CHAPTER FOURTEEN- CONFESSION

1.6K 37 0
                                    

Akala ko hindi na to mangyayari.

Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at lumuhod.

What? proposal agad? hindi pa nga kami. Tange! hindi lahat ng nakaluhod magpopropose ng kasal! malay mo, hihingi lang ng tawad.

"I never felt this to anybody Alex, hindi ko sana naramdaman ang pakiramdam na ito kung hindi ka naging parte ng buhay ko, ipapakidnap pa pala ako bago ko matagpuan ang magpaparamdam sakin nito." biro nito peru titig na titig parin sakin.

Habang ako, nobody can stop my tears from falling naman, ang saya ko kasi at kinakabahan ako.

"Please dont cry, i dont wanna see you crying." malambing nitong saad.

"Dont mind me, im just happy, just continue please." pahikbi-hikbi kong saad.

"Tanong nga ng iba, does a label make a relationship? para sakin importante yun kasi yun ang magbabind sa dalawang tao, yun ang panghahawakan nila para mas lalo pa nilang mahalin ang isat-isa, at gusto ko ganun tayo Alex, love? gusto ko ganun tayo kasi mahal kita, mahal na mahal kita at importante ka sakin kaya i want us to have a label, Alex. And i want it now, so Alexher Dione Rodriguez will you be my girlfriend?" seryoso na siya at nakikita kosa mga mata niya na mula sa puso ang bawat katagang lumalabas sa bibig niya.

"Yes ofcourse love, i want to be your girlfriend, at tumayo kana kanina kapa nakaluhod." hinila ko na siya patayo at niyakap ng mahigpit.

Saka naman sumabog ang ibat-ibang kulay ng ilaw sa kalangitan, sobrang romantic ng eksenang yun para sakin at sobrang pinaghandaan pala to ni Xander at may pa fireworks pa talaga.

"Nangyayari ba talaga to?" saad ko habang nakakulong parin sa mga yakap niya.

"Kung noon nagpapanggap lang tayo, ngayun hindi na love, this is for real." bulong niya sa tenga ko.

Aabot siguro sa isang oras ang yakapan naming dalawa ni Xander at kahit umabot pa to ng isang gabi hindi siguro ako mapapagod.

Sobrang alalay siya sakin, sa pag-upo, sa pagkuha ng pagkain at halos matunaw na ako sa mga titig niya.

"Baka matunaw naman ako sa kakatitig mo Xander." namumula kong saad. Nahihiya na ako sa mga titig niya kasi.

"I just cant believe it, na tayo na." masigla niyang sagot sakin. Kita ko sa mata niya ang kasiyahan.

"From now on paniwalaan mo na, at masanay ka na Xander." gusto ko talaga siyang tawagin sa pangalang naisip ko peru nahihiya ako.

"Really love? peru pwedeng Love din itawag mo sakin?" nakakatawa ang mukha niya, kanina pa pala pa ito tawag ng tawag sa kanya ng love samantalang siya ay Xander lang ng Xander.

"Pag-iisipan ko, peru marami akong gustong itawag sayo eh." nangunot ang noo nito.

"Ikaw bahala basta ba may kiss okay lang sakin." kumindat pa ito sakin.

"Baliw ka rin no." namula ako sa mga hirit niya.

Sobrang dami naming pinag kwentuhan, kung anu-ano nalang may seryoso may kabaliwan lang, may mga para sa future at ang mga nakaraan. Naglakad pa kami sa tabing dagat, pinag-usapan namin ang trabaho ko.

"Gusto mo ba talaga ang pagiging Police?" magkahawak ang kamay namin habang binabaybay ang daan pabalik sa siute namin.

"Noong bata pa ako, gusto ko maging chef, peru dahil only child ako at gusto ni Dad na may sumunod sa kanya, kaya nag Police ako." paliwanag ko sa kanya.

His Lovely Bodyguard(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon