Super ganda ng umaga ko, nagising ba naman akong nakayakap sakin si Xander parang ayokong matapos ang eksenang yun. Peru naputol yun nang mag ring ang phone ni Xander at umalis na ito sa pagkakayakap sakin para sagutin ang tawag na yun.
"Oh, good morning Laine napatawag ka?" at lumabas na ito ng kwarto.
Tumayo nadin ako at nagsisigaw.
"Nakaka-imbyerna ka na talaga Laine ka ha! panira ka ng umaga, panira ka ng moment, aarggh! mabilaukan ka sana sa breakfast mo!" fine ako na ang galit.
Iniligo ko nalang ang sama ng loob ko at naghanda para pumuntang station, wala akong balak mag breakfast dito dahil beast mode parin ako baga mabugahan ko lang ng apoy si Xander pag nagkataon.
"Ba't naka police uniform kana naman?" bad trip ito ng paglabas ko ay naka complete uniform ako, ayaw kasi nito yun.
"Pupunta akong station today, may update na sa kaso mo." cold na kung cold basta wala ako sa mood ngayun.
"Paano ako?" kunot ang noo nito.
" Nasa labas si Dominguez, siya muna papalit sakin today sir, so if you'll excuse me aalis na po ako baka ma traffic pa ako." lalabas na sana ako peru humirit pa ito.
"Hatid nalang kita." ngumiti na ito ng nakakabaliw kaya agad ko iniwas ang tingin ko sa kanya, alam niyo na halos lahat na ng parte ng katawan ko ay kaya na akong traydorin dahil sa lokong yan.
"No thanks, i have my car and baka maabala pa kita sir." kahit gusto na kitang halikan ngayun ayoko dahil sinira mo at ng Laine na yun ang umaga ko.
May resulta na nga sa investigation sa pag ambush sa amin, nakuha na ang plate number ng sasakyan at kung sino ang may-ari nito, peru nadismaya din ako dahil nanakaw pala ang plate number nito at may ebidensya siya dahil na pa blotter niya ito agad sa police nang araw na nakawin ito.
"Chief kumusta?" bati sakin ni SPO1 Enriquez habang binabasa ko ang mga report sa kaso ni Xander. Na upo naman ito sa harap ng mesa ko, matagal ko nang kakilala si Enriquez dahil kami lang ang babae dito peru hindi kami lagi nagkakasama dahil mostly paperwork's lang siya allergic sa field.
"Okay lang chief, eto nagbabaka sakaling mapabilis ang kaso ni Monteverde, nakaka stress na eh." oh nakaka stress pag babaero ang kasama mo.
"Stress chief? mukha namang wala ka nun, mas gumanda ka nga parang mas blooming ka lalo." saad nito na tiningnan pa ako head to foot.
Blooming? oo, nakaka blooming kasi
ang sungitan ka lagi ng cliente mo at inisin ka ng mga babae nito.Dahil wala rin lang kaming mga ginagawa ni Enriquez ay nag kwentuhan nalang kami ng kung anu-ano, hindi ko na tuloy namalayan ang phone ko naka silent kasi.
Palabas na ako ng station at saka ko lang naalala ang phone at nagulat ako sa nakita, 30 missed calls na pawang galing kay Xander ang bumungad sakin.
"Ano nanamang drama ng lokong yun at tawag ng tawag." nakakapagtaka hindi naman siya ganun dati.
Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bag nang umilaw na naman ito at tumatawag na naman po si Xander.
"Yes sir, good eve-" hindi ko natapos sasabihin ko sa pag sigaw niya.
"Where the hell are you? I've been calling you whole day at hindi mo man lang sinagot!" beast mode ang lolo.
Hindi rin masyadong makapal mukha niya ehh no, ma pektusan ko nga to pag-uwi ko.
"Pasensya na po sir ha, busy kasi ako sa KASO niyo." i answered sarcastically at diniin ko pa ang word na kaso para malaman niyang hindi ako pumuntang station para hintayin lang ang tawag niya.
BINABASA MO ANG
His Lovely Bodyguard(Editing)
ChickLitHindi lahat ng relasyon nagsisimula sa sweet agad, may iba na bangayan, sungitan, deadmahan, barahan at sa kulitan nagsisimula. May masungit at malamig na nababago ng pag-ibig into mabait at mainit. Meron namang mabait at mainit na dahil sa pag-ibig...