtingin mula ulo hanggang paa. "at ano yang suot mo? pinagpipyestahan ka ng mga mata ng manyak." hinubad pa niya ang polo itinakip sa katawan ko.
"Wala kang pakialam kung minamanyak niya ako, dahil hindi naman kita pinapakialaman sa paglalandian niyo ng clown na yun ah." usok ilong kong sabi sa kanya.
"Ahh, nagseselos ka kaya pinapaselos mo din ako?" ngumiti ito ng pilyo.
"Hindi dahil kung magselos man ako wala akong karapatan magselos at hindi po kita pinapagselos wag assuming." hindi parin nawala ang ngiti sa labi niya.
"So kung hindi mo ako pinagseselos bakit suot mo yang bikini na yan at binabandera mo yang katawan mo sa harap ko?" ibinalik ko sa kanya ang polo niya at nakapameywang na hinarap siya.
"Hello! ang assuming mo, hindi dahil naglalakad ako sa harap mo eh binabandera ko na katawan ko sayo no! at nagbago isip ko eh, nagustuhan ko na siya eh bagay naman sakin." saka ko siya inirapan.
Natawa lang siya at muling itinakip sa katawan ko ang polo niya na pilit ko namang tinatanggal.
"Isuot mo kasi! minamanyak ka na ng mga lalake." seryoso niyang saad.
"Ayoko nga isuot yan! sayang ang ganda ng katawan ko kung tatakpan lang at bumalik ka na nga dun sa clown mo!" taboy ko sa kanya na mukhang ikinagalit niya.
"Gusto mo ba talaga mabastos?" napataas ang boses niya na ikinabigla ko.
"Ikaw lang naman nag-iisip na binabastos ako eh, nasa beach tayo alangan namang mag jacket at pantalon ako?" sagot ko sa kanya.
"I dont know whats wrong with you peru bahala ka na nga!" iniwan na niya ako at bumalik sa clown niya.
Nagsisi naman ako sa ginawa, hay naku Alex, protective lang naman siya sayo eh! ayan kasi pinapairal mo na naman yang selos syndrome mo, ayan tuloy nagalit.
"Ikaw pa may ganang magali ngayun! ang landi mo kasi pinapainit mo ulo ko!"daldal ko habang ipinagpatuloy ang paglalakad sa dalampasigan.
Gusto ko na sanang bumalik sa room namin peru nagbago din isip ko, abo gagawin ko dun? magmokmok? isipin si Xander at yung clown na yun?. Mas mabuti pang maglibot kaysa mamatay sa kakaisip sa mga malalandi.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...