Sobrang hindi ko na alam ang nararamdaman late ako lagi sa trabaho dahil hindi ako nagigising maaga, ang hirap bumangon. Wala akong ganang kumain minsan peru pag kasama ko si Xander and siba siba ko naman sa pagkain at higit sa lahat confirmed na sobrang naadik na yata talaga ako kay Xander dahil gusto ko lagi ko siyang kasama at abot siya ng pang amoy ko lagi peru dahil iba ang pinapasukan namin everyday hindi yun nangyayari kaya laging mainit ang ulo ko.
"Ano ba yan Zia! ba't mali tong ipinasa na report ni John sakin? ang simple lang naman nito ah." sigaw ko kay Zia na maiging nakatitig sakin habang sobrang kunot ng noo ko.
"Miss okay ka lang?" tiningala ko siya at tinaasan ng kilay.
"Of course!"
"Kasi pansin ko nitong mga nakaraang araw ang moody mo, galit ka lagi which is new to us coz your not like that before naman." nangalumbaba lang ako sa harap niya.
"Si Xander kasi eh." nakanguso kong saad.
"Why? nag away na naman kayo?"
"Nope! siya ang dahilan kung bakit bad mood ako lagi! ayaw kasi niya akong samahan dito." saka ko inihilamos ang palad sa mukha ko.
"Wait di ko gets ang connection eh! explain further please?" ay ang slow naman eh.
"Ano kasi hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayun peru gusto ko nandito siya, nakikita ng mata ko naamoy ko ganun." umawang naman ang bibig nito sa narinig mula sakin.
"Oh my ghad! don't tell me ginayuma ka ni Xander?"
"Baliw! hindi no! basta hindi ko alam basta yun na yun, i want him wih me always." saka naman nag ring ang phone ko at lumiwanag ang mukha ko nang malaman kung sino ang caller.
"Hi love, i missed you so much." pansin ni Zia na hindi ko na siya makakausap dahil busy na ako sa phone ko kaya lumabas na siya.
"Missed me already? eh kakahatid ko palang sayo this morning eh."
"Basta na miss kita ng sobra, please puntahan mo ako dito." paawa effect pa ako.
"Haha, gusto ko yan love na hinahanap mo ako lagi."
"I want you here love please puntahan mo na ako." pwede namang ako ang pumunta sa kanya eh peru ayoko dahil ang gusto ko siya ang pupunta sakin.
"Alright for you my love, pupuntahan kita diyan."
"Thank you, hihintayin kita." ghosh! bat gusto kong maiyak? geeez ganito na talaga ka babaw ang luha ko?.
I'm so excited! that's what i'm feeling right now. Daig ko pang aakyatin ng ligaw ni Brad Pitt sa sobrang ka excited ko. Nababaliw na ba ako? at ganito nalang ako mag react at umakto these days?
"I'm here." biglang pasok ni Xander sa opisina ko bitbit ang bouquet of white rose which is my favorite.
"You're here." tumakbo na ako at niyakap ko siya ng sobrang higpit, inamoy amoy ko pa ang leeg niya, ang polo niya na ikinakunot ng noo niya.
"What are you doing?" kunot noo niyang tanong.
"Nah! wag ka nang magtanong basta na miss kita."
"If you say so." niyakap nalang niya ako ng mahigpit.
Buong maghapon ko siyang yakap yakap sa opisina ko, nasa couch lang kami at para sakin sobrang saya ko na at parang satisfied na satisfied ang pakiramdam ko ngayun na nandito na siya sa tabi ko. Hindi naman na siya nagtanong basta nilambing ko lang siyang wag nalang umalis at pumayag naman siya.
Kung kahapon ang saya ko dahil isang tawag ko lang nandun na agad si Xander, ngayun kabaliktaran ang nararamdaman ko kasi kaninang madaling araw umalis siya patungong America dahil nagka aberya ang branch ng Hotel doon. Kaya heto ulit ang busangot kong mukha sa opisina nakabalandra.
"I hate that face, kanina mo pa suot yan! palitan mo nga! yung smiling face naman!" iningusan ko lang siya.
"Alam mo miss gusto ko na talagang maniwalang ginayuma ka ni Xander kasi pag andito siya daig mo pang batang binilhan ng lobo sa tuwa peru ngayung wala siya, naku! para kang aattend ng libing."
"Hindi nga niya ako ginayuma! basta! ewan ko!" hindi ko kasi talaga ma explain.
Natapos ang maghapon ko na hinahanap hanap ko si Xander, gusto ko na ngang maiyak talaga. Nakauwi nalang ako ng condo deretso agad akong humiga sa kama, tinatamad akong maglinis ng katawan, no scratch that! ayokong gumalaw at gumawa ng kung ano-anu dahil isa lang ang gusto ko! si Xander na mayakap ko dito sa tabi ko, peru wala siya.
Niyakap ko nalang ang unan ko at nah umpisa nang tumulo ang mga luha ko, tumunog ang cellphone ko kaya agad kong kinuha yun.
"Hi love ko, nakauwi kana?" si Xander sa kabilang linya, hindi na ako nakasagot dahil humikbi lang ako. " Umiiyak ka ba love? f*ck bat ka umiiyak? sinong nagpaiyak sayo?" galit niyang saad sa kabilang linya.
"Wala, walang umaway sakin" garalgal ang boses kong sagot.
"Then tell me whats wrong love? ayokong umiiyak ang babaeng mahal ko."
"I want you here love." humikbi na naman ako.
"May problema ka ba love? please tell me."
"No, i want you here beside me always." humikbi na naman ako.
"Oh love, uuwi din naman ako kailangan ko lang tapusin to peru promise ko sayo i'll make everything quick here so i can go home as soon as possible."
"No, i want you here with me now love." hikbi lang ako ng hikbi dahil hindi ko talaga mapigilan.
"Ohhh love, whats wrong? may dinaramdam ka ba?"
"No! wala akong dinaramdam, peru i dont know whats wrong with me, lagi kitang hinahanap, gusto ko lagi kitang kayakap, lagi kitang naaamoy, nakikita, i wanna see you love." ghad! bat ba hindi ko mapigilan umiyak.
"Oh love, maybe you just missed me so much."
"Please come home love, hindi ko alam peru nalulungkot ako, gusto kong umiyak lagi pag hindi kita nakikita, please come home love." para na akong batang umiiyak dahil gustong umuwi na ang mga magulang na nasa malayo.
"Hindi ko alam kung anong ginawa mo sakin peru hindi ko na talaga kakayanin pag hindi pa kita nakita bukas o sa susunod na araw love, mamamatay ako sa lungkot."
"Hussssh, stop crying love."
Iyak lang ako ng iyak habang magkausap kami ni Xander sa telepono. Pinapatahan niya ako peru hindi ko talaga mapigilan ang paghikbi hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...