Xander's POV
Kanina pa ako palakad lakad sa labas ng ER, mag-iisang oras na wala paring doctor na lumalabas, napaupo ako sa isang upuan at naisabunot ang kamay sa buhok ko.
"Damn! Xander! this is all your fault!!!" galit kong sigaw, wala akong pakialam marinig man ako ng kasamahan ni Alex na nagbabantay sakin ngayun.
Napalingon ako sa grupo ng taong paparating sa kinaroroonan ko. Isang nasa 50's na lalake, makisig parin ito sa suot nitong uniform, at isang babaeng kasing edad lang siguro ng lalake na, kamukha ni Alex,halata na sa edad nito ay hindi parin nawawala ang angkin nitong ganda, may mga nakasunod naman ditong apat na body guards, hindi man naka uniporme peru halata mong mga bodyguards ito sa laki ng mga katawan nito at mga suot na wireless ear phones.
Tumayo naman ang kasalukuyang naka bantay sakin at sumaludo sa lalake.
"Mr. Monteverde, wheres our daughter?" saad ng lalake pagkalapit niya sakin.
"Nasa loob pa po sir, mag iisang oras na po peru hindi pa po lumalabas ang doctor." paliwanag ko sa mag-asaw na ikinahagulhol naman ng matandang babae.
"Gabriel, ang anak natin. Hindi ko makakaya kung mawawala siya Gabriel." saad nito habang umiiyak.
"She's strong Vicky, kaya niya yan im sure of that. I know our princess, she's the bravest girl in the world Vicky." saad ng ama ni Alex habang hinimas himas ang likod ng ginang.
Kumurot ang puso ko sa nakita, kung mawawala si Alex, ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang magiging dahilan ng kalungkutan ng kanyang mga magulang na sobrang mahal siya.
"Patawarin niyo po ako ma'am, sir. Hindi po ako naniwala sa anak niyo, patawarin niyo po ako. Kasalanan ko po ang lahat. " hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang humihingi ng tawad sa mag-asawa.
"She just did her job Mr. Monteverde, wag kang humingi ng tawad." saad ng ama ni Alex saka iginiya ang asawa para maupo sa upuan na inupuan niya kanina.
Ilang oras ang lumipas lumabas na rin ang doctor, agad kaming tumayo at sinalubong ito.
"Doc, hows our daughter?" salubong ng ina ni Alex.
"Kayo po ba ang magulang?" balik tanong ng doctor.
"Yes doc, how is she?" ang ama naman ni Alex ang sumagot.
"Masilan po ang naging tama niya, nadaplisan po ang puso niya na nagpahirap samin sa pagkuha ng bala, peru naging matagumpay po ang operasyon, ang hihintayin nalang po natin ay kung kailan siya magigising, maswerte po kayo at matapang ang anak niyo." para akong nabunutan ng tinik nang marinig ang paliwanag ng doctor.
"Thank you so much doc, thank you so much." saad ng mag-asawa sa doctor.
"Maaari niyo na po siyang makita pagkatapos niyang malipat sa private room niya." saad ng doctor saka umalis.
Alex's POV.
Naglalakad ako sa isang hardin na puno ng ibat-ibang klase ng bulaklak, sobrang ganda, ang babango nila. Ang sarap ng pag hampas ng hangin sa mukha ko at pagtangay nito sa mahaba kong buhok. Habang aliw na aliw ako sa mga bulaklak, nakita ko si Xander.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...