Nalaman ko nasa pent house pala kami ng hotel niya sa Cebu, sobrang ganda nito. Ngayun ko lang nalibot ang buong lugar, ang furniture's unang tingin palang kita nang mahal, ang malaking kwarto na ang banyo na may jacuzzi pa sa loob, grabe iba talaga pag sobrang yaman.
Nagising ako kanina alas onse na, wala na rin si Xander, nag iwan lang ito ng note na may babalikan lang sa Manila at isang bugkos ng fresh na white rose at siyempre pagkain, ginising ko kaya siya kaninang alas tres ng madaling araw dahil sa gutom.
Pagkatapos kong libutin ang buong pent house ay ang pagkain naman ang pinagdiskitahan ko, sobrang na stress ako sa mga nangyari at kailangan ko kumain para maibalik ang lakas. Habang pinapapak ko ang pagkain tumunog ang phone ko.
"Hhelowh Zgiya." sagot ko habang puno ng pagkain ang bibig ko.
"Okay ka lang miss? bakit parang may kung anong nakasalaksak sa bibig mo? pinahihirapan ka ni Xander no? naku sabihin mo lang miss isusumbong ko yan talaga sa Daddy mo" umandar ang pagka Oa.
Kumuha ako ng tubig at uminom para matulak ang sangkatutak na pagkain sa bibig ko.
"Baliw kumakain ako! oh bat napatawag ka? may problema sa oposina?"
"Wala miss, binulabog lang naman ako ni Xander mo umagang umaga para lang ipamili ka ng gamit, naku! kung hindi mo lang siya mahal eh" natawa ako sa tinuran niya, halatang naiirita siya.
"Salamat Zia hah, ikaw na muna bahala sa opisina hah" maasahan ko siya lagi kaya tiwala ako sa kanya sa lahat ng bagay.
"Wag mong isipin ang agency ako bahala miss, ang isipin mo ang moment niyo diyan ng mahal mo miss, eeeehhhh ano na? nadiligan ka na no?" hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya sa biro niya.
"Tumigil ka Zia ha, kung ayaw mong sugurin kita diyan" wala namang nangyari eh, kaya okay lang.
"Peru miss ang romantic nong video niyo kagabi, nagpuyat pa ako talaga ha kakasubaybay sa moment niyo, sobrang kinilig ako nung hawak kamay kayong tumatakbo papunta sa helicopter. In slow motion miss sobrang romantic pang music video" nagtititili ito sa kabilang linya.
Natawa lamang ako habang nakikinig sa mga kwento niya na hindi ko na namalayan ang oras. Kung hindi pa naglowbat ang phone ko hindi pa mapuputol ang usapan namin.
Balak ko sanang maglibot sa labas peru wala akong damit, nakakahiya naman sa mga tao kung lumabas akong suot ang t-shirt at boxer ni Xander no. Kaya para hindi mabagot naisip kong kulitin si Xander sa text.
Me: Hi
Para pa akong teenager na kinakabahan habang naghihintay sa reply ng crush niya.
Xander: Hey baby
Parang gusto kong lumundag sa kilig baby? nakakamiss lang.
Me: Kailan ka babalik?
Xander: Missed me already?
Me: What if i say yes?
Xander: Then i'l be there in a minute.
Me: Hahaha no! finish everything there first. I'll wait for you here.
Xander: Nahh, im the boss here i can do what i want and ayokong naghihintay ka.
Pwedeng kiligin uli?
Me: okay, buy something for me pagbalik mo.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...