Akala ko magegets niya ang sinabi ko nung nag propose siya sakin, peru hindi pala kaya heto ako ngayun bumobwelo na naman kung kailan sasabihin sa kanya at sa buong planeta na buntis ako.Hindi na ako mapakali dahil atat na atat na akong sabihin sa kanya na magiging daddy na siya. May pagkakataon pang sasabihin ko na sana peru bigla namang tumawag si Gina sa kanya at umalis siya dahil sa emergency meeting.
Meron namang nag text ako sa kanya ng we miss you Daddy peru wala padin I missed you more lang ang reply niya. Hindi ko alam may pagka slow din pala ang fiance ko at ang hirap niya mahuli ang gusto kong iparating.
Nakadapa siya sa kama ngayun habang busy sa laptop niya, tsss workaholic talaga pati trabaho dinadala sa bahay. Sumampa ako sa likod niya at mimasahe siya.
"Hmmmmm someone's hot right now." tsssss nakuha pang magbiro.
"Matagal na akong hot no!" siyempre! mabibihag ko ba ang isang katulad mo kung hindi ako hot.
Itinigil niya ang ginagawa at itinabi ang laptop saka buong lakas niya akong kinabig kaya napunta ako sa ilalim niya. Saka ngumiti ng pilyo sakin.
"Naiiisip mo bang naiisip ko?" hala! feeling niya siguro ako si B1 at siya si B2 sa tanong niya.
"Anong iniisip mo?" ipinulupot ko ang mga kamay sa leeg niya saka binigyan siya ng smack na halik aa labi.
"Gawa tayong baby?" ghosh! namula ako ng sobra sa sinabi niya, kaya napalo ko siya sa balikat.
"Baliw!" tanging naging sagot ko.
"Ikakasal na naman na tayo kaya okay lang na magkababy tayo." pinaghahalikan na niya ako leeg, gosh ang kahinaan ko.
"Hindi pwede love." natigil siya sa paglalambing sakin.
"Bakit?" nakanguso niyang saad, ang cute lang.
"Hindi pwese kasi-"
"Sige hindi kita pipilitin, gusto ko lang namn maging Daddy na." at umalis na ito sa ibabaw ko at gumulong sa kabilang side saka ako tinalikuran.
Napangiti ako, yes! this is the perfect time to tell him. Gusto na niyang maging Daddy, pwes gagawin kitang Daddy. Yumakap ako sa kanya mula sa likod at kinagat kagat ang tenga niya.
"Love, wag ka na mag tampo." bulong ko habang pinaglalaruan ng daliri ko ang buhok niya.
"Hmmmmm." tanging tugon niya, so nagtatampo nga.
"Tanungin mo muna kasi ako kung bakit hindi tayo pwedeng gumawa ng baby ngayun." bilis na tanungin mo na ako kung bakit para mawala na yang tamporurot mo.
"Ayoko." bakit ba kasi napakamatampuhin nito at ang hirap pa aluin.
"Fine!" babangon sana ako peru hinigit niya ang braso ko at niyakap ng mahigpit.
"Wag ka umalis, sige na bakit? bakit hindi tayo pwedeng gumawa ng baby ngayun?" ayan walk out kang pala ang kailangan eh.
"Hindi tayo pwedeng gumawa ng baby ngayun kasi, may baby na love." eeeehhhh, nasabi ko din sa wakas.
"Saan ang baby? gagawa pa nga tayo diba?" aaaarrrrgggghh! ang slow talaga.
"Andito si baby oh." Inis kong itinuro ang puson ko na nagpabangon sa kanya.
"You mean?" napangiti ako ng pagkatamis tamis sa mukha niyang naghihintay talaga ng confirmation.
"Yes love, may baby na diyan kasi i'm two months pregnant." what i saw in his face is epic. Lumiwanag ang mukha ni Xander at kita ko ang kislap ng mga mata niya.
"Magiging Daddy na ako?" tumango lang ako, ayun at niyakap nalang niya ako bigla at pinupog ng halik ang buong mukha ko.
"Kailan mo pa nalaman?" tanong niya habang yakap yakap ako.
"One week ago." inaantok na saad ko.
"Bat hindi mo sinabi agad?"
"Hello! ilang beses ko kayang tinry na sabihan ka peru laging epic fail at ang hirap mo pang ma gets yung mga messages ko sayo." ang slow mo kasi.
"Sorry na naging busy lang peru salamat love." antok na antok na ako, bukas na yang mga paliwanagan.
"Good night Daddy Xander." tanging saad ko.
"Good night Mommy Alex." at hinalikan niya ako sa noo.
Sa wakas at nalaman na niya, na gets na rin niya at masaya ako kasi masaya siya na magiging Daddy na siya, wala na talaga akong mahihiling pa sa mga nangyayari sa buhay ko.
Ano ba yan! bat may humahalik sa puson ko! gusto ko pang matulog! ayoko pa bumangon!. Peru hindi parin ito tumitigil at hinaplos haplos pa ang puson ko kaya idinilat ko na ang mga mata ko at hindi ako nagkamali, ayun si Xander, nakangising hinahaplos haplos ang puson ko.
"Good morning love." peru imbis na halikan ako ay sa puson ko siya humalik, this moments is for keeps kaya kinuha ko ang phone ko at kinunan siya ng video habang kung ano-anu ang sinasabi.
"Good morning there little angel, I'm you're Daddy Xander." saka hinalikan ulit ang puson ko.
Naisipan kong i-upload ang video na yun coz i'm proud na magiging mommy at daddy na kami ni Xander. Nilagyan ko yun ng caption na Someone stole my morning kiss from my love. Ano ba yan pinagseselosan ko ang baby namin.
"Wag mo kukulitin si mommy baby hah, hindi pa naman kahabaan ang pasensiya niyan." kinurot ko ang pisngi niya. "Tingnan mo baby? nakurot pa si Daddy."
"As if naman naririnig ka ni baby." biro ko sa kanya na ikinanguso niya.
Akala ko okay na nang malaman niya na buntis ako, peru nagsisi akong sinabi ko sa kanya kasi halos hindi na ako patayuin sa kama, kulang nalang buhatin ako pag pupunta akong CR, at hindi pa talaga siya pumasok sa trabaho ha! dahil aalagaan daw niya ako, ano ako? may sakit? at hello! two months palang ang tiyan ko kung maka alaga siya sakin para namang kabuwanan ko na.
Buong maghapon kaming nasa condo lang, kumakain, nanonood ng movie, nag vivideo games at nag cuddling sa kama.
Bandang hapon nang makatanggap kami ng tawag mula kay Zia at pinapatingnan ang isang site sa internet.
Sumunod naman kami at parang gumuho ang mundo ko sa nakita, hindi ko na napigilan ang lumuha, nanikip ang dibdib ko na parang may kumukurot doon. Ba't may ganyan? kailan pa yan?
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...